Prologue

1362 Words
BUMALIKWAS nang bangon si Martina nang maramdaman niya ang biglaang pagdilim ng buong kuwarto. Magmula pagkabata ay takot na siya sa dilim. Hindi gumana ang emergency light sa kanyang kuwarto. Hindi rin niya nahagilap ang kanyang cellphone. Nataranta siya at nangangapang naglakad upang matagpuan ang pinto. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa takot. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil tila may nakabara roon. Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako! "Mama!" malakas niyang sigaw. Ngunit walang dumarating sinuman sa pamamahay na iyon. Mamaya ay may humilagpos na kung ano sa loob ng palikuran. Napatili siya. Hindi na maganda ang dumarating sa imahinasyon niya. Hindi niya malaman ang gagawin. Malalaki ang hakbang niya habang hinahagilap ang pinto. Napahagulgol siya. Hanggang sa bigla siyang bumalya sa matigas na bagay. Natigilan siya nang makapa ang malaking katawan ng isang tao—katawan ng isang hubad at matipunong lalaki. Ngunit napakadilim kaya hindi niya ito nakikita. Dahil sa presensiya ng lalaki ay unti-unting naglalaho ang kanyang takot. Naramdaman niya ang mainit na kamay ng lalaki na naglalakbay sa kanyang baywang. Damang-dama niya sa kanyang balat ang init ng palad nito dahil wala siyang saplot panloob. Tanging manipis na pantulog lamang ang kanyang suot. "S-Sino ka?" tanong niya sa nangangatal na tinig. Ngunit wala siyang narinig ni ungol mula sa lalaki. Bagkus ay nagpatuloy sa paghahagilap ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Napaigtad siya nang madama niya ang init ng bibig nito na lumalapat sa puno ng kanyang leeg. Hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang leeg. Natigagal siya nang madama niya ang matutulis nitong ngipin na pakiramdam niya ay babaon sa kanyang leeg dahil sa pagriin nito. Nagpumiglas siya ngunit lalo lamang lumingkis ang kamay nito sa baywang niya. Napayakap siya sa malaking katawan nito. Dahil sa katahimikan ay wala siyang ibang nadidinig kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso. Hindi na niya magawang igalaw ang kanyang katawan nang madama niya ang bibig ng lalaki na humahalik sa kanyang labi. Nag-init ang buong katawan niya. Iyon ang unang pagkakataon na may lalaking nangahas na halikan siya sa labi. Hindi lamang iyon simpleng halik. Isang maalab na halik na may kakaibang sensasyon na unti-unting tumutupok sa kanyang kamalayan. Inalipin siya ng init at kapusukan. Nawalan na rin siya ng kontrol sa sarili at tuluyan niyang ipinagkaloob sa estrangherong lalaki ang kanyang inosenteng katawan. Naramdaman niya ang munting panlasa nito na pangahas na gumagalugad sa kanyang bibig. Gayundin naman ang paglakbay ng mga kamay nito saan man sa parte ng kanyang katawan. Kumislot siya nang mariing pumipisil ang kamay nito sa kanang dibdib niya. "Uhmmmm." Napaungol siya. Hindi na niya nasusundan ang bilis ng pangyayari. Nawawala sa tamang huwisyo ang kanyang isip. Gustong-gusto niya ang nakakahibang na pakiramdam na iyon, na noon lamang niya natagpuan-sa piling ng lalaking ito. Wala siyang lakas upang pigilin ang mga kamay nito na tuluyang pinapalaya ang kanyang kahubaran. Pagkuwan ay binuhat siya nito at ibinagsak siya sa kama. Nakahilata siya sa kama at pilit inaaninag ang mukha ng lalaki ngunit napakadilim. Kumilos siya upang bumangon ngunit bigla nitong hinawakan ang mga kamay niya saka siya pinahawak sa headrest ng kama. Sunud-sunuran siya rito, na para bang malaking kawalan sa kanya ang pagsuway sa kagustuhan nito. Tila nasa panaginip siya na hindi niya kayang kontrolin ang pangyayari. Mamaya ay dumagan ito sa kanya. Muli na naman nitong siniil ng halik ang kanyang labi. Sa pagkakataong iyon ay komportable na siyang salubungin ang maalab nitong halik. Makalipas ang ilang sandali ay nagsimulang naglalakbay ang mainit na bibig nito pababa sa kanyang leeg—pababa pa sa puno ng kanyang dibdib. Bumitiw ang isang kamay niya sa headrest ng kama nang sakupin ng bibig nito ang bawat dunggot ng kanyang dibdib. Naghatid iyon ng bayolenteng init sa kanyang kaibuturan. Hindi lamang ang bibig nito ang nagpiyesta sa kanyang mayayamang dibdib. Maging ang kamay nito ay humihipo, pumipisil sa bahaging iyon. Napansin niya ang kakaibang init ng bibig nito-na para bang nagtataglay iyon ng apoy at milyong bultahe ng kuryente. Napakalakas nito. Naririnig niya ang pag-ingit ng kama. Marahil ay dahil sa mga lakas at bigat nila. Kumapit siyang muli sa headrest ng kama nang dumalantay ang bibig nito pababa sa kanyang puson—at hindi niya akalain na bababa pa iyon sa maselang parte ng kanyang p********e. Impit siyang sumigaw nang madama niya ang kamay nito sa kanyang kaselanan. Ang ilang daliri nito ay nagpupumilit loobin ang inosenteng bahagi ng kanyang katawan. "Oooh please!" nahihibang niyang hiyaw, habang pilit ikinakalma ang nag-aalburutong init sa kanyang kaibuturan. Halos baklasin niya ang kinakapitan niyang headrest ng kama dahil sa nakakahibang na sensasyong dulot ng lalaki sa kanyang pagkatao. Hindi lamang kamay nito ang dumapo sa pagitan ng kanyang mga hita. Nararamdaman na rin niya ang marahas na panlasa nito roon. Nakadama siya ng munting kirot nang magsimulang maggalugad ang munting panlasa nito sa kanyang kapusukan. Naisambunot niya ang kamay sa may isang pulgadang haba ng buhok nito. "Ooooh. Tama na!" bulalas niya nang pakiramdam niya ay sasabog siya sa tindi ng kaligayahang nadarama. Natigilan siya nang biglang tumigil ang lalaki sa ginagawa nito. Ngali-ngali niyang sabihin na huwag na lamang itong tumigil. Dumamba ito sa kanya at mahigpit na ginapos ang kanyang mga kamay na itinaas nito sa kanyang ulunan. Iginit pa nito ang ibabang bahagi ng katawan sa pinagbukod nitong mga hita niya. Kinabahan siya nang maramdaman ang matigas na bagay na bumundol sa inosente niyang p********e. Mayamaya pa ay napasigaw siya nang agaran siya nitong inangkin. Matigas, malakas at may kalakip na makapigil hiningang kirot ang unti-unting panloloob ng makisig nitong p*********i sa insente niyang katawan. Mariing kumapit ang mga kamay niya sa maskuladong likod nito. Habang unti-unti itong sumasagad ay ganoon din ang pagbaon ng mga kuko niya sa balat nito sa likod. Sa kabila ng hirap ay hindi pumasok sa isip niya ang pagpumiglas o pagtutol, sapagkat sa kalaunan ay nakakadama siya ng sarap-na sa palagay niya ay may isasarap pa. Nang umulos ang lalaki ay ipinaubaya na niya rito ang buong gabi niya. Kanya nang tinatamasa ang walang kapantay na kaligayahan. Ngunit sa kabila ng kasiyahan, naroon sa diwa niya ang pagdududa at pagtataka dahil sa kakaibang kilos at lakas ng kapareha. Minsan niyang naisip na hindi ito normal na tao. Lalo na nang minsang dumaan sa hita niya ang matutulis nitong kuko at minsang pagdaplis ng matulis nitong ngipin sa kanyang leeg. Pero kaagad ding naglaho ang agam-agam na iyon nang dalhin siya nito sa sukdulan ng langit. Sa dulo ng kanyang orgasmo. Ngunit hindi natigil roon ang kalbaryo niya. Muli nitong hinibang ang katawang-lupa niya. At habang siya ay hibang nang muli sa walang puknat na pag-ulos nito sa kanya, naramdaman niya ang pagguhit ng kuko nito sa kanyang hita. Kumirot iyon at ramdam niya na dumaloy ang mainit niyang dugo. "Ugh!" daing niya. Ngunit pinasadahan ng mainit nitong panlasa ang kanyang sugat. Narinig niya ang pagsinghap nito na tila gustong langhapin ang amoy ng kanyang dugo. Hindi na niya iyon ininda nang muli nitong iparanas sa kanya ang sukdulan ng kaligayahan. Makalipas ang halos trenta minutong pag-iindayog ng kanilang mga katawan ay narinig din niya sa wakas ang matagumpay na sigaw ng lalaki. Bumagsak ang pagal nitong katawan sa ibabaw niya. Pagkuwan ay gumulong ito at humiga sa kanyang tabi. Hindi niya mawari kung kaninong hininga ang naririnig niya sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ni Martina ay tumakbo siya ng isang daang kilometro. Pagod na pagod siya at wala na siyang panahong mag-isip tungkol sa nangyari. Hindi niya maikilos ang kanyang katawan. Marami siyang nadaramang kirot sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, lalong-lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Naramdaman niya ang pagkilos ng lalaki. Kahit anong pilit niyang maaninag ang mukha nito ay hindi niya makita dahil sa kadiliman. Narinig niya ang pagbukas ng pinto na kaagad ding nagsara. "Sandali! Sino ka?" awat niya ngunit walang sumagot. Naghari ang katahimikan. May ilang sandali siyang tulala sa kadiliman hanggang sa gupuin siya ng antok at tuluyang nakalimot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD