Ading 3

1766 Words
Naekie's POV "Impernes Ati very perfect ng pagkakaluto mo sa kanin." Pagpuri nito sa akin. Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon. "Ano ka ba? I'm professional kasambahay kaya no since our parents passed away." Sagot ko naman dito. Totoo naman kasi. Kasambay na ang peg ko sa kanya simula nang naulila kami. But happy naman ako dahil ako ang Ate. Ang pasayahin, alagaan at ibigay ang kanyang pangangailangan. Iyan ang aking mga obligasyon. Kaya masaya na din ako, magrereklamo, pero di titigil. Sa buhay, katanggap tanggap naman magreklamo sa isang banda, nagrereklamo ka kasi hindi pa malinaw sa'yo ang isang bagay o kaya marahil naman ay nahihirapan ka na o hindi mo tanggap yung sitwasyon na mayroon ka. Okay lang 'yon, hangga't hindi ka sumusuko. Wala kang tinatapakan na tao. At ginagawa mo lamang ito para luminaw sayo ang mga bagay bagay at maging mas mabuting mamamayan ng lipunan. "Taray! Super English ka ngayon Ati ko, hindi ko kinaya! Ganda ka?" Ani nya at saglit itong natahimk... "Hmm...kamusta na kaya sila Nane doon?" May pagka-ulilang tanong nito. Hays... oo nga, kamusta na kaya sila Nanae? Sa tingin ko naman ay masaya na sila kung nasaan man sila ngayon dahil nakikita nila na masaya kaming dalawang magkapatid. Alam ko naman na noong nabubuhay pa  silang dalawa ni Tatae e, maganda at mabuti ang naging pakikitungo nila sa mga taong nakapaligid sa kanila. "Masaya na sila Bunso kung saan man sila ngayon, dahil nakikita nila na masaya tayong dalawa. Na nakakaraos tayo sa pang araw-araw nating buhay na magkasama at higit sa lahat mahal natin ang isa't isa. Kahit na minsan ay nag-aaway tayo dahil sa hindi pagkaka-unawaan." Sagot ko sa aking kapatid na ngayon ay may luha nang tumutulo sa kanyang mga mata. Siguro ay naaalala nya yung araw na kung saan pumanaw ang aming mga magulang... BIRTHDAY NILA NANAE AT TATAE NGAYON!  Whoooo super saya dapat ang ganap! Why? Kasi sabay sila ng birthday. Kaya double celebration. Oh Ang saya diba? HEHE. Salamat father God for this wonderful day. Maka'punta na nga sa kwarto nila Nanae para mabati na namin sila ng happy birthday at ma'isurprise na rin namin sila ni Bunso, si Ading. Naglalagay ngayon si Ading ng happy birthday sa dingding ng bahay namin na medyo babagsak na. Grade two na si Ading ngayon. Bumili rin kami ng cake na galing sa naipon naming baon ni Ading para na rin pasasalamat sa aming butihing mga magulang. Mabilis kong hinawi ang kurtinang nagsisilbing harang sa aming tahanan nang sa ganoon ay magkaroon manlang ito ng dibisyon. Sa sobrang pagka'galak, dali'dali kong ginising ang aming mga magulang ngunit tila ayaw nilang magpagising. Hindi maganda ang kutob ko. "Bunsooo!" Malakas kong sigaw kay Ading sa labas. "Sila nanae!" Dagdag ko pa habang nagsisimula ng lumuha ang aking mga mata dahil sa kakaibang takot na bumabalot ngayon sa aking buong pagkatao. Takot na kung saan ito ay  ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko na ako'y naririto sa mundong ibabaw. "Ati anong nangyari!?" Nag'aalala at gulat na tanong nito sa akin nang marating nya ang aming kinalalagyan. Anong nangyari sa kanila!? Help us father God. Bakit ayaw nilang gumising? Kanina pa ako alog ng alog dito sa kanila e. Bakit ganon? Puyat lang ba sila? Hindi na ito ordinaryo ah. Nakakatakot sobra. Nakakaiyak. Nakakapanglata. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil sa iba't ibang emosyon na bumabalot sa akin. Please, huwag naman sana. "Sila Nanae Ading ayaw gumising e. Kanina ko pa sila tinatapik at inaalog." Buong pangangambang turan ko at hindi ko na malayan na mas bumulis pa ang landas ng mga butil ng luha sa aking mga mata paibaba. Tanging gulat at takot na lamang ang naging reaksyon nito at.. "Nae(nay)!? Tae(tay)!?" Dali daling n'yang ginalaw sila Nanae upang gisingin ang mga ito ngunit kagaya ko, ay nabigo din siya. "Tae!!!!! Bakit ayaw nyo pong gumising? Gumising na po kayo para maka'inom na po kayo ng gamot. Happy birthday po sa inyong dalawa! Yiee! Nae!? Halika na't tumayo ka na po dyan. Sinabi mo po sa akin na ikaw ang magsasabit ng medalya ko sa darating na recognition kasi po hindi po puwede si Tatae kasi may sakit siya. Nae!!!! Paano na po yung mga pangarap mo sa akin? Bumangon ka na po dyan. Sayang naman po yung pagliban mo ngayon sa trabaho kung hindi po tayo magce'celebrate ng birthday nyo ni Tatae. Nae at Tae Happy birthday po! Ayan po binati ko na po kayo ulit ng sabay. Bangon na po kayo dyan please, nakiki'usap po kami. Tanghali na po. Si Tatae po ay iinom pa ng gamot! Nae!!!!! Tae!!! Tayo na po! May cake nga po pala kaming binili ni Ading para sa inyo. Galing po iyon sa naipon naming baon. Sige po gising na po kayo. Huwag na po kayong mag'prank! Hindi po kasi nakakatuwa e. Nae!!!! Tae!!!!" Humahagulgul at buong lakas kong paki'usap sa kanila habang pinipilit silang pinapatayo sa higaan ngunit kahit na ano ang gawin namin ay ayaw talaga. Walang nangyari. Masakit mangsabihin ngunit kailangan naming lakasan ang aming kalaboon upang sa gayon ay matanggap namin ang katotohanan na wala na ang mga taong gumagabay sa amin at ito ang aming mga magulang. End of Flashback "Oh? Bakit ka umiiyak dyan? Ang drama naman nito. Sa tingin mo ay matutuwa sila Tatae kung nakikita ka nilang gumaganyan? Nakuu, itigil na." Ngunit hindi ito sumagot at patuloy lamang ang pagpatak ang mga luhang nanggagaling sa kanyang mga mata. "Naalala mo ba?" Mahina kong tanong dito. "Oo ati. Ang sakit lang kasi. Nakakalungkot." Humihikbi nyang sagot. "Tahan na! Masaya na sila doon. Ano ka ba? Nandito naman ang Ati mo. Hindi kita pababayaan, kahit anong mangyari. Mahal na mahal kaya kita. Eto naman, tahan na!" Nagmamalakas ng loob kong turan dahil ayokong ipakita sa aking kapatid na mahina ako dahil kung ipapakita ko ang side ko na yon. Baka lalo lang siyang panghinaan ng loob sa tuwing maaalala nya ang pinakamasalimuot na araw sa aming buhay. Kailangan bongga lang. Matatag! Ganon. Hehe! "Ihhh... Tseee! Ati oo na! Love u too!" Sagot nya habang humihikbi at pinupunasan ang kanyang mga luha. "Oh ayan nagkaroon tuloy ng sabaw yung piniritong tuyo dahil sa luha mo!" Biro ko dito para mas lalo pa siyang ma'tawa at nang sa gayon ay panandalian nyang makalimutan ang pangyayaring iyon. "Wala naman, Ati! Charinggila ka! Joke joke u me ha!" Sagot nito nang makita nya ang mangkok na pinaglalagyan ng aming ulam. "Wala ba? HAHA! Oh siya. Ituloy mo na 'yang pagkain mo. Anong oras na oh? May pasok ka pa bukas!" "Hala! Sunday ba ngayon?" Gulat na tanong nito. "Nakalimutan?" "Oo eh!" sagot nito "So, Sunday nga ati?" Tanong nya pa ulit. "Oo, akala ko ba Top 1 ka?" "Ehhhh...Sornae ati!" "Bakit hindi nga pala tayo naglaba kila Aling Kiyondae ngayon?" Dagdag pa nya. "Sa Isang linggo nalang daw kasi sabi nya ay kakaunti pa lang daw ang marumi nila." "Ay ganon!" katahimikan ay panandiliang bumalot sa aming dalawa habang kami ay patuloy sa pagkain. Katahimikan na nabali nang muling magsalita ang aking kapatid... "Ati hindi mo ba namimiss mag-aral?" Bigla nyang tanong sa akin out of nowhere. "Namimiss syempre, ano ba namang tanong 'yan?" Nakangiti kong sagot. "Sornae Ati!" Mahina nitong ani. Hmm. Naguguilty siguro siya. "Okay lang, eto naman. Huwag kang mag sorry. Gusto ko naman itong sitawasyon natin at syaka love na love kita, diba? paulit ulit kong sinasabi sayo 'yon. Basta panatilihin mo lang ang pag-aaral ng mabuti. Ayos na ako doon." Ayoko kasing guguilty siya nang dahil sa akin. "Thank you Ati. Ang bait bait mo talaga hinding hindi ako magsisisi na ikaw yung naging kapatid ko. Palagi ko iyong ipapasalamat kay Father God at sa ating mga magulang." "What if patigilin na kita sa pag-aaral para ako naman yung mag-aral?" Biglang biro ko sa kanya habang kami ay nagdadrama. "Ehhh!" Maypag'angal nyang bulaslas. "HAHAHA! Chaerot lang no!" "Naku, basta always remember na after kong makapag-aral at yumaman hinding hindi kita kakalimutan. Very promise ko iyan sa iyo." Matapos ay niyakap nya ako. Yakap na punong puno ng pasasalamat at pagmamahal. Swit Swit amans! Yieeee! HAHAHA! Nakakapawi talaga ng pagod ang mga yakap nya. "Subukan mo lang akong kalimutan ihahampas kita sa kawayan at iyiipit kita sa bintana!" Pabirong banta ko sa kanya. "Ay ang brutal ni Ati. Kaya nga hindi eh! At syaka wala naman akong sinabing kakalimutan kita ha! HAHAHA! Shungae lang?" "Naninigurado lang. Mahirap na, at baka hindi manlang ako makinabang sa mga paghihirap ko sa 'yo. EME!" "Okae ati!" "Anong okae? Tumayo ka na dyan at maglinis ka na sa poso ng makatulog ka na! Joskong Bata na 'to oo!" "Opo Ati. Ahahaha! Galit na galit?" Sagot nya at tumayo na. Ako naman ay nagligpit na ng aming pinagkainan para makatulog na rin dahil super pagod na rin akis. Need na ng rest ng Lola nyo no. HAHAH! After kong magligpit ay pumunta na ako sa banggerahan upang itapon ang mga kinainan namin. Chaerot! Para urungan syempre, wala na kaming sapat na pera pambili ng mga ganito kaya hindi ko puwedeng itapon nalang ito ng ganon ganon no. HAHAHA! Sabon dito, hugas doon. Sabon again and hugas again. Ulitin. Sabon ulit and hugas ulit. Hanggang sa ako'y matapos maghugas. Pinunasan ko muna ang mga ito before ko nilagay sa bubong namin. Chaerot ulit! After kong punasan ang mga Plato ay inilagay ko na sa higaan namin para gawing unan! Chaerot again and again. Sa lalagyanan syempre. Kalokae! HAHAHA! Baliw! Ang hyper ko ngayon. HAHAHAH! Dala lang siguro ito ng pagod. Don't take it seriously. Eme! Ayan! Tapos na lahat! Puwede na akong matulog. Ayon nga at inihiga ko na aking katawan sa aming banig. Si kapatid naman ay tulog na tulog na. Naghihilik pa, ambaho naman ng hininga. CHAEROT! Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko yung kanina. Sana happy na talaga sila Nanae kung nasaan man sila ngayon. Nae at Tae mahal na mahal ko po kayo. Sayang lang po at wala na kayo dito sa piling namin ni Ading. Palagi nyo po sana kaming gagabayan sa lahat ng aming gagawin sa aming buhay. Huwag na po kayong mag alala sa amin ni Bunso. Happy at nakaka'survive naman po kami sa buhay. We love you po! Kung kasama nyo man po si Father God ngayon ay paki'sabi po na maraming maraming salamat po sa lahat. Ani ko sa aking isipan bago pa man ako balutin ng espiritu ng kaantukan. Hays. Naiyak tuloy ako ng kaunti yet full of sincereness. Good night sa lahat! Thank you Father God, Nae and Tae! Maraming salamat po! Palagi po nating tatandaan na kailaman ay hindi naging hadlang ang katayuan sa lipunan upang tayo ay magtagumpay sa mga napili nating larangan, o maging sa ating buhay. Dahil kung ikaw ay disidido talagang magtagumpay, ikaw ay gagawa ng paraan para makamit ang mga mithiin na nais mong mapagtagumpayan. Nawa'y magtagumpay tayong lahat! Just a reminder. Matutulog na talaga ako. Hexhex!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD