SANDRA'S P O V " So? Saan- saang lupalop ka nagpunta o nandito ka lang ever since sa bansa ng mga Arabo? " usisa ni Tim habang kinakain na namin ang in- order niyang halo- halo. Yes! Si Tim ang lumapit sa table ko habang busy sa kaka tingin sa aking cellphone at may dalang dalawang baso na halo- halo. Tama nga ako na may naka tingin sa akin kanina, nag tago raw siya noong lumingon ako. Pag pasok ko pa lang daw kasi ay natanaw na niya ako e patapos na raw siyang kumain kaya nag hintay na lamang siyang matapoa din ako. Nahiya pa nga ako ng slight dahil nakita pa niya ang pag subo ko kanina na tila isa akong construction worker dahil sa gutom. " K- Kung saan- saan lang, nagmuni- muni, nag- reflect. " kiming saad ko naman sabay kibit balikat. " Ikaw ang nasa Dubai Frame kanina? " usisa ko

