THIRD PERSON P O V
Nag- umpisa nga silang mag halughog sa mga gamit ni Sandra sa k'warto nito. Tatlo na silang naghahanap ay tila wala pa rin silang makitang ebidensya.
Inisa- isa pa nilang alisin ang mga damit nito sa closet, pati na mga collection ng bag, jewelries, shoes, sandals, wedges at mga damit. Ngunit, wala silang nakitang kakaiba na pwedeng pag taguan ng mga bagay o gamit.
" Wala bang secret door itong mga room n'yo? " usisa naman ni Tim sa dating Fiancee
" S-Sa aking silid, wala, ewan ko rito kay Sandra. " kiming tugon naman ni Sarah, " Same lang naman kami ng design and style ng k'warto e. " dagdag pang wika n'ya
" Ang hirap lang, hindi nga natin alam kung ano ang ating hinahanap. " saad naman ni Tom
" Maaaring papel, flash drive, pictures, cellphones, kahit anong gamit o bagay na kakaiba sa atin! " pahayag naman ni Tim, " Ikay ang may Fiancee kay Sandra, hindi mo man lang ba napansin ang behavior n'ya these past few weeks or months!? " medyo may inis na ring sambit ni Tim
" Sa wala akong napapansin kasi tiwala naman ako sa kanya na walang ginagawang masama! Ano magagawa ko!? " inis na ring tugon ni Tom
" Ang sabihin mo naging pabaya kang kasintahan kaya ganyan ang nangyari!? Kung noon pa lang e nahahalata mo na may kakaibang kinikilos si Sandra, hindi tayo hahantong sa bridal switching! " medyo mataas na ang tinig na turan naman ni Tim sa kakambal
" At mukhang ako pa ngayon ang sinisisi mo!? Sinabi ko naman sa iyong wala akong alam!? Sino rin ba may gusto ng bridal switching na 'to!? Wala naman, 'di ba!? " singhal din ni Tom kay Tim
" Tumigil na nga kayo! Pare- pareho naman nating hindi ito ginusto! Mag tulungan na lang tayo para ma-solve itong problema natin! " saway naman ni Sarah sa asawa at bayaw
" Ano pa ang maibabalik!? E, nakuha na n'ya ang pagka birhen mo! Ang tagal kitang iginalang! Dahil gusto ko, malinis kitang iharap sa dambana! Tapos ano nangyari!? " pasigaw ngunit malungkot na saad naman ni Tim sa dating Fiancee, natameme naman si Sarah dahil may katotohanan nga naman ang binanggit ni Tim.
" Bakit mahal mo lang ba si Sarah dahil sa pagiging virg!n n'ya!? " balik na tanong naman ni Tom sa kakambal
" Of course not! My point is . . . "
" Tama na! " umiiyak na sigaw sa kanila ni Sarah sabay labas nito sa kwartong kanilang kinaroroonan
Kaya napa buga na lamang ng hangin ang magka kambal na Magdangal dahil sa reaksyon ni Sarah. Sino nga ba naman kasi ang matutuwa roon na harap- harapan na pag- awayan ang tungkol sa iyong kalinisan.
" Ano na ang next nating gagawin!? Wala naman tayong nahanap na tutukoy sana kung ma ang mastermind ng bridal switching na nangyari. " tanong na ni Tom kay Tim pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.
" Wala na! Ano pa gagawin natin!? Parang naghahanap tayo ng karayom sa bunton ng dayamin. Mamuhay na tayo ng normal at hintayin na lamang na magising si Sandra! " bagsak ang balikat na usal ni Tim
" Mag- hire muna tayo ng private investigator, kapag wala pa rin s'yang nahanap o natuklasan tungkol sa mastermind ng bridal switching ay tsaka tayo tumigil. " suhestyon naman ni Tom
Matagal naman s'yang tinitigan ni Tim bago ito sumagot.
" Sige! Tawagan ko ang friend kong may agency. "
Marami pa silang napag- usapan bavo lumabas sa silid ni Sandra. Dumiretso naman si Tom sa k'warto ng kaniyang asawa na si Sarah.
" Sarah!? Sarah! " mahinang tawag naman n'ya nang makapasok sa silid ng asawa.
Kahit isang taon na silang mag kasintahan ni Sandra ay ngayon lamang s'ya naka- akyat sa second floor ng bahay ng mga Rosales. Lalo na rito sa kanilang k'warto.
Magka- opposite talaga ang personality ng kambal na sila Sarah at Sandra. Si Sarah ay simple lamang, combination of blue and white ang makikitang kulay sa kanyang silid. Minimalist ang design, maliit lamang ang kama na kasya s'ya, may mga iba't ibang stuffed toys na naka- display na iba- iba rin ang size headboard ng kama. May mga collection din s'ya ng mga books.
May mini sala rin, TV set na nakapatong sa rack, walang center table..Kulay blue rin na vanity table, kakaunti lamang ang kanyang skin care at kulay white na carpet. Kahit ang kanyang walk in closet ay mga simple lamang ang nandoon, kakaunti ang bag, wala pa yata aa kalahati ng kay Sandra. Pati na ang sandals, rubber shoes at iyong mga heels ay iila lamang. Bestida, pants, t- shirt at blouse ang makikita lamang sa kanyang closet.
Samantalang si Sandra ay pastel color ang nasa silid. Same design naman sila iyon nga lamang ay mas maraming abubot si Sandra. Sa mga make up lamang n'ya at cologne ay puno na ang vanity table n'ya. Idagdag pa ang malakinh sofa, center table, nag mistula rin itong entertainment room dahil sa malaking TV set at speakers.
" Nandito ako. " mahinang tugon ni Sarah sa asawa, kaya sa balcony gumawi si Tom na papasok na sana aa bathroom.
" Ahm! " nagda dalawang isip pang usal ni Tom, nang makalapit s'ya sa asawa. Babanggitin n'ya kasi sana ang napag- desisyunan nila ni Tim about sa pag- hire nga ng Private Investigator.
Naka- ilang tikhim muna s'ya at hugot ng malalim na buntong hininga bago nag salita. Na tila ba may kasalanan s'yang nagawa. Nag kwento na nga s'ya sa asawa habang naka talikod ito sa kaniya at naka harap may bakal na harang, sa ibaba niyon ay garden ng kanilang bakuran.
" Bahala kayo! Kung ano ang nais n'yo susunod lamang ako. " matipid namang tugon ng kanyang Misis.
" S- Sige! Bahala na raw si Tim na maki- cooperate sa investigator. " pagbibigay information pa n'ya, hindi na lamang kumibo si Sarah.
" S- Saan mo nga pala gustong matulog mamayang gabi? Umalis na si Tim. " usisa ulit n'ya sa Misis pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan
" Pwedeng rito muna tayo matulog kahit ngayon lang gabi? " wika naman nito na humarap na sa kanya, sumandal pa sa grill na bakal
" S- Sure! No problem! Kaya nga ikaw ang tinanong ko. " tipid ang ngiting tugon naman n'ya
" Kaya lang . . . " huminto muna ito sa pag sasalita, naghintay naman si Tom. " M- Maliit lang ang kama ko, b- baka hindi t- tayo magkasya. " naka ngiwi na nitong dugtong
Mahina namang natawa si Tom tsaka lumingon sa loob ng kanyang kwarto. Kakasya naman sila pero kailangan na magka yakap sila at wala nang kikilos kung hindi ay siguradong mahuhulog. Ang laki ba naman ng katawan ni Tom.
" Sa couch na lang ako mamaya. " sambit naman n' ya, si Sarah naman ang natawa dahil maliit din ang couch doon. " Sa lapag na lang ako para safe na hindi ako mahuhulog at babaluktot. " bawi naman n'ya sa sinambit kanina kaya napa hagikgik ang kanyang Misis.
Tila may humaplos naman na kung ano sa puso ni Tom nang makita ang itsura ng asawa na tila bata. Kaya naman ipinilig na lamang n'ya ang kaniyang ulo para mawala kung anuman ang gumugulo sa kanya sa mga oras na ito.
" Baba na tayo aa kitchen, nagugutom na ko. " aya naman n'ya sa kanyang Misis nang mapa tingin sa suot na relong pambisig. Na oras na pala para mag- lunch kaya pala kumakalam na ang kanyang sikmura.
" Let's go! Nagugutom na nga rin ako! " sang- ayon naman ni Sarah at magkasunod na silang pumasok sa kwarto diretso sa pinto palabas naman sa hallway ng second floor ng bahay ng mga Rosales.
Nagbibiruan pa nga sila pababa ng hagdan na tila walang nangyaring tensyon kanina sa k'warto ni Sandra. Waring larawan din sila ng masayang mag- asawa na hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ng mag- asawang Rosales.
" Mabuti at bumaba na kayo, nakahain na nga e! Tatawagin na sana kayo ni Myra. " wika ni Ginang Sally sa mga bagong kasal, nasa hapag kainan na rin kasi silang mag- asawa.
" Opo! " tugon naman ni Sarah nang makalapit sila sa mga magulang, pinag hali pa s'ya ni Tom ng silya para makaupo bago ito naman ang umupo sa kaliwa ng Misis.
Nasa kabisera ng dining table si Ginoong Ram at sa kanan nito si Ginang Sally, sa kaliwa naman si Sarah at si Tom na nga.
Asikasong- asikaso naman ni Tom ang asawa sa pagkain kaya naman sila lamang ang pinag mamasdan ng mag- asawang Sally at Ram. Nagpalitan pa nga sila nang maka hulugan tingin na pawang sila lamang ang nagkaka intindihan.