Darnae's POV "Adae protektahan mo nalang ang mga inosenteng tao ako na ang bahala sa balukaw na 'to!" Utos ko kay Adae bago kami maghiwalay. "Ako ang harapin mo!" Buong lakas kong hiyaw sa baklang tuod na nasa aking harapan ngayon. "Who are you? Ay I know na pala who you are! You are Darnae! Wahahaha! Buti na naman at you are here na. Para hindi na ako mahirapang gawin ang pinapagawa sa akin ng mahal na Reynang Kipayqoh! Ayon ay walang iba kung hindi ang patayin kayong lahat! Wahahahahah!" Mabahang turan nito sa akin. Bakla nga siya ngunit ang tono ng kanyang pananalita ay lubhang nakakahindig bahalibo. Sa kanyang pananalita pa lamang ay mababatid mo na talagang siya ay makapangyarihan. Pero wala akong shoke! Laban kung laban! "Ako na ang bahala dito tulungan nyo nalang si Adae na il

