CHAPTER 2-UNANG PAGKIKITA

1660 Words
Lynne’s POV “Besh, totoo ba? Umalis na ang ate mo?” Napatingin ako kay Tessa. Nasa likod kami ng room namin. Nagbaon lang ako ng kanin at bumili nang limang pisong gulay. “Uhm…” Tuloy lang ang pagkain ko. Hindi ko siya magawang tingnan. Lalo lang niya akong kakaawaan. “Paano kana ngayon, sigurado aalilain kana ng mga Tsang at Tsong Cosme mo.” Ayon na naman ang takot ko nang marinig ko ang pangalan ng Tsong Cosme ko. “Kaya ko naman, Tessa eh.” Sagot ko. Pagkatapos kong lunukin anh huling subo ng aking pagkain. “Tara na Tessa, baka male-late tayo sa klase.” Aya ko sa kanya. Hindi pa naman time sa susunod na subject namin pero ayokong sagutin ang mga tanong niya. "Teka nga sandali, Marialynne." Maagap niyang hinawakan ang braso ko. Napatingin ako doon saglit sabay tingin sa mga mata niya. "Bakit?" Malamig kong tanong. "Halika umupo muna tayo, besides hindi pa naman time sa next subject natin." Sabi niya. "Magrereview ako baka may surprise quiz tayo," pagdadahilan ko sa kanya. Ayoko talagang pag-usapan ang sitwasyon ko baka iiyak na lang ako. "Kilala kita. Umiiwas ka lang, pwede mo naman sabihin sa akin ang problema mo diba? Nandito ako, magkaibigan tayo!" Naiinis niyang sagot. "May mababago ba, kung sasabihin ko sayo? Aampunin mo ba ako? Hindi naman diba?" Pilosopong sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya. "Para gumaan ang dala mo dito!" Sabay tusok niya sa taas ng dibdib ko. Mapakla akong ngumiti. "Dinurog na ito ng ate ko, wala nang gagaan pa dyan. Sobrang bigat niyan kasing bigat at sakit sa mga salitang binitiwan niya noong umalis siya." Kumurap- kurap ako. Niyakap ako ni Tessa. Doon lang ako bumigay. "Alam ko sobrang sakit, dahil iniwan ka ng ate mo pero besh nandito ako, hindi kita iiwan. Gusto kitang ampunin kaso palamunin din ako sa amin. Lasenggo rin ang tatay ko, sakitin naman ang nanay ko. Gusto ko na nga lumayas sa amin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos lumilipad ang plato at kaldero namin. Buti hindi babasagin kundi pati iyon ikakapulubi na talaga namin." Mahabang litanya ni Tessa, sabay kalas sa pagkakayakap niya sa'kin. "Salamat, Tessa." Napaupo ulit ako. Pero tahimik lamang kaming dalawa. "Nag aalala ako sayo, Lynne." Sabi niya sa'kin pagkalipas ng ilang minuto. "Bakit?" Tanong ko, na hindi man lang siya sinulyapan. "Aminin mo man o hindi natatakot ako sa Tsong Cosme mo. Baka gawan ka niya nang masama." Parang isang malakas na suntok sa sikmura ang natanggap ko sa sinabi ni Tessa. Umahon ang kaba sa puso ko. Iyon talaga ang kinatatakutan ko. Pero hindi na ako kumibo. Mag-iingat na lang ako palagi, iiwasan si Tsong Cosme. "Halika kana pasok na tayo." Aya ko sa kanya nang marinig ko ang bell. Ayoko munang isipin talaga iyon. Pagka pasok namin wala pa ang titser namin. Kaya nagbasa-basa mo na ako. Pero siniko ako ni Tessa nang pumasok ang classmate naming mayaman. Anak nang mayor sa aming bayan. "Ano?" Nakakunot kong tanong. "Iba na naman ang bag niya, para siyang espasol sa kapal ng powder niya at parang sinuntok ang nguso niya dahil sa kapal ng lip tint niya,' sabi ni Tessa sa akin. Kaya siniko ko na lang siya. Baka kasi marinig pa siya at magkakagulo na naman. "Hi Marialynne," bati ni Sharon sa akin. Nakatungo lang ako sa binabasa ko. Hindi ko siya tiningnan. "Bakit?" Malamig kong tanong. "Uhm, nothing, pero may suot kana ba sa prom natin? Gusto mo pahiramin kita ng damit? Hindi ko naman kasi iyon sinusuot na at tingin ko kasya sayo?" Pagmamagandang-loob niya. Isinara ko ang librong binasa ko at tumingin sa kanya. Saktong nag-apir pa sila ng kasama niya. "Sharon, salamat na lang, hindi naman ako sasali sa prom-prom na iyan. Saka wala akong hilig sa ganyan." Walang gana kong sagot. "Awe, akala ko a-attend ka kasi diba ikaw ang president ng class natin dapat nandoon ka rin, kasi gagawa ako ng program para doon." Ngumuso pa siya. Pero umiling ako. "Hindi ako a-attend." Puno ng pinalidad kong sagot. "Please, kailangan ka talaga umattend, saka sabi ng adviser natin isa ka sa magsasalita para opening remarks diba?" Pamimilit niyang tanong. "Pag-iisipan ko," tugon ko dito para matapos na lang ang usapan. Ayoko talaga siyang makausap dahil bukod sa maarte na ang yabang pa. Okay naman mag yabang since anak siya ng mayor. Pero nakakapagtaka sa public school siya nag aaral. "Great! Ako na ang gagawa ng speech mo ha?" Sabi nito. “Sabi ko pag iisi—” “Take a seat!” Utos ng titser namin. Hindi mo na napansin na pumasok na pala. "Will discuss na lang later ha?" Kumaway pa siya sa akin na akala mo close kami. "Ano iyon?" Pasitang tanong ni Tessa. "Aba malay ko. Wala naman akong balak sumali sa prom na sinasabi niya. Hindi rin naman ako papayagan ng Tsang Berta, lalo pa gastos lang yan," pabulong kong sagot. "Class, your attention please." Umayos ako nang upo at tumingin sa titser namin. Ilang segundong katahimikan bago nagsalita ulit si Ma'am. "Bilang junior, responsibilidad natin na mag send-off party para sa ating senior students ito ay tradisyon na simula pa lang. Si Sharon Castellano ang organizer sa naturang event, at ikaw naman Marialynne dahil ikaw ang president ikaw ang mamumuno sa mga kakailanganin ni Sharon." Mahabang pahayag ni ma'am. Napalingon ako may Sharon ngumisi siya. Ramdam ko talaga na may masamang balak ang bruhang iyon. Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin si ma'am sa akin. "Yes, Marialynne may suggestion ka ba?" Tanong niya na umiling ako kaagad "Pwede po bang hindi sasali? Pero po tutulong naman ako." Lumukot agad ang mukha ni ma'am. "Bakit hindi ka sasali? Ikaw pa naman ang president ng star section tapos hindi ka sasali?" Inis na tanong ni ma'am "Kasi ma'am hindi ako papayagan ng Tsang Berta ko, at wala akong pera po," magalang kong sagot. Napataas ang kilay niya sa sagot ko. Napaupo ako ng wala sa oras. Palakas nang palakas ang bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Gusto ko na lang sana kumaripas nang takbo. "Bueno, hindi pwedeng hindi ka sasali sa prom, Marialynne." Nanlulumo na lang ako. "Three months, na lang ay recognition niyo na gusto kong ipakilala sa inyo ang bagong transfer na maging kaklase niyo. Siya ay si Dominic Stan Basque." Pumasok ang matangkad na lalaki, may maputing balat, matangos ang ilong, at barbers cut ang pagkaka gupit ng buhok niya. Nang magtama ang aming mga mata ilang segundo rin iyon. Ngumiti siya sa akin. Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng pintig ng puso ko. Tumayo ito sa gitna, napatingin ako sa mamahalin niyang relo. "Hi Classmates, I'm Dom, new here,” simpleng pag papakilala niya. "You may sit down Dominic." Umupo siya sa katabi kong bakanteng upuan. Panay ang siko ni Tessa sa akin. Nanunuot ang mamahalin niyang pabango. "Hi, I'm Dom," malumanay niyang pag papakilala sa akin. "Narinig ko naman kanina ang sinabi mo, hindi naman ako bingi," malamig kong sagot. Bahagya siyang napatawa sa sagot ko. Napatingin ako sa titser namin na nagsusulat sa white board. Ilang beses akong siniko ni Tessa. Pero pinandilatan ko lang siya ng aking mga mata. "Ako pala si Tessa, beshi ko si Marialynne." Tumingin ako kay Tessa at pinaningkitan ko siya pero ang bruha malapad ang ngiti na nakatingin kay Dominic na iyo. "Nice name. Marialynne nice to meet you." inumang niya ang kamay niya sa akin. Pero tinignan ko lang iyon. Kinuha ko ang notebook ko sa lumang bag ko. May butas na rin iyon pero okay lang. Ilang beses nagtangkang kausapin ako ni Dominic pero hindi ako nag abalang tapunan siya nang tingin. Hanggang sa matapos ang huling subject namin sa panghapon. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko. Tumayo na ako at akmang lalabas na sana ng room. "Lynne wait lang please," hiling ni Tessa. "Marialynne!" tawag ni Sharon. Tumigil ako ng nasa pintuan ako paglingon ko bumangga ang noo ko sa matigas na pader este dibdib ng pamilyar na bulto. "Aray!!" Sabay sapo sa noo ko. "Oops! Sorry Marialynne," hingi niya ng sorry at hinawakan ang kamay ko. Parang gumapang ang kakaibang init sa buong katawan ko. Yumukod siya at pilit tinanggal ang kamay ko sa aking noo. "Patingin?" Malambing niyang tanong pero mabilis akong umiwas. Itinulak siya. "Bakit ka kasi pahara-hara!" Mataray kong sita sa kanya. "Bakit kasi parang ipu-ipu ka? Ang liit-liit mo ang bilis mong kumilos." Pilosopong tanong niya sa akin na siyang ikinapula ng mukha ko. Hindi mo na pinansin ang pasaring niya. "Bakit Sharon?" Tanong ko dito at papalapit sa gawi ko. "Hi Dom, I'm Sharon. Nakaupo ako sa likuran may bakanteng upuan doon baka gusto mo?" Pag papa-cute ni Sharon at hindi na pinansin ang tanong ko. Tumalikod na ako at mabilis umalis sa harapan nila. Baka makakaabala pa ako sa pagpapa-cute niya sa Dom na iyon. "Marialynne," tawag niya at naramdaman ko ba lang ang kamay nito sa siko ko. Mabilis niyang inalis iyon. "Bakit may sasabihin ka ba?" Walang ka interes- interes kong tanong. Tumagos ang tingin ko kay Sharon na nasa likuran ni Dominic. Lukot at mukhang nakatingin sa akin. "Pwede bang ihatid kita?" Nahihiyang tanong nito. "Besh," tawag ni Tessa sa akin. Tumingin ako sa kanya saglit bago dumako ang tingin ko kay Dominic. "Hindi na kailangan. Kaya kong umuwing mag isa." Matabang kong sagot at hinila ang pulsuhan ni Tessa. Akala ko mangungulit pa siya. Paglingon ko nagtatalo na sila ni Sharon. "Magkakilala pala sila?" Wala sa loob kong tanong kay Tessa at lumingon din siya. "Hindi mo ba kilala si Dominic Stan?" Gulat na gulat na tanong ni Tessa sa akin. Tumigil ako at hinarap niya. "Sino ba siya para makilala ko?" Natampal ni Tessa ang kanyang noo sagot ko. "Seryoso hindi talaga siya kilala?" Kinurot niya ang pisngi ko. "Siya lang naman po kamahal ang anak ng ating governor ng ating lalawigan inang reyna." Pang aasar niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD