Ading 1

2005 Words
Naekie's POV "Atiiiiiii!... Eto na pala yung sakong pinakuha mo sa akin." Pag'abot ni Ading sa akin. kinuha ko ito at masiglang sinabi... "Gora na! Tayo'y magbanat na ng buto para sa pag-aaral mo." Ayon nga at nag'umpisa na kaming naglakad sa kahabaan ng kalye para sa daily work naming magkapatid. Onesung! Twosung! Threesung! Foursung! Ayannnn ha, ang dami! Ang suwerte naman namin ngayon. Ang daming kalakal. Thanks God for the blessings! "Ati nakaka-apat na ako. Ikaw wala pa. Ligsi-ligsihan mo naman ang pagkilos atiii." Pang-aasar na turan nito sa akin. "Ang chakae naman kasi ng mga kinukuha mo no! Puro bulok. Sigurado ako na walang bibili nyan. Hahaha, chaerot!" Truly naman kasi talaga mga Sesae. Ang chachakae! Kapes nyo nga ih. Chaerot. "Queen of kemerut ka Ati! Maarti lang ganon?" Sagot nya. Ayon at irap na lamang ang itinugon ko sa kanya. HAHAHAH! Patuloy lang kami sa aming pangangalakal. Araw-araw ganito ang aming buhay. Wala namang bago kaya sanay na kami sa ganitong sitwasyon. "Ay ang plentae ng mga plastik at lata  doon, Ading!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa aking mga nakita. Dali dali kaming tumakbo ni Ading patungo sa direksyon na iyon. Ang dami kasing mga kalakal impernes sa lugar na 'to ha. Masagana pagdating sa mga ganitong bagay. HAHAHA! "Ati ang talas talaga ng paningin mo no! Grabe ka! Very good 'yan!" Perfect 10 ka ngayon. HAHA!" Pangbibiro nito sa akin. Naunahan ko kasi siya ngayon. Kadalasan kasi e mas nauuna siyang makakita ng mga ganitong blessings. HAHA! Pero di naman mahalaga 'yon dahil para naman ito sa amin at lalo na sa kinabukasan nya. "Hahaha trueee! Pulot ng pulot anoo? Just get whatever you see. At alam mo na, baka maunahan pa tayo ng mga tulok na sila Barok. Alam mo naman ang mga ganap ng mga iyon. Later na ang kuda." Paalala ko. "Ay oo nga ati, impernes. Imberna yung mga chakae na 'yon! Buti Ati at pinaalalahanan mo ako. Thank you!" So, sino nga ba sila Barok? Sila Barok yung mga mangangalakal din na ansasama ng mga ugali. Akala mo naman kung sino. Imberna sila ang sarap hampasin ng tsinelas na may pako sa ulo ng matauhan sa mundo na kanilang kinabibilangan. Ano dawwww???? Hahahaha just continue reading mga sesae. Ayaw kasi nilang magsipag sa pangangalakal. Eh pare-parehas lang naman kaming ng pinagkakabuhayan. Gusto din naman nila ng pera. Ayaw nalang mag'trabaho ng tama. Juicequh! Mga batang 'to! Hinahaggard ako. Kahit wala akong beauty. Chaerot! HAHAH! "Oo, kaya go lang ng go habang wala pa sila. Nakakairita mga mukha non." Ani ko sabay pasok ng mga plastikses at latases sa sakong hawak ko. "May nag'inuman ulit siguro dito kagabi kaya marami na namang mga bote ng Gin." Sabi ni Ading habang patuloy lang sa paglalagay ng mga bote sa sako naman nya. "Ano bang bago?" Tanong ko sa kanya kasi palagi naman may nag-iinuman dito eh. Wala namang bago. Pero in all fairness super thankful ako sa kanila dahil piso dalawa din kaya itong bote ng Gin kapag binenta. Nag'enjoy na sila nakatulong pa." Ganon sana mga peeps. Divaaa? Tumulong! "Anong bago? Sure ka? Tinatanong mo ako?  'YAN,  YANG TUMPOK NG MUTA MO SA KALIWANG MATA!" Malakas na sagot nito sa akin sabay turo sa aking kaliwang mata kung saan naroroon ang nasabing dumi. "Kadiri kaya! Si ati Jusko dugyot, ka'y Baklang tao eh!" Dagdag pa nya. Grabeeeeeeeee! Ang hard naman po. Kapatid ko ba talaga 'to? Isako ko na rin kaya siya? Imberna e. Hindi big NO 'yon. Kasi bad. HAHAHA! "Nasaan? Parang wala naman e. Okray ka ngayon nes?" Painosente kong sagot nang matagumpay kong matanggal yung muta ko sa ilong sige! Eme! Sa Mata syempre. Totoo nga mga Sesae. May muta nga ang lola nyo.  Buti nalang at natanggal ko na bago pa nya makita ulit. "Ay don't me ati, nakita kong tinanggal mo na. Mutain ka ng taon no?" Sabi nya sabay tawa ng super havey! Nakita nya siguro na tinanggal ko. Hahaha! Kalokae! Matalas din talaga ang mata ni Ading. "Oo meron na! Pero di na mahalaga 'yon." Pagsuko ko dahil alam kong hindi naman ako mananalo dito. At isa pa hindi nya ako titigilan. "Bilisan mo na nga lang sa pagkuha, Ading. Para kang tuod kung kumilos." Dagdag ko pa na para bang galit dahil sa sinabi nya. HEHE! Eme lang po iyon. "Oo na Ati. Gagalit ka? HAHAHAH!" Pagpigil tawang sagot nito. At the end, nabaliwala lang ang galit ko, Jusko!  Hayssss... love na love ko talaga 'tong sisteret kong mukhang puset minsan. "Ati gumora na. Tapos na tayo no. Masyado ka atang nag e'enjoy dyan." Wika sa akin ni Ading habang kinakalabit ang tagiliran ko. "Ay oo nga no. Marami marami na rin pala ito ngunit kailan pa nating dagdagan, paubos na rin kasi yung bigas. Alam mo na need kumayod." Hays... sa totoo lang sobrang hirap talagang maagang mawalan ng magulang kaya ang payo ko sainyo habang may magulang pa kayo. Mahalin nyo at magpakasaya kayo sa piling nila. Matutong gumawa sa sarili nating mga paa kahit nandyan sila. Huwag asa ng asa sa mga magulang dahil kapag nawala sila kayo rin ang mahihirapan sa buhay, lalo na at wala kayong mga kamag-anak na puwedeng tumulong sa inyo katulad namin. Pero kahit papaano e. Saglit lang naman kaming nag'adjust ni Ading dahil sanay na kami sa ganitong gawain bata pa lamang kami. At sa tingin ko isa ito sa mga katangian na namana namin sa aming mga magulang. Ang kasipagan. Hindi man nila kami naiwanan ng magarang buhay pero alam ko na darating ang araw gamit itong kasipagan na mayroon kami maaabot namin lahat ng aming mithiin sa buhay. Tiwala lang. Hays. Daming dramaaaa! Hayaan nyo na. Minsan lang 'yan. "Okae, Gora lang ako Ati!" Energetic nyang sagot. Nako siya talaga ang malaking dahilan para magpatuloy pa ako sa buhay. Nakakapagod man minsan ngunit kailangan nating tiisin ang mga bagay na 'yon hindi lamang para sa ating sarili kung hindi para na rin sa ating mahal o mga mahal sa buhay. Ganon! Chukkk! Bogggss! Tungg! 'Yan yung mga iyan ang tunog ng mga bagay na aming nakukuha na maari pang maibenta kahit sa maliit na halaga. Mga kalakal, in short. Hindi na namin iniisip kung madumi ba ang mga ito o kung ano pa man, dahil ito ang aming hanapbuhay at isa pa immune na rin naman kami sa ganitong gawain. Taray ng immune eh! Hindi ko kinaya! HAHAHAH! Tingin sa harap... Ay pak meron! Gusto ko 'to! lingon naman sa kaliwa... Ay ay, pak may Bote. Salamat po. Lingon sa likod... Oh pak may Lata! More more blessings. Lingon sa tagiliran... "Ay pak shuta may Tiyanak!" Nang-aasar na sigawa ko kay Ading na para bang nakakita ng tunay na Tiyak. Pero my goodness! Sa unang tingin ha! Mukha talaga siyang chanak! Hahahaha! Halatang nagulat ito sa akin dahil sa ekspresiyon ng mukha nya at sa inakto ng kanyang katawan. "Hindi kaya no! Ang harsh mo sakin Ati ko!" Pagtatanggi at pag-angal nya sa sinabi ko. "Kahawig talaga Ading, promise! Nagsasabi lang naman ako ng totoo at kung ano yung nakikita ko." "Chaerotera ka ati! Bwisit! Akala mo naman kung sinong makinis at maganda." Sagot nito. "Ati, tulungan mo naman akong bitbitin itong mga sako. Ang Bigat kasi eh. Kung bet mo lang naman. I am not forcing you to do so." Dagdag na nito. Ay oo nga. Siya nga lang pala kasi ang may bitbit lahat ng sako. Nakalimutan kong magbibit. HAHAHA! Masyadong naaliw. "Ay adi Sornae na. May pogi kasi akong nasight banda doon." Medyo maharot kong sagot sa kanya habang tinuturo ng aking nguso at labi ang nasabing direskyon. "Landi ka! Humarot kana naman dyan! By the way, hindi ka gusto non! Gising Ati kong gay." "Gusto kaagad? Kakakita lang? Grabe! Gusto kaagad? Ganon?" Medyo mataray kong tanong kay Ading. "Jusko ka Ading! Ka'haggard ka ng pes!" Dagdag ko pa with some kaartiness. "Malay mo naman kasi Ati ko. Naninigurado lang no! At syaka natural nang haggardness yang pes mo. 'Wag mo naman akong sisihin." Birong panlalait nito sa dyosa nyang Ati. "Chakae mo talaga. Oh siya tara na, super dami na nito. Mayroon na tayong pambili ng bigas! Yieeeee!" "Oo nga ati. Super!" Masayang sagot nito sa akin after nyang tignan yung sako na bitbit nya. Super nagpapasalamat talaga ako sa maykapal dahil kahit ganito ang klase ng hanapbuhay na mayroon kami di nya nakakalimutan na bigyan kami ng maraming kalakal. "Tara na kay Ate Tibang!" Pagyayaya ko. At nag umpisa na nga kaming tumungo roon. So ayun, we gora na nga kay Ate Tibang. Si Ate Tibang nga pala yung pinagbebentahan namin ng mga kalakal. Napakabait na tao ni Ate Tibang. Binibigyan nya pa kami ng sobra nilang pagkain at minsan naman ay dinadagdagan nya rin ang bayad sa mga naipon naming kalakal. Ay oo nga pala, hindi nya totoong pangalan ang Tibang ito lamang ang tinatawag sa kanya ng mga Tao dito. Parang sa pagkaka'alam ko sa totoong pangalan nya ay Charmaine. Oh diba? Ang kabog! Ate Charmaine. Si Ate Tibang ang masasabi kong isa sa instrumentong isinugo ng poong maypakal upang tumulong samin ng aking kapatid. Kahit hindi namin siya kaano-ano ay tinutulungan nya kami sa abot ng kaniyang makakaya. Maykaya naman kasi sa buhay si Ate Tibang. Ang asawa nya ay isang seaman na mataas na ang posisyon sa barko at siya naman ay dating guro ngunit pinahinto siya ng kanyang asawa sa trabaho nito upang mapagtuunan ng pansin ang kanilang negosyo at si Dave ang kanilang nag-iisang anak. Ang Pogi ni Dave mga sesae super! Hindi nga lang siya ganoon kabaitan. Ewan ko ba kung saan siya nagmana ng ugali nya. Eh samantalagang mababait naman ang mga magulang nya! Kalokae! Perfect package na sana. Sayang. But there are parts pa rin naman na Okae siya. "Ate tibang?... Ate Tibang!?" Pagtawag ko kay Ate Tibang. Ngayon kami ay nasa harapan na ng kanilang Shop. "Ate tibang???" Tawag ko ulit dahil wala namang sumasagot. Nasaan kaya siya? Kasi madalas lagi siyang alert e. Isang tawag mo lang nandyan na siya. Mga sesae wala ata dyan!? Geez, may'awra siguro? Ya ano ba yan! Very need naming maibenta 'tong mga kalakal ngayon dahil wala na kaming kakainin ni kapatid. Ay wait, baka ayaw lang siguro ng Ate Tibang. I'try ko nga real name nya. "Ate Charmaine!?" Pagtawag ko, sa ngayon mas nilakasan ko na ang boses ko. Pangatlong tawag ko na ito ha! Wala manlang nasagot. Wait, nasaan nga pala yung mga alagad nya dito? Yung mga trabahador. Day off? Monday na monday eh. Nubayan. "Ati? Wala atang Tao." Tanong sa akin ni kapatid na hatalang medyo pagod na rin. "Baka mayroon lang na importanteng ginagawa waitsung natin. Kapag hindi natin ito naibenta ngayon wala tayong kakainin sa mga susunod na araw." Sagot ko sa kanya. "Okae Ati. Pagabi na rin kasi e." "Nagugutom ka na ba?" "Hindi pa naman po. Kering keri pang lumaban." Haysss...ang hirap ng ganito, pero kailangan talaga. "Buti naman kapatid. Kauting tiis lang. Lalabas na din 'yon." Pagmomotivate ko sa kanya. Ngumiti lamang siya at hindi na sumagot pa. "Ate Tibang!?" Pasigaw kong tawag again and again kay Ate Tibang. Nandito kaya talaga siya? Baka nga wala. Ay wait, bumukas yung pinto. Sana si Ate Tibang ang iluwa nito. But, But, Pero walang Ate Tibang na lumabas kung hindi ang anak nya na si Dave. "Wala dito si mommy. Balik nyo nalang 'yan bukas. Wala din yung mga trabahador namin ngayon. Walang mag'aasikaso nyan." Maangas na sabi sa amin ni Dave pagkalabas ng pintuan. Geez naman. Nandito pala siya. Ayaw manlang magsalita. Itong taong 'to oo. Hays nakita nyo na? Kayo na ang humusga. Chaerot! Baka kasi may ginawa din. "Baka puwedeng ikaw nalang muna ang bumili ng mga ito wala na kasi kaming pambiling bigas eh." Paki'usap ko sa kanya. Sana naman ay maawa siya at makumbinsi na bilhin itong mga kalakal. "May ginagawa nga kasi ako. Bumalik na lang kayo bukas." Masungit nitong tugon. Mukhang hindi ko naman siya makukuha sa paawa at paki'usap epek. Si Dave ito e. "Kung ganoon, sige babalik nalang kami bukas. Salamat, naistorbo ka pa namin." Medyo hindi buo sa kalooban kong ani. Pero wala naman kasi talaga kaming magagawa kung ayaw nya. Kaysa naman jombagin at awayin pa nya kami. Adi aalis nalang, iwas disgrasya pa. Sanay naman na rin kami sa kanya. "Tara na Ading!" Hindi na siya tumugon pa bagkus ay inayos ang mga dala namin bago kami tuluyang umalis at tumungo sa aming munting tahanan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD