Lynne’s POV Kahit paano nakalimutan ko ang problema ko. Nakikinig lang ako sa biruan nilang dalawa. Napapangiti ako sa tuwing nag jo-joke si Duke. “May gusto ka pa bang kainin Miss Lynne, mag order ako.” Ngumiti ako at umiling. “Wala na okay na ito ang dami na nating inorder.” Pigil ko sa kanya. “Are you sure?” Pinanliitan pa niya ako ng mata. Napangiti ako lalo sabay tango. Sobrang dami ng pagkain sa mesa namin. “Oo nga,” natatawang sagot ko. Si Katniss tawa lang nang tawa ang reactions niya sa pag aasar ni Duke sa akin. Ang sarap nilang kasama. Parang nakalimutan ko pansamantala ang problema ko. Masayang natapos ang dinner namin. Ang daming baong joke ni Duke. Ang jolly niya. Masarap silang kausap ni Katniss. “Ihahatid na kita ko na kayo Katniss, Lynne. Ipapahatid ko na lang

