Naekie's POV
"Ay panginoon ko jusko. Sino na naman ang mga iyan?" Gulat na hiyaw ni Tita Tibang habang nanunuod kami ng TV dito sa sala.
Mayroon na namang mga bagong nilalang ang sumalakay at nanggugulo ayon sa balitang aming pinapanood ngayon. Ayon din sa kanilang mga nasaksihan ay puro kalalakihan daw ang mga binikbiktima ng nilalang na ito.
Kakatapos lang ni Goblinae, mayroon na naman ulit?
Hindi pa ako nakakapagpahinga ha!
Sino na naman ba sila at bakit mga lalaki pa ang binibiktima nila?
"Ati ko. May bago ka na namang makakalaban." Mahinang bulong sa akin ni Ading sa tabi ko.
"Oo, Ading nakikita ko din. 'Wag kang mag-alala." Pambabara kong sagot dito. Nanonood din naman kasi ako, sinasabi pa.
Sapakin ko 'to eh. Charr!
"Ati naman. Ka'takot kasi ang brutal nilang umatake. Lagas lagas na ang katawan ng mga biktima nila. Mga walang awa." May halong takot na sabi nito sa akin.
Medyo nakakashokot nga kasi talaga, Lagas-lagas kasi ang katawan ng mga biktimang lalaki.
"Midyu lang Ading. Kering keri natin 'yan." Tugon ko sa kanya.
"Naku, iba na talaga ang mundo ngayon. Hindi lang mga technologies ang patuloy na nagbabago." Ani ni Tita Tibang.
Totoo 'yan. Andami ng changes that are happening this time. Kaya we must be brave and strong.
"Totoo po tita. Hays ang sasama naman ng mga gumawa nyan hindi manlang naisip yung mga pamilyang maiiwan ng mga taong biniktima nila." Sagot ni Ading kay Tita.
Ay impernes kay Ading! May familia portion! Panalo!
"Oo nga po tita. Simula po ng nagkaroon ng tagapagtanggoal ang ating bayan ay doon na rin po nagsimulang magsilabasan ang mga kakaibang impakta." Ani ko na naman.
Wala dito si Dave, na sa kuwarto nya. Feeling ko naman hindi n'ya ito alam kasi hindi naman siya nanonood ng balita.
"Mabait talaga ang Diyos at patuloy nya pa rin tayong ginagabayan." Si Tita.
"Opo, sobrang bait po talaga ng Lumikha. Kahit po nawalan kami ng mga mmagulang ay ibinigay nya po kayo sa amin. Doon pa lang po ay napatunayan ko na ang totoong kabutihang taglay ng ating Panginoon." Mahaba kong salita sa kanila. Pagpapasalamat na din sa ating Diyos.
Kakatapos lang kasi namin kumain bago kami manood ng TV tapos ito pa ang mapapanood namin.
Nakuuuu kung sino man ang gumawa nyan. Patay sila sa akin, kay Darnae rather!
Nalalapit na naman ang panibago kong paglaban.
Ang unfair naman ng papagiging super hero ko. Yung ibang super hero is yung mga magnanakaw, ganon ganire lang ang mga kalaban. Samantalang ako! Puro may mga super powers! Pashnea sila.
"Ading dyan ka muna kay tita, try ko lang cumonnect kay Reynae. Aakyat lang ako saglit." Bulong ko ulit kay Ading ng super hina upang hindi ito marinig ni Tita.
Itatanong ko din kay Reynae kung sino ang may gawa nito sa mga kalalakihan at para na din makapaghanda ulit ako.
"Sige ati, go lang" Sagot nito sa akin.
"Tita, aakyat lang po muna ako saglit." Paalam ko kay tita. Ngumiti siya sa akin tanda ng pagsang-ayon nya. Matapos nito ay umakyat na ako sa itaas.
Pagka'ayat ko ay nakita kong nakabukas ang pintuan ng kuwarto ni Dave at nakita ko nakatopless ulit siya.
Yumyumyum!!! Charrr!
Pero wala muna akong pahanon para sa ganyang bagay. Kay Reynae na muna tayo. Miyaers ka na!
Pagkapasok ko sa kuwarto namin ni Ading ay agad akong nag'concentrate para na nga maka'connect kay Reynae.
Ilang saglit lang ay ayan na siya...
"Hello, baklang super hero na sobrang keri na ngayon! Alam kong may katanungan ka na naman kaya sinubukan mong kumunekta sa aking isipan." Bugad na pananalita ni Reynae sa akin.
"Truts po mahal na Reynang Dyosavela. Ishushunong ko po sana sa inyo kung sino po yung nabalitang bagong naggugulo sa bayan at ang mga binibiktima daw po nito ayon sa balita ay mga kalalakihan?" Mahabang sagot dito.
"Hahahaha! Maghanda ka dahil marami sila at super malalakas din. Ingat sa 'yo." Medyo na nanakot nyang habilin sa akin.
"Ay totoo po ba? Huwag nyo naman po akong takutin agad. Meged!" Inda at paglilinaw ko.
"Bombilya! Bakit ka kasi nagtatanong tungkol sa kanila? Kaya ayon, sinabi ko lang ang totoo. Tapos mashoshokot ka? Lande!" Sagot nito sa akin.
"Hehehe, sornae na po. So kung marami po sila. Ilan po sila eksakto?" Tanong ko sa kanya. Nakahiga na ako ngayon sa kama para mas'mafeel ko ang conversation naming dalawa.
"Apat sila at ang mga ito ay magkakapatid. Doblehin ang pag'iingat." Seryosong sagot nito sa akin.
"Truts po, magkakapatid sila?" Gulat na tanong ko sa kanya dahil sa binanggit nya.
"Truts! Kakasabi ko lang diba? Bingi ka ba?" Sagot nito.
"Churi na Juliet, anong klaseng nilalang po sila?" Paglilinaw ko.
"Keri keri lang 'yon. Sila ay mga taong ibon, malalakas sila. Ang may pakpak na kulay asul ay si Parota. Salamantalang ang may green na pakpak ay si Kalapata. Si Maya naman ang may pulang pakpak. At ang panganay sa kanilang apat at mayroong rainbow na pakpak ay si Lawina. Tinatawang sila bilang, Baklang Jiebonae." Paliwanag nito sa akin.
Ay Tegi akis! Kiyopat sila! Baklang Jiebonae ang pangalan ng group nila? Imperness bet ko 'yon. So it means beki stand din sila ganon?
"Bakla din po sila ganon?" Tanong ko ulit kay Reynae.
"Oo at mag-iingat ka sa kanila. Dahil sila ay nag-aanyong babae sa gabi kung kaya't sila ay nakakapambiktima ng mga kalalakihan. Kinukuha ng mga ito ang lakas ng mga kalalakihan upang sa gayon ay mas lalo pang lumakas ang kanilang mga kapangyarihan. Ngunit dahil ikaw si Darnae. Ikaw lang ang makaka-amoy ng kapangngihan nilang taglay. Mapapanghi sila ng sobra at ito ay hindi na aamoy ang mga ordinaryong tao lamang. Maghanda ka dahil lubhang mas kakaiba sila kumpara sa una mong nakalaban. Kailangan ay lumabas na rin ang kapangyarihan ni Ading sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay kahit papaano ay matulungan ka nya. Ikuda mo na rin sa kanya na magkakaroon siya ng power nang sa ganoon ay mapabilis ang paglabas nito. Ayaw pa kasing sabihin may pa surprise suprise ka pang nalalaman! Hanggang dito nalang ako hanes, dami mo ng natanong. Baboonelya!" Napakahabang linya nito sa akin at bigla na lamang ulit naglaho.
Truts! Mga bakekang nga din sila! Shutah! Kaya pala mga kalalakihan ang mga binibiktima nila. Kailangan ko talagang maghanda sa kanila kayaga ng sinabi ni Reynae.
Kailangan ko na rin sabihin kay Ading ang tungkol sa pagkakaroon nya ng kapangyarihan upang sa gayon ay lumabas na daw ito ang mas maaga. Pashnea nalaman pa ni Reynae na hindi ko pa ikinukuda kay Ading ang sinabi nya, na magkakaroon daw ito ng katiting na kapangyarihan mula sa bluepink na bato dahil siya ang napili ko upang maging tagapagtabi nito.
Apat laban sa isa?
Keri ko 'yan no! God Bless, self.
Inggggg...
Bumukas ang pintuan ng kuwarto namin at pumasok si Ading.
"Oh bakit umakyat ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Matutulog na daw kasi si Tita. Sabi nya ay mag-iingat daw tayo. Pinagsabihan nya rin si Kuya Dave kanina, hindi mo ba narinig 'yon?" Sagot nito sa akin.
"Witchikels, busy kasi ako kay Reynae e." Ani ko dito.
"Ohh, oo nga pala. So, anong sinabi nya sa 'yo, ati?" Tanong nito.
"May sasabihin ako sayo ha! Pero 'wag mong sasabihin kahit kanino. Sa atin lang dalawa ito. Malinaw?" Agad na sabi ko sa kanya.
"It sounds exciting ha! Ano ba 'yan, Ati? I promise na hindi ko ito sasabihin kahit kanino. Kailan ba ako nagsabi ng sikreto natin sa ibang tao? Kung dadaldal man ako, e adi sana sinabi ko na sa lahat ng tao na nasa akin ang batong nilulunok ni Darnae." Mabang pagkukumbinsi nito sa akin na hindi nya sasabihin kahit kanino ang ipagtatapat ko sa kanya.
"Oo na. Sige. So ito na nga, nang dahil sa 'yo ko ipinatago ang bluepink na bato, sabi ni Reynae na magkakaroon ka rin daw ng kapangyarihan." Mahinang paliwaang ko sa dito dahil baka may makarinig pa sa pag-uusap namin.
Nanlaki ang mga mata ng hitad sa aking sinabi.
"Truts ba, ati? Kung truts nga ay bet ko 'yan ng todo! Eh ano namang type of power?" Masiglang sagot nito sa akin.
"Oo. Super truts 'yan! It's either be the power to read minds or shield kung ano daw ang lumabas sa 'yo ay ayon ang power mo." Paliwanag ko.
"Bet na bet ko talaga 'yan! Ati? Eh paano kung both!?" Tanong nito.
"Kung both? Ay hindi ko na knowsline 'yan Ading. Hintayin mo nalang na lumabas hanes?" Sagot ko. Wala kasi akong ideya, pero mas maganda kung both diba?
"Ganon ba? Bukod doon, ano pa 'yung kinuda sayo ni Reynae?" Tanong nya.
"Ayun, yung mga impakta na bagong nanggugulo sa bayan ay mga baklang ibon pala at ang tawag sa kanila ay Baklang Jiebonae." Sagot ko.
"Ay mga bakla din Ati!?" Gulat nyang tanong.
"Hindi mga pagong kakasabi ko lang diba? Inuulit ganon? Ang O A mong mag'react!" Pilosopo ko dito.
"Ehhh... So ano pa!?" Sagot naman nya.
"Sabi ni Reynae ay mas malakas daw sila at kinukuha daw ng mga ito ang lakas ng mga kalalakihan. Ayon kay Reyane sa tuwing sasapit ang gabi ay nag-aanyong mga babae ang mga pashnea. Kaya bet na bet sila ng mga boylets! Kasi nga mga bebots ng mga lola mo! Eh hindi naman nila knows na buong powers nila ay kukuhain ng mga ito hanggang sa mamamatay sila! Mga maano kasi kaya nabibiktima e. Matitiyak ko daw ang mga lola mo kahit mag anyong babae sila dahil mapapanghi daw ang amoy ng mga ito at ako lang daw ang nakaka'amoy non. Ewan ko kung maaamoy mo din. Kasi if kung may power ka na, hindi ka na normal na tao." Mabahang sagot ko sa kanya para less tanong na. Nakaka'haggard din kasi minsan sumagot sa mga tanong nya.
So ayun, sinabi ko na lahat.
"Mga malalandi at makakating bakla! Humanda sila sa akin sa oras na may power na ako. Lalamutakin ko talaga ng todo todo 'yang mga mukha nila." Gigil na ani ni Ading.
"Truts Ading. Kaya, sinabi ko na rin sa 'yo yung sinabi ni Reynae na 'yan para matulungan mo ako sa paglaban sa kanila if ever man na hindi ko sila kayanin. Pero hindi no. Lalaban ako at hindi magpapatalo!" Buong tapang kong ani kay Ading.
"Ay gusto ko yan ati! Positive!" Sagot nya sa akin. "Ay baka mabiktima nila ang lolo mong Dave, Ati?" Pambibirong dagdag nito sa akin.
May point siya! HAHAHA! maano din kasi 'yon.
"Ewan ko. HAHAHA! Bahala sila noo. Charr! Syempre hindi papayag no! Subukan lang nila at huhugutin ko ang mga apdo nila sa katawan." Sagot ko sa kanya.
Hahaha! Crush ko na ata talaga si Dave, jusko.
"Bongga naman pala kung ganon. Jowa lang ang peg mo, ati, ganon?" Pang-aasar ni Ading sa akin.
"Shungae! Matulog na nga lang tayo. Tiyak na mapapalaban na naman ako nito. Ikaw nga pala may pasok ka pa bukas ha! Masayado mo na akong nililibang."
"Okae. Pero ati, you're wrong kasi two days kaming walang pasok. Kinuda ko na 'yan kay tita Tibang at isasama nya daw ako sa mall bukas. So saya Ati sa totoo lang! Alam ko namang hindi ka sasama kaya ikaw nalang mag-asikaso ng bahay bukas hanes?"
"Yahh ang daya ha!" Reklamo ko sa kanya. "Pero keri lang din naman pala." Dagdag ko.
"Hahaha keri lang kasi? Walang pasok si Kuya Dave bukas!? Kaya kayo lang dito bukas, ganon? Malandi ka Ati ko! Truths 'yan! Promise! Fingers crossed!"
Ano daw? Kami lang ni Dave dito sa bahay bukas? Gosh, galour!
"Ay, hindi ko alam na wala siyang pasok bukas no. Huwag mo akong ginaganyan!"
Bakit ba ayaw pang matulog ng baklang 'to!? Lalapnusin ko na talaga 'yang nguso nya, isa pa! Hahaha jukjuk!
"Wehh?? Sige na matutulog na akis! Naglulumandi ka na naman." Pagpapaalam nito.
"Pakabait ka ha! Huwag kang turo ng turo ng kung ano ano sa mall bukas." Paalala ko kay Ading bago siya magtalukbong ng kumot.
"Oo Ati no. Inggit ka lang e. Umakyat ka kasi kaagad dito." Sagot nya at tuluyan na ngang nagkulubong ng yero sa katawan nya. Charrr! Kumot syempre. HAHA!
"Hindi no! Sige na. Nighty!" Ani ko dito at nahiga na rin upang makapagpahinga na.
Ngayon ay lubos na maming mararamdaman ang pakiramdam ng nakahiga sa bahay na maganda habang nasa kuwartong mabago at malamig. Mostly sa kamang malambot. Just for sure na tatanghaliin ako ng gising nito bukas. Hahaha, chaerot!
iJujuloy。。。