Lynne’s POV Bumitaw silang dalawa sa kanilang mainit ng halika nang dumating kami. Napatingin ako sa mukha ni Dominic. Hindi mapagkakaila na mahal na mahal niya si Sharon. Ang kislap ng kanyang mga mata ngayon ko lang nakikita. Napatingin ako sa braso niya na nakapulupot sa maliit na bewang ni Sharon. “Okay, I guess we are all ready,” pinutol ni Doktora Katniss ang katahimikan naming apat. “Yes! I am very much excited. I canceled my fashion just for this. I am so eager to see our little one very soon. How about you, hon?” Malapad na ngiti ni Sharon sa asawa. “Second to that hon,” nakangiting sagot ni Dominic at nagbigay pa ng smack kiss sa kabiyak nito. “Oh, you two are so sweet,” natatawang tukso ni Doktora Katniss pero mahigpit niyang pinisil ang kamay ko. “So, you know the dril

