THIRD PERSON P O V Nakatulog naman nang mahimbing si Sandra dahil nga sa.pagod sa mag hapong pamamasyal, idagdag pang busog na busog siya. Hindi na rin kasi siya nag- overthink, iniwasan na niya talaga. At mag- go with the flow na lamang siya kung ano ang mangyayari sa kanila ni Tim bukas. Gayunpaman ay nakaramdam naman siya nang excitement habang nag bibihis kinabukasan. Ganoon din ang suot niya, maong pants subalit walang butas sa tuhod tsaka blouse na short sleeve na pinarisan niya ng doll shoes. Alam naman kasi niyang pag lilibot ang pakay sa ibang bansa kaya mga kumportableng damit ang dinala niya. Mayroon namang heels pero dalawa lang yata tsaka dress. Pagkatapos gawin ang kanyang skin care routine ay lumabas na s'ya ng hotel room na tanging bitbit ay sling bag, naroon na rin

