ANG NAKARAAN..
⚠️ RATED SPG | 18+ READERS ONLY ⚠️(Mafia Romance SPG Disclaimer)
This story contains mature content, violence, criminal activities, possessive characters, intense romance, and scenes that may not be suitable for younger readers.
All characters and events in this novel are fictional. The author does not promote or glorify violence, illegal activities, or harmful behavior. Reader discretion is strongly advised.
Read at your own discretion.
-----
“Ninong Xander! Look ’yong doll ko, kamukha ko ’di ba?”
Isang masigla at napakatinis na tinig mula sa pitong-taong-gulang na bata ang biglang bumasag sa nakakabinging katahimikan ng malawak at marangyang opisina. Malalaki at kumikislap ang mga mata nito habang ang likas na kulot nitong buhok ay sumasayaw sa bawat hakbang.
Bahagyang napaangat ang tingin ni Xander Ace Salvador mula sa mga papeles ng mga kargamento at transaksyon na kaniyang sinusuri.
Sa edad na dalawampu't tatlo noong panahong iyon, si Xander na ang kinatatakutang kanang kamay at second-in-command ng Il Corvo Nero (The Black Raven)—ang pinakamalaki, pinakagising, at pinakamakatatakutang syndicate organization na nagmumula sa Pilipinas patungo sa buong mundo. Sa maruming mundo ng krimen, kilala siyang walang awa, kalkulado, at tila yelong walang pintig ang puso.
Ngunit sa tuwing magtatagpo ang kaniyang mga mata at ang inosenteng titig ng kaniyang inaanak na si Raven, kusa at awtomatikong lumalambot ang matitigas niyang mga guhit sa mukha. Sa mga sandaling tulad nito, mahirap paniwalaang ang lalaking may maamong titig ay ang mismong demonyong kinatatakutan ng kaniyang mga kaaway.
Kailan kaya titigil sa pagiging makulit? Tanong ni Xander sa kaniyang sarili, subalit ang kaniyang mga labi ay may bakas na ng munting ngiti.
"Oo na, Raven. Kamukha mo," malambing na biro ni Xander. Dahan-dahan niyang itinabi ang hawak na pluma at ginamit ang kaniyang hinlalaki upang banayad na punasan ang bakas ng tsokolate sa pisngi ng bata. "Pareho kayong madaldal at hindi nakukuha sa tingin."
Tuwing bibisita si Xander sa mansyon para sa mga mabibigat at importanteng transaksyon ng mafia, hindi kailanman nakakaligtaan ng binata ang may dalang paboritong pasalubong para sa kanya. Sa bawat yakap, halik sa pisngi, at paglalambing ni Xander, doon umiikot ang kasiyahan at kaligayahan ng bata. Para sa kanya, ang pagyakap sa kanya ng Ninong Xander niya, ang halik sa pisngi, at ang paglalambing nito ang tanging bagay na nagpapasaya sa kanya. Tuwing may pasalubong at regalo sa kanya si Xander sa pag-uwi nito, para sa kanya ay parang panliligaw na ito—isang patunay na nakatatak sa kanyang isip na si Xander lang ang tanging lalaking gusto niya sa buong mundo.
Isang malalim at baritonong halakhak ang umalingawngaw mula sa malaking leather swivel chair sa kabilang dulo ng mesa.
Si Leandro "Leo" Madrigal—ang Supreme Leader ng organisasyon at ang ama ni Raven, na noong panahong iyon ay 28 taong gulang pa lamang.
"Sinisira mo ang pagiging seryoso ng ninong mo, Raven. Baka makalimutan niyang siya ang kinatatakutan sa mundong ito," ani Leo, may halong amusement sa kaniyang boses habang pinapanood ang anak.
Nakasimangot na tumingala si Raven kay Xander. Sa kabila ng murang edad na pito, may kakaibang talas at tapang na ang kaniyang mga mata—isang katangiang ini-inherit mula sa kaniyang ama. Walang pasintabi nitong hinarangan ng kaniyang dalawang maliliit na kamay ang mga dokumentong binabasa ng lalaki at buong lakas na nagpahayag ng determinasyon.
"Ninong, gusto ko kapag lumaki ako, ako lang ang girlfriend mo, ah? Huwag kang mag-girlfriend ng iba! Tapos magpapakasal tayo!"
Sandaling natigilan si Xander. Ang malamig niyang mga mata ay napasinghap bago tuluyang napakawalan ang isang pambihirang, tapat na tawa—isang tunog ng kagalakan na tanging ang batang ito lamang ang nakakaya na ilabas sa kaniya. Ginulo niya ang malambot at kulot na buhok ng bata.
"Ang bata mo pa, Raven. Kung ano-anong tumatakbo diyan sa maliit mong utak," natatawang ilag nito. "Sige na, pumunta ka muna sa yaya mo sa labas."
"I love you, Ninong Xander!" masiglang sagot ng bata. Mabilis itong tumingkayad at nag-iwan ng isang basang halik sa pisngi ng lalaki bago patakbong lumabas ng silid.
Naiwang napapailing si Leo habang may bitbit na tipid ngunit tapat na ngiti.
Para kay Raven, ang mga salitang iyon ay hindi isang simpleng biro ng bata. Nakatatak na sa kaniyang musmos na isip na ang kaniyang guwapo, matangkad, at mistulang anghel na si Ninong Xander ang natatanging lalaking gusto niyang makasama, papakasalan niya, at magtatanggol sa kaniya habambuhay.
Lalo na't maaga siyang naulila sa ina noong limang taong gulang pa lamang siya nang salakayin ng mga kalaban ang mansiyon ng kaniyang mga lolo't lola. Sa gabing iyon, muntik na rin siyang mamatay—kundi dahil sa mabilis na pagdating at pagprotekta ni Xander.
PAGKALIPAS NG TATLONG TAON... (Ikasampung Kaarawan ni Raven)
Matingkad na mga ilaw, dambuhalang kristal na chandelier, malalaking balloons, at ang pinakamasasarap na pagkain. Ito ang gabi ng ikasampung kaarawan ni Raven.
Ang buong mansiyon ng mga Madrigal ay umaalingawngaw sa klasikal na musika at tawanan ng mga pinakamataas at pinakamakapangyarihang tao sa lipunan. Ngunit sa loob lamang ng isang kurap, ang marangyang selebrasyon ay naging isang madugong impiyerno.
Kasabay ng marahas na pagbasag ng mga dambuhalang salamin sa paligid ay ang sunod-sunod, walang-awa, at nakalilitong putok ng mga matataas na kalibre ng baril. Nabalot ng matitinis na sigaw ang bulwagan. Lumusob ang Vipera Syndicate na pinamumunuan ni Hector Calma—dating kaibigan at miyembro rin ng sindikato na tumiwalag at nagtaksil dahil sa labis na inggit sa malalim na pagkakaibigan nina Leo at Xander.
"Raven! Dito! Huwag kang bibitaw!"
Sa gitna ng umuusok at nagkakagulong bulwagan, isang pamilyar at matipunong bisig ang mabilis na bumuhat kay Raven—si Xander. Madilim ang kaniyang mukha; bakas ang galit sa kaniyang mga mata habang mahigpit ang hawak sa kaniyang baril.
"Ninong! Sí Daddy! Si Daddy, Ninong!" tili ni Raven, habang itinuturo ang dulo ng duguang pasilyo.
Doon, nakasandal si Leandro sa natutuklap at duguang pader. Puno ng sariwang dugo ang kaniyang puting barong, at ang kaniyang dibdib ay may ilang saktong tama ng bala. Kumaripas ng takbo si Xander patungo sa kaniyang pinuno at matalik na kaibigan. Isang mainit na daplis ng bala ang humalik sa balikat ni Xander, ngunit hindi man lang siya kumurap.
"Leo! Hawakan mo ako! Isasama ko kayo; bumangon kayo diyan!" sigaw ni Xander.
Hiningal at nahihirapang umiling si Leandro. "Hindi na, Xander… hindi na ako aabot sa labas," mahinang usal ni Leo, may kasamang pag-ubo ng dugo. "Iwan mo na ako. Tumakbo na kayo!"
"Daddy! Huwag mo kaming iwan! Daddy, please!" Hysterical na ang iyak ni Raven.
"Xander… dalhin mo si Raven malayo rito. Ipinagkakatiwala ko sa 'yo ang lahat… Protektahan mo siya laban sa mga demonyong ito. Itago mo siya sa mata ng mundo..."
Kasabay ng isang mahaba at huling buntong-hininga ay ang tuluyang pagbagsak ng mga talukap ng mata ni Leandro.
"DADDY!!!!"
Ang hinagpis at matinis na tili ni Raven ay yumanig sa buong silid. Marahas na pinahid ni Xander ang sariling luha, hinigpitan ang hawak sa baril, binuhat ang bata, at mabilis na tumakbo patungo sa lihim na lagusan.
Makalipas ang ilang buwan, idinaos ang isang tahimik na libing. Sa ibabaw ng malamig na lapida, ipinaukit ni Xander ang pangalang Raven Nisha Madrigal upang paniwalaan ng buong mundo at ng mga kalaban na patay na ang nag-iisang tagapagmana. Sa parehong buwan, inilipad niya ang sampung taong gulang na bata patungong Estados Unidos at binigyan ng bagong pangalan at pagkatao: Kasandra Therese "Kitty" Alonzo.