Lynne’s POV Nanlaki ang mga mata ko ng dinakma ni Dom ang leeg ni Tessa. “Dom! Bitawan mo siya! Please bitawan mo ang kaibigan ko! Parang awa mo na, Dom!” Naiiyak kong pakiusap sa kanya. Hinawakan ko pa ang braso niya dahil umangat sa ere si Tessa. Pulang-pula ang mukha ng kaibigan ko. “Please, Dom!” Malakas kong sigaw at ilang beses kung pinalo ang braso niya. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin. Hilam ang luha sa mga mata ko. Takot na takot para kay Tessa. “Aray!” Napasapo ako sa aking tiyan. Parang nagka-cramps na ang tiyan sobrang sakit. Napakapit ako kay Dom. Parang pinipilipit ang tiyan ko sa sobrang sakit. Ramdam ko ang likido na umaagos sa magkabilang hita ko! “Dom! Si baby!” Nandidilim na ang aking paningin. “No! No! Ang baby ko!” Malakas kong sigat at napabi

