CHAPTER 1-TAKOT

1139 Words
Lynne’s POV “Ate, aalis ka ba talaga? Paano ako? Wala na akong kasama? Please ate isama mo na ako? Ayoko dito? Ayoko kina Tsang at Tsong please ate.” Pagmamakaawa ko kay ate Maredeth. Parang bukal ang pagtulo ng luha ko. “Marialynne, bumitaw kana. Aalis na si Ate, kailangan kong magtrabaho para makapag aral ka. Para sayo rin naman itong gagawin ni ate. Sige na pumasok kana sa loob.” Umiiyak na rin siya. “Ayoko ate Deth sasama ako. H’wag mo akong iwan dito please.” Pamimilit ko sa kanya. Nakayapos ako sa mga binti niya. “Marialynne! H’wag matigas ang ulo sabi eh!” Napatingala ako sa ate. Hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya. Pilit niyang inaalis ang kamay kong nakayapos sa binti niya. Bumalahaw na ako nang iyak “Ate! Ate ko!” Malakas kong sigaw. Nang matanggal niya iyon itinulak niya ako na siyang ikinasalampak ko sa lupa. “Ang tigas-tigas ng ulo mo! Hindi na kita mahal! Pabigat ka lang sa akin!” dinuro niya ako sa noo. Parang patalim ang mga salitang binitawan niya sa murang puso ko. “Hindi totoo yan, Ate Deth bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo, please.” Naiiyak kong pakiusap sa kanya. Ang sakit-sakit dito sa puso ko. Todo ang iling ko. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. “Totoo yan Marialynne, isa kang palamunin, pabigat at sakit ka sa ulo ko! Kaya kita iiwan hindi na kita mahal! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!” tumalikod na siya. Halos hindi ako makakilos. Pero nang malapit na siya sa tricycle tinakbo ko siya. Yumakap ako sa bewang niya. Nakatalikod siya sa akin. “Mahal na mahal kita ate ko, kahit hindi mo na ako mahal, ikaw pa rin ang nag iisang ate ko. Sorry kung matigas ang ulo ko, sorry kung pabigat ako sayo. Mag iingat ka doon ate. H’wag mo na akong iisipin dito ha? Okay lang ako. Pangako mag aaral akong mabuti aabutin ko ang pangarap mo sa akin ate Deth…” Kasabay noon ang pagbitaw ko sa kanya. Tumalikod ako. Ayokong makita siyang umalis at mawala sa paningin ko. Pero nang marinig ko ang pagbuhay ng makina ng tricycle, pinatay noon ang gahibla kong pag asa na magbabago ang isip ni Ate Deth. Hanggang sa umandar na iyon. Nang mawala na ang tunog saka pa lang ako lumingon. Nagbabaka sakaling hindi umalis si Ate. Napaluhod ako sa lupa. Takip ko ang aking mga palad sa mukha ko at humagulgol nang iyak. Paalam ate! Sana kayanin ko na wala ka… “Aray!” “Tama na yang kakadrama mo diyan! Iniwan ka ng ate mo dahil pabigat ka! Hala sige maglinis at maglaba kana! Siguraduhin mo lang Marialynne na malinis ang buong bahay kung hindi matatamaan ka sa akin! Naiintindihan mo?” Halos lumuwa ang mga ni Tsang Berta “O—opo Tsang…” Pero hindi pa siya nakuntento parang laruan niya lang akong iniwasiwas at marahas na ipinasok sa loob. Sinipa pa niya ang likuran ko. “Ang sakit po, tsang tama na po…” Iyak kong pagpapahinto sa kanya. “Anong tama na ha? Ito ang simula ng kalbaryo mo Marialynne, wala ka nang kakampi! Wala nang magtatanggol sayo! Iniwan kana ng ate mo! Dahil wala kang kwenta!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha. Napahawak ako doon at umiyak na lang. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Nang umalis na Tsang Berta, tumayo ako, kahit masakit ang gulugod sa pag sipa niya, paika-ika akong naglakad. Kumuha ako ng walis, dustpan, at mop. Napapangiwi ako sa sakit. Kagat ko ang aking pang ibabang labi para pigilan ang daing ko. Pinunasan ko ang aking mga luha. Tumingala ako para pigilan pa ang pag iyak ko. Pumikit ako. Pero parang sirang plaka at ume-echo ang sinabi ni ate sa pandinig ko. Habang naglilinis ako panay ang punas ko sa aking mga luha. Ilang beses akong mariing pumikit, pero walang silbi iyon. Napaupo ako sa sahig. Sumandal sa pader. Nakapatong ang aking baba sa tuhod ko. Habang nakayakap naman ako sa aking binti. “Ang tigas-tigas ng ulo mo! Hindi na kita mahal! Pabigat ka lang sa akin!” “Ate… Ate…” Umiiyak akong tinatawag ang pangalan niya. Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan. “Tsong!” Malakas na tawag ko sa kanya. Lasing na naman siya. “Hoy Marialynne, ipaghain mo ako!” Malakas niyang bulyaw sa akin. “O—opo,” nauutal at taranta kong sagot. Agad kong tinungo ang kusina para iinit ang pagkain. Naglagay na rin ako ng yelo sa pitsel. Nang mainit ko na iyon, naglagay na rin ako ng kutsara bago ko tinawag si tsong, “Na—nakahain na po.” Nangangatal ako sa takot. Makahulugan niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Gumapang ang takot at kilabot sa aking buong katawan. Tumabi ako nang dumaan siya sa harapan ko, “kumain kana ba Marialynne?” Tanong niya sa akin. “Ah—opo, kumain na po ako.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Ngumisi siya nang nakakaloko. Napayuko ako. “Malaki kana pala Marialynne ano? Ilang taon kana nga ba?” “Thirteen po Tsong Cosme.” Magalang kong sagot. Hindi ko nakikita ang reaksyon niya. Parang mababali na ang aking kamay sa kakapilipit ko. “Maglilinis lang po muna ako.” Paalam ko sa kanya. Akma akong tatalikod sana. “Sandali Marialynne, niregla kana ba?” Hindi ko alam paano siya sasagutin. “H—hindi pa po.” Mabilis akong umalis sa harapan niya. Dalawa lang kami dito sa bahay. Buti na lang hindi na siya sumunod pa. Agad akong lumabas ng bahay para maglaba sa poso. Grabe ang lakas ng t***k ng puso ko. Hingal na hingal ako. Pilit kong iniwawaglit ang kakaibang tingin ni Tsong Cosme. Nang magsimula na akong maglaba. Parang lumipad ang utak ko. “Marialynne, labhan mo rin ito ha?” Sabay tingin ni Tsong Cosme sa hita ko. “O—opo, pakilagay na lang po sa palanggana.” Sabay ayos ko sa suot ko. Kinilabutan ako lalo nang pinisil niya ang balikat ko. “Ang bait mo talagang bata, Marialynne at ang sipag-sipag mo pa.” Hindi ko alam kung ungol ba iyon o ano. Napatayo, ako ng wala sa oras nang hinagod niya ang likuran ko. “Tsong mababasa kayo!” Kunwaring pag iwas ko. “Gusto ko nga ata maligo, Marialynne…” nakangisi niyang sagot. Pulang-pula ang mga mata niya. Panginoon ko…. “May crush kana ba Marialynne?” Tumayo siya at lumapit ng bahagya sa akin. “Wala po Tsong, nag aaral po akong mabuti…” Takot na takot kong sagot. “Ahh mabuti naman, bawal ka pa mag boyfriend hangga’t nasa puder kita Marialynne, tandaan mo yan!” Sabay palo sa aking pang upo…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD