UNTITLED

1362 Words
THIRD PERSON P O V " Sige, ibibigay ko ang cellphone sa kanya, kayo ang mag- usap. " sambit ni Tom sa kausap sa mobile phone n'ya at lumapit nga siya kay Sarah na inaayos ang maleta ni Sandra para ipadala nga sa condo nila Tim. Katatapos lamang nilang kumain ng almusal na niluto ni Tom. " Kakausapin ka raw ni Tim, " nakayuko pa ng bahagya si Tom nang sambitin iyon tsaka iniabot kay Sarah ang aparato na nakaluhod sa carpeted floor. " Hello! " kiming tugon naman n'ya sa kausap sa kabilang linya Matamang nakamasid lamang si Tom sa kanya dahil hindi nito naririnig ang pinag- uusapan nila ng dating Fiance. Tuluyan na rin nga itong naupo sa carpeted na flooring at ito na nagsara ng zipper ng maleta ni Sandra na s'ya dapat na asawa nito. " Ano raw ang sabi? " usisa ni Tom sa asawa nang iabot na nito ang cellphone sa kanya. Huminga muna ng malalim si Sarah bago sumagot, " Gusto ni Tim na samahan ko s'ya sa bahay ng parents namin para mag halungkat sa mga personal na gamit ni Sandra. Baka raw kasi makakuha kami roon ng lead kung sino ang kaaway n'ya. " mahabang tugon naman nito " Pwede rin naman sa cellphone n'ya! Sa called register, I'm sure may makukuha tayo roon na evidence. " suhestyon naman ni Tom " Hindi nga raw n'ya makita ang mobile phone ni Sandra. " naka ngiwing saad naman ni Sarah sa kanyang exchanged husband. " Huh!? " gulat namang wika ni Tom, " Paanong mawawala e hindi nga niya inaalis sa katawan ang gadgets na 'yon!? " naguguluhan pang usal ni Tom " Iyon ang sabi ni Tim, na halungkat na raw n'ya ang mga gamit ni Sandra pati na ang maleta ko ay hindi pa raw n'ya nakikita. Wala rin naman daw nakuha ang mga staff ng hotel sa room nila. " paliwanag ulit ni Sarah sa kanya " Tsk! Iba na 'to! Sasama ako sa bahay n'yo, tatawagan ko ulit si Tim! " Pahayag naman binTom tsaka tumayo at ni- dial ang numero ng telepono ng kakambal. Ang sinabi nga niyang sasama sa bahay ng mga byenan n'ya para kumalap ng mga ebidensya. " Ano ang isusuot ko? " lukot ang maamong mukha ni Sarah na tanong sa asawa, tila ang laki ng problema niya. " Dadalhin daw ni Tim ang maleta mo, iyan na lang muna ang isuot mo, sa bahay n'yo na lang ikaw magpalit. Pahiramin muna kita ng boxer short. " wika ni Tom pagkatapos nilang mag- usap na magkapatid. " S- Sige, mag tapis na lang din ako ng towel, masyadong maigsi pa rin itong t- shirt mo. " napapa kamot sa kilay na tugon naman ni Sarah, wala naman nang nagawa si Tom kung hindi kumuha ng boxer short para ibigay sa exchanged wife. Bigla namang napalunok ng sariling laway si Tom dahil tumalikod lamang si Sarah sa kanya at isinuot na ang binigay niyang undies. Kaya kitang- kita n'ya ang bilugan nitong mga hita nang itaas ang inabot nitag boxer short. Bigla rin tuloy kumislot ang kanyang junjun sa suot na short. Manipis lamang kasi iyon kaya kita ang pag- umbok ng kanyang harapan. Kaya naman tumalikod na s'ya sa asawa at pumasok sa walk in closet na tila stall sa shopping mall sa rami ng kanyang collection na damit, shoes, watch and cameras na may sariling cabinet na pure glass. Basta hablot lang s'ya ng pants at isinuot na, kagabi lamang sila naligo kaya mamaya na lang ulit. Kapag nagtagal pa kasi silang magkasama ni Sarah dito sa kanilang silid ay baka kung ano lamang ang mamagitan sa kanilang dalawa. Tsaka wala rin namang damit na pamalit si Sarah. " Let's go!? " aya na niya rito paglabas n'ya sa walk in closet, natanaw niyang inaayos na ni Sarah ang towel sa baywang nito. " Sure! " kiming saad naman nito Kaya hinawakan na n'ya ito sa likod ng siko para alalayan na lumabas, napaka hinhin kasing kumilos. E, nagmamadali naman si Tom na makalabas sila dahil nga naiiba na ang timpla ng katawan nito. Hindi na nga nito napansin ang pag pitlag ni Sarah ng katawan dahil tila may maliliit na kuryente s'yang naramdaman na nanulay sa buong kalamnan diretso sa kanyang kiffy. Yuko naman ang ulo ni Sarah habang naglalakad sila ni Tom dahil nga may tapis s'yang towel sa baywang. Deadma lang naman ang asawa n'ya sa mga nanunuring tingin ng mga unit owner din ng condo. " My gosh! Nakakahiya! Ang daming naka tingin kanina! " bulalas na wika ni Sarah, nagtila kulay makopa na rin ang kanyang mukha dahil sa pamumula niyon. Nang makasakay na sila ni Tom sa kotse nito. " H'wag mo na lang silang pansinin! " wika na lamang ng kanyang Mister at ini- on na nito ang engine at lumabas na ng basement ng buildinh para nga pumunta sa bahay ng mga magulang nila ni Sandra. Hindi na lamang nga kumibo si Sarah at diretso ang tingim sa harapan ng sasakyan. Nasa kandungan pa n'ya ang towel ni Tom dahil lumilitaw ang maputi n'yang singit sa pagkakaupo. Tila may kanya- kanya naman silang mga iniisip dahil buong byahe ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hanggang sa pumasok na sa loob ng bakuran ng mga Rosales ang minamaneho ni Tom na sasakyan. Tahimik pa rin silang bumaba at pumasok sa bukas na pinto na yari sa salamin. Tumambad sa kanila ang mga magulang ni Sarah at si Tim mismo na seryosong nag- uusap sa maluwang nilang sala. Combination ng kulay maroon at puti ang kabuun ng bahay. Maraming mwebles ang nagkalat sa buong living area. Center table na yari rin sa salamin at may fresh na bulaklak na nakapatong sa gitna niyon. Chandelier na tila ka nasa lobby ng hotel at retro bricks naman ang dingding. Iyon lamang ang makikita, wala kahit isang TV set o speaker sa paligid. " Mommy, Daddy, kumusta po kayo? " malambing namang bati ni Sarah nang makalapit sa kinauupuan nila kaya nahinto ang masinsinan nilang pag- uusap. Humalik s'ya sa pisngi ng mga magulang, gayundin ang ginawa ni Tom. At nag tapikan lamang ng mga balikat ang kambal ng mga Magdangal nang tumabi si Tom nang upo sa kapatid. " Okay naman kahit nag- aalala kami ng labis para sa kakambal mo. " halatang malungkot na saad naman ng Mommy ni Sarah " Kaya nga po kami nandito e, para hanapin kung sino man ang mastermind ng bridal switching na iyon. " pahayag naman ni Sarah " Oo nga! Pero hindi mawala sa isipan namin ng Mommy mo kung sino ang may kaaway sa inyo kaya ito nangyari. " sambit naman ng Daddy nila kaya naman natahimik na lamang si Sarah, nalulungkot din naman kasi s'ya sa sinapit ng kakambal. " Ahm, pwede na ho ba kaming pumasok sa k'warto ni Sandra para ho mag halungkat sa mga gamit n'ya? Pare- pareho ho lamang kasi tayong mag- o- overthink hanggang hindi tayo naghahanap ng ebidensya. " singit namang tanong ni Tom " Sige! Sige! No problem! " bulalas namang wika ni Ginang Sally. Kaya naman tumayo na sila para tunguhin ang second floor ng bahay kung nasaan ang mga silid nilang mag- anak. " Maligo po muna ako, maleta po kasi ni Sandra ang napunta sa akin. " paalam naman ni Sarah sa mga kaharap n'ya " Sige, anak. " msuyong saad naman ni Ginang Sally, " Iuutos ko kay Mercy na pagpalitin na ulit ang mga maleta n'yo." Nag beso pa sila bago tuluyang mawala si Sarah sa kanilang harapan. Nagpa alam din s'ya sa asawa nila ng kakambal. Tumango lang naman ang mga ito. Hindi naman malaman ng kambal ng mga Magdangal kung ano ang gagawin. Parehong nakatingin kay Sarah, at hindi maipaliwanag kung anong klaseng tingin nila sa Fiancee noon ni Tim. Tila kasi may pagnanasang masasalamin sa mga mata nila Tim at Tom habang naka sunod ang kanilang mga paningin sa babaeng umaakyat sa hagdan. Waring nabighani kasi sila sa flawless na mga hita ni Sarah na kung minsan ay natatanaw rin ang mapuputi niyang mga singit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD