Darnae's POV "Ligtas na kayo mga Lavavae ko!" Ani ni Stumpae sa mga butong hawak nya. "Ha? Anong kinukuda mo dyan?" Tanong ko sa kanya. "Wala ka ng pakialam ang mahalaga ay na sa akin na ang aking mahal sa buhay!" "Paano mo sila naging Mahal? Aber?" nagugulumihanan kong tanong sa kanya. Tila ngayon ay meron siyang dinarama. "Wala ka ng pake!" Kasabay ng pagkasabi nya na 'to ay ang malaking mga ugat na nag si paangat sa akin sa himpapawid habang balot balot nito ang aking mga hita. Ay bitawan nyo ako! Mga abnooong ugat! Puro lupa kayo! Kaderder! Magsialis kayo sa whitesung legs ko! Mukhang sa tingin ko ay hindi siya tunay na masama bagkus ay napipilitan lamang. "Alam kong hindi ka tunay na masama at ikaw ay napipilitan lamang. Maaari mong sabihin sa akin ang iyong problema at ak

