Chapter 1

2863 Words
PAPASOK na sa gate ng La Estania University si Martina. Dito siya nag-aaral ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Nursing. Pinili niya ang night class dahil mas aktibo siya sa gabi. Huminto siya sa paghakbang nang mapansin ang kamumukadkad na puting rosas na nakatanim sa plant box sa gilid ng pader ng eskuwelahan. “Wow!” sambit niya habang papalapit sa naturang bulaklak. Isang dipa na lang ang lapit niya sa bulaklak nang biglang may tumawid sa harapan niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaking dumaan. Suot nito ay itim na pulo at itim na pantalong maong. May bitbit itong maliit na maleta. Hindi naman ito mukhang estudyante. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan. Barber cut ang buhok nito at halatang bagong ligo. Likod lamang nito ang nakita niya dahil pumasok na ito sa gate ng paaralan. Nanuot sa ilong niya ang matapang na pabangong ginamit nito.  Kaagad ding nawaglit sa kukoti niya ang lalaki. Pinitas niya ang puting rosas saka inipit sa kaliwang tainga niya. Wala siyang pakialam kahit late na siya sa klase. Huminto siya sa pasilyo sa ground floor ng limang palapag na gusali nang masalubong ang grupo ng kalalakihan. Kilala niya ang ilan sa mga ito. Mga estudyante ito sa kursong Bachelor of Science in Criminology. “Ang dalagang pilipina ay nakita ko na naman. Napakaganda talaga ng mga mata mo, Martina. Saan mo ba nakuha ang abuhin mong mga mata at katamtamang laki nito na naliligiran ng mayayabong na pilik? Sa tuwing nakikita kita ay para akong dinuduyan sa ulap. Nakakaagaw ka ng atensiyon. Makita lamang kita ay buo na ang araw ko,” puno ng paghangang pahayag ni Deon, ang leader ng sikat na fraternity sa unibersidad. Umismid siya. “Late na ako kaya paraain ninyo ako!” galit niyang wika. Ngumisi si Deon. “So what? Hayaan mong tapusin ko ang tula ko para sa ‘yo,” anito. “Oh aking Martina, ang iyong mga labi ay kasing pula ng rosas, tila kay sarap hagkan at−” Marahas niya itong itinulak nang tangkang hawakan nito ang baba niya. “Tumula kang mag-isa!” asik niya. Inihagis niya ang rosas sa mukha nito saka niya tinangkang tumakbo ngunit hinawakan ng isang lalaki ang kanang braso niya. “Ano ba! Bitawan mo ako!” asik niya habang nagpupumiglas. Pinagtawanan pa siya ng mga lalaki habang nagwawala siya. Akmang hahawakan ni Deon ang pisngi niya nang biglang may nagsalita. “Let her go!” Nanggaling ang boses sa likuran nila. Isang baritonong boses ng lalaki. Lahat sila ay napatingin sa nagmamay-ari ng makapangyarihang boses na iyon. Mabilis pa sa kidlat na pinakawalan siya ng grupo ni Deon. Parang nakakita ng multo ang mga ito at nag-uunahan sa pagtakbo. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Para bang may something sa mukha ng bagong dating na lalaki na sumindak sa grupo ni Deon. Nang mag-isa na lamang si Martina ay tumitig siya sa lalaking may sampung talampakan ang layo sa kanya. May dalawang dangkal ang tangkad nito sa kanya. Nakasuot ito ng itim na polo at itim na pantalong maong. Halatang bagong gupit ang buhok na sinuklay lahat ng hibla sa direksiyon ng likod. May hinala siya na ito ang lalaking dumaan sa harapan niya kanina sa tapat ng gate, kasing katawan kasi nito iyon at ang suot na damit ay pareho. Seryoso ito at kapansin-pansin ang banyagang mga mata nitong bumagay sa katamtamang kapal ng kilay nito. Kahit may kalayuan ay makikita ang light brown nitong eyeballs. Matangos ang ilong nito na makitid. Ang mga labi nito ay katamtaman ang nipis na mayroong natural na pamumula. Matikas ang tinidig nito at bakad sa hapit nitong polo ang maskuladong mga balikat at dibdib. Hindi siya sigurado kung ano ang lahi nito, o kung may dugo ba itong pinoy. May kahawig itong Mexican actor na palagi niyang napapanood sa mga Mexican drama. In short, artistahin, mukhang model. Kumurap-kurap siya at ipinilig ang kanyang ulo upang ibalik sa normal ang kanyang isip. “Uhm, s-salamat, ah,” balisang sabi niya. Hindi niya maawat ang mabilis na patibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan. Maypakiramdam siya na tila ba pamilyar sa kanya ang presensiya ng lalaki. Nakatitig lamang sa kanyang mukha ang estrangherong lalaki. Wala siyang narinig mula rito. Pagkabawi nito ng tingin sa kanya ay saka lamang siya nito iniwan. Pumasok na ito sa elevator. May ilang segundong tulala si Martina bago siya patakbong nagtungo sa kanilang silid-aralan. Nagpasalamat siya dahil hindi pa dumarating ang kanilang guro. Unang araw iyon ng pasukan para sa first semester ng taon. Third year na si Martina sa kanyang kurso pero may binabalikan siyang subject na hindi niya naipasa sa first year. Ang “Human anatomy”. Late na nga siyang nag-aral ay may ibinagsak pa siyang subject. Twenty-three years old na siya pero may isang taon pa bago siya makaka-graduate, depende kung maipasa niya lahat ng subjects niya. Hindi kasi siya komportable sa guro nila noon. Bukod sa mahirap sundan ang paraan ng pagtuturo nito, napakasungit din niyon kaya lalo siyang nahirapan. Hindi na nga siya katalinuhan, ganoon pa ang guro niya. Katunayan ay hindi lamang siya ang bumagsak sa asignaturang iyon. Ibang kaklase niya ay nag-shift na ng course. Gusto na rin sana niyang mag-shift ng course pero ayaw ng kuya at nanay niya. Wala siyang choice kundi pagsumikapang maipasa ang kurso. Suportado ng kuya niya ang pag-aaral niya kaya hindi niya ito maaring biguin. “Hello, Martina! Hindi mo pa pala natatapos ang Human Anatomy mo?” bungad sa kanya ni Rona, pagpasok niya sa laboratory. Doon kasi sila magkaklase ayon sa ibang kaklase nila. Kaklase niya si Rona noong second year at ngayon naman sa ibang subject. Umupo sila sa magkatabing silya sa unang hanay ng mga upuan. Halos pasigaw silang mag-usap dahil sa ingay ng mga kaklase nila. “Bumagsak kasi ako, eh,” malungkot na sabi niya. Humagalpak ng tawa si Rona. “Ano’ng nakakatawa?” Tinitigan niya ng masama si Rona. “Pareho pala tayo, apir!” anito at muli na namang tumawa matapos hampasin ang lapad niya. Pagkuwan ay napabunghalit din siya ng tawa. At least may karamay siya. “Magkaklase pala talaga tayo,” aniya. Nakipag-apir siyang muli rito. Nakisabay na sila sa ingay. Parang palengke sa ingay ang loob ng laboratory. Pero bigla na lamang tumahimik ang lahat nang dumating na ang guro nila. Pero si Martina ay hindi mapigil ang hagikgik kahit nasa harapan na ang guro nila. Hindi siya makatingin dito dahil hindi pa siya maka-move-on nang maalala kung bakit bumagsak siya sa Human Anatomy. Bukod sa terror ang guro nila, palagi siyang nakakatulog sa klase kaya siya nakaranas na masalpakan ng eraser ang bibig niya habang tulog at nakanganga. Inireklamo niya ang guro nila pero walang nangyari. Pinag-initan siya nito sa recitation. Sa inis niya ay palagi siyang lumiliban sa subject na iyon. Matagal niyang hindi na re-enroll ang subject dahil hinintay niya na mapalitan ang guro. Tuloy ang babata ng mga kaklase niya. Hindi bale, age doesn’t matter naman it comes to study. Ang mahalaga ay makapagtapos ng pag-aaral. Nabalitaan niya na naka-leave ang guro nila dati kaya kaagad siyang nag-enroll ng Human Anatomy. Baka sakaling magugustuhan niya ang bago nilang guro. “Good evening class!” Natigilan si Martina nang marinig ang boses ng guro nila. Pamilyar na boses ng lalaki. Ang akala niya ay babae pa rin ang pumalit kay Mrs. Lenn Rodriguez sa asignaturang iyon. Nagkamali siya. Ang boses ng guro nila ay buong-buo, parang ang guwapo nito. “Good evening, sir!” magkasabay na tugon naman ng mga kaklase niya. Nagsitayuan ang mga ito, maliban sa kanya na tulalang napatitig sa pinagpala ng kaguwapuhang guro nila. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking ito ang pumigil sa panggugulo ng grupo ni Deon kanina sa kanya. Ngayon lang niya ulit sinuyod ng tingin ang guwapong lalaki. Teacher pala ito? Wala sa hitsura nito. Akala niya ay guest lang ng university. Maraming guwapong part-time teacher sa school nila pero kakaiba ang apeal ng isang ito. Fresh na fresh, amoy na amoy niya ang ginamit nitong pabango. Matikas ang tindig nito, seryoso pero tipong hindi pagkakaitan ng tingin ng sinuman. Parang kay sarap nitong yakapin. Halos perpekto ang hubog ng katawan nito, katamtaman ang kaputian ng balat na makinis. Habang sinusuri niya ang kabuuan ng kanilang guro, hindi niya namamalayan na kanina pa nakaawang ang bibig niya. Ang guwapo niya talaga. Sana naging estudyante na lang siya. Pantasya ng kanyang isip. Biglang nanikip ang kanyang dibdib sa kanyang panloob nang magawi sa kanya ang paningin ng kanilang guro. Napakislot siya nang tapikin ni Rona ang balikat niya. Noon lamang siya napatayo. Nang magsiupo na silang lahat ay saka lamang napansin ni Martina si Rona na mapanukso ang ngiti. Tulad niya ay titig na titig din ito sa guwapong nilalang na nasa harapan nila. “Again, good evening! Before we proceed to our first lesson, I would like to introduce myself to you. I’m Dr. Dario Rivas, your temporary professor while Mrs. Rodriguez is still on maternity leave. I used to work as anatomist in Germany for almost ten years. But I decided to stay here in Philippines to serve Filipinos. I’m also an Obstetrician/Gynecologist. It was my current profession. My mother has a drop of Filipino blood. That’s why I chose to work here,” maikling pakilala ni Dr. Rivas sa sarili, na ikinamangha ng lahat. Natulala si Martina. Pero bigla siyang nalungkot nang malamang pansamantala lamang magtuturo sa kanila ang guwapong doktor. Nawala sa konsentrasyon si Martina nang sikuhin na naman siya ni Rona. “Grabe, ang guwapo niya! Akala ko photoshop lang ang mukha niya sa isang magazine. Ang sarap niyang papakin!” kinikilig na sabi ni Rona. “Kilala mo ba siya?” interesadong tanong niya rito. “Nabasa ko sa isang medical magazine ang tungkol sa kanya. Totoo pala na OB/GYN siya. Ang guwapo pala talaga siya sa personal. Uminit ang issue tungkol sa kanya magmula noong nag-viral sa f******k ang tungkol sa mga professional na lalaki na mga hunk. Isa si Dr. Rivas sa mga kinabaliwan sa social media. Kumalat ang guwapo niyang larawan na nakasuot ng puting coat. Hindi ka ba aware roon?” ani Rona. Binalikan niya ang panahong nahibang din siya sa f******k. Alam niya na nauso noon ang pagkalat ng mga guwapong professionals sa mundo ng social media. Pero hindi na niya maalala si Dr. Rivas sa dami ng nangyari sa buhay niya. Itinago niya sa parents niya ang depresyon niya dahil sa bagsak niyang subject. Pagkatapos ay may mga kababalaghang nangyayari sa kanya. Palagi siyang dinadalaw ng halimaw na lalaki sa panaginip niya. Ngayon lang siya naka-recover dahil tinanggap ng parents niya ang nangyari sa ibang subjects niya. “Hindi ko siya maalala,” sabi niya kay Rona. “Ewan ko sa ‘yo. Palagi ka na lang nahuhuli sa balita. Parang hindi ikaw ang Martina na nakilala ko noon. Ang Martina na hindi nagpapahuli pagdating sa mga guwapong lalaki,” sabi ni Rona. Umismid siya. May pangako siya sa Kuya niya, na pagsisikapan niyang maipasa ang kurso niya. Hindi puwedeng masayang ang sakripisyo ng pamilya niya para makapagtapos siya ng pag-aaral. Mamaya ay dumako sa isip niya ang tungkol kay Dr. Rivas. Nagtataka siya. Kung bigatin ang propesyon ni Dr. Rivas, bakit parang nasa early thirties lang ang edad nito base sa pisikal nitong anyo? Masyado itong bata tingnan kung marami itong tinapos na kurso at may kinalaman pa sa larangan ng medisina. Maraming taon ang iginugol nito sa pag-aaral. Parang ayaw niyang maniwala sa paglalarawan nito sa sarili. Napaka-imposible kasi. Halos lahat na naging guro nila na mga doktor ay matanda nang tingnan. Samantalang si Dr. Rivas ay may sampung taon na umanong nagtrabaho bilang anatomist sa Germany. ‘Tapos, isa pa itong OB/GYN. Hindi biro ang pag-aaral para makuha ang propesyong iyon. “Bakit parang ang bata pa niya tingnan, Rona? Baka naman peke ang magazine na nabasa mo,” nagdududang sabi niya kakay Rona. “Anong peke? Hiniram ko pa ang magazine na iyon kay Dr. Madred dati. Iyan nga rin ang katakataka. Sabi ng iba, retokado raw ang mukha niya kaya parang hindi tumatanda. Hindi naman halatang nagpa-retoke siya. Hindi nabanggit sa article kung ilang taon na siya. Palipat-lipat lang daw siya ng bansa at lugar dito sa Pilipinas. Marami rin ang nahihiwagaan sa pagkatao niya. Ang mukha lang niya ang nagdala para makuha ang atensiyon ng mga tao,” kuwento ni Rona. “Oo nga. Mukhang hindi naman retokado ang mukha niya. O baka araw-araw lang siyang naliligo ng formalin,” natatawang sabi pa niya. Siniko siya ni Rona sa balikat. “Gaga! Anong akala mo sa kanya, cadaver?” Humagikgik siya. “Pero seryoso, ang guwapo niya talaga. Nai-imagine ko si Damon ng Vampire Diaries,” aniya. Mahilig kasi siyang manood ng vampire movie. Ang porma kasi ni Dr. Rivas ay katulad sa mga male vampire na madalas niyang napapansin sa mga vampire movie. Mahilig sa itim na kasuotan. Maging aura nito ay halatang may itinatagong dark side. Ipinilig niya ang kanyang ulo saka ikinintal sa kanyang isip na kailanman ay walang bampirang nag-exist sa mundo. Likha lamang iyon ng malawak na imahenasyon ng mga manunulat. “Kaloka ka, Martina. Mas bet ko si Edward sa Twilight.” “A basta, may kamukha siyang lalaking bampira sa mga napanood ko. Parang si…” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang minsan siyang hagipin ng paningin ni Dr. Rivas. O-M-G! kinikilig na sigaw ng isip niya.   “May asawa na kaya siya? Sana wala,” mamaya ay sabi niya nang bumaling na naman sa iba ang tingin ng kanilang guro. “Bakit, interesado ka ba sa kanya?” pagkuwan ay tanong ni Rona. Nagmistula silang mga bubuyog na nagbubulungan. “Tungaw! Sino ba naman ang babaeng hindi magkaka-interes sa katulad niya?” aniya. “Darn! Love at first sight ba ‘yan? O lust at first sight?” untag nito. “Can I choose both?” malanding sagot niya. “Paano kung ayaw niya sa babaeng virgin?” Natigilan siya nang banggitin ni Rona ang salitang “virgin”. Sa isang iglap ay sumariwa sa isip niya ang karanasan niya noong nakaraang taon na paniniwala niyang nanaginip siya na meron siyang katalik. At hindi iyon basta panaginip lang… NAALIMPUNGATAN si Martina nang biglang tumunog ang alarm clock ng cellphone niya. Ngunit nang tinangka niyang bumangon ay napahiga siyang muli nang maramdaman niya ang matinding kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Masakit ang buong katawan niya. May nararamdaman din siyang hapdi sa kanyang mga braso, leeg at mga hita. Dumaing siya. Dahan-dahan siyang umupo. Lalo niyang naramdaman ang kirot. Noon lamang niya napansin na wala siyang anumang saplot sa katawan. May sugat siya sa kaliwang hita na hugis letrang “S”. Saka naman nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang malaking mantsa ng dugo sa kobre kama. Iniisip niya na marahil ay nagmula iyon sa sugat niya sa hita. Pero may nararamdaman siyang kumikirot na sugat sa loob ng kanyang p********e. Shit! Totoo ba ito? Hindi lang ba panaginip ang nangyari? Sino ang lalaking iyon? Ang virginity ko! nawika niya sa sarili sa akalang panaginip lamang na nagkaroon siya ng katalik. Hindi niya namamalayan ang paglandas ng kanyang mga luha. Pinagmasdan niya ang paligid ng kanyang kuwarto. Magulo. Ang kobre kama niya ay may gulanit at halos maalis na sa kutson. Napigil niya ang luha nang masipat niya ang pendant na tila yari sa ginto. Hugis iyon ng new moon. Nakahiwalay iyon sa sinasabitang kuwintas na kumikinang din. Dinampot niya iyon at tinitigang maiigi. Iniisip niya na maaring pag-aari iyon ng lalaking umangkin sa kanya. Pakiramdam niya’y mababaliw siya sa kakaisip kung paano naganap ang lahat. Akala talaga niya ay panaginip lang ang nangyari, pero hindi. Naalala niya, birthday ng Kuya niya kagabi at nagkaroon ng munting salu-salo. Napilit siya ng mga pinsan na uminom ng alak. Hindi siya sanay uminom at lalong hindi siya pinapayagan ng ina niya na uminom ng alak. Dahil nasa Cebu ang Mama niya, hindi siya nagpapigil uminom. Pero kahit nalasing siya, imposibleng wala siyang maalala sa naganap kagabi. Hindi pa naman siya sobrang lasing para makalimot. At lalong hindi siya nanaginip. Nararamdaman niya sa kanyang katawan ang katotohanan. Nararamdaman niya na may malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala…ang kanyang kaingat-ingatang p********e. Dahil sa pananakit ng katawan niya ay hindi siya lumabas ng bahay. Nilinis niya ang kanyang kuwarto. Nilabhan niya ang kumot at kobre kama na may mantsa ng dugo. Natatakot siyang lumabas baka mahalata ng Tatay niya ang kilos niya. Nagkunwari siyang may sakit. Takot na takot siya sa nangyayari sa kanya. Naguguluhimanan siya. Wala naman siyang kilala sa nayon nila na maaring magnasang pagsamantalahan siya. Na maaring gamitan siya ng gayuma o anumang panlinlang. Wala naman sa mga bisita ng kuya niya ang posibleng gawin iyon sa kanya dahil pawang may mga asawa na ang mga iyon at mga professional. Matitinong tao ang mga iyon. Pinagmasdan na naman niya ang kuwintas na napulot niya sa kama. May mga nakaukit sa pendant na hindi niya maintindihan. Sa gitna ng buwan ay mayroong nakaukit na mata. May kabigatan ang pendant na iyon. Hindi siya mapakali. Kinakabahan siya sa posibleng mangyari sa kanya. Sa posibilidad na mabuntis siya. “Paano kung mabuntis ako? Ano  na lang ang sasabihin nila Nanay, ni Tatay at ni Kuya? Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat? Baka sabihin nila naglandi ako. Wala naman akong boyfriend, ni wala ngang nakahalik pa sa labi ko. Diyos ko, huwag naman sana. Sana ang lalaking gumalaw sa akin ay baog. Hindi pa po ako handang magkaanak!” nahihibang na sabi niya. Mamaya ay may kung anong init na nabuhay sa kaibuturan niya nang maisip kung paano siya inangkin ng estrangherong lalaki. Naiisip na naman niya ang mga eksenang nababasa niya sa mga erotic novels. “Shem! Hindi kaya sa kakabasa ko ng erotic stories ay lumabas na ang fictional hero sa story?” hibang na sabi niya. Tinampal niya ang sariling mukha. Pinalis niya ang mga isiping iyon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD