Lynne's POV “Okay lang kayo, Miss Lynne?” Nag-aalalang tanong ni Mang Efren. Nasa sasakyan na kami pauwi ng mansyon. Nagsalubong ang aming mga tingin. Ramdam ko ang awa sa kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang puno ng katanungan. “Okay lang po ako Mang Efren,” magalang kong tugon. “Alam kong wala ako sa posisyon para magtanong sa inyo. Kaya lang Miss Lynne sa nakikita ko sa inyo sobrang hirap na hirap na kayo.” Paliwanag ni Mang Efren. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. “Huwag niyo na po akong alalahanin kaya ko ang aking sarili. Maraming salamat po sa malasakit niyo sa akin,” sagot ko sa kanya. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil may isang taong nakaka unawa sa aking nararamdaman. Hindi man kami magkadugo ni Mang Efren, h

