Naekie's POV
"Ading, ito pa oh!" Turo ko kay Ading ng mga gamit n'ya. Ngayon na kasi yung araw ng paglipat namin kila tita Tibang.
"Okay, Ati." Sagot nito.
Ang kupad kupad kasing kumilos, anong oras na e. Kailangan bago daw mag tanghalian ay dapat na kila Tita Tibang na kami. Para libre again our lunch, ganon! Hahaha!
Ano kaya ang magiging say ni Dave sa gagawin naming paglipat? Babarilin nya kaya kami!? Oh papaputukan nya ako!? Charrr! HAHAH.
Kasi knows ko naman na magagalit siya. Kaya dapat handa na ako doon.
Magiging instant jowa at mommy ako sa kanya kapag umalis na si tita Tibang. Kailangan ng so much patience para sa kanya.
Oy, ayoko na ulit makita yang Saciah na 'yan no! Bibigwasan ko talaga siya sa tuhod isang pang lumandi siya.
Magiging impiyerno kaya ang buhay ko doon? Oh ang buhay nya ang magiging impiyerno? Hahaha, bahala na nga, malandi naman na ako ngayon e. Keribumbum na 'yon.
"Ati? Baka gusto mo naman akong tulungan no!? kanina ka pa dyan nakanguso ih, ano ka? isda?" Pagbasag ni Ading sa pag-iisip ko sabay tapik sa bumbunan ko.
"Aray baka naman mabutas itong bumbunan ko sa ginagawa mo!" Reklamo sa ginawa nya.
Ang sakit kasi, akala ko tapik lang with tusok pa pala! Kagigil din e.
"Ayaw mo kasi akong tulungan dito." Depensa nya.
"Nagpapahinga lang kasi ako no, hiyang hiyang naman po ako sa 'yo! Kanina pa kaya ako gawa ng gawa dyan." Sagot ko naman sa kanya.
Paano ba naman kasi e talaga namang kanina pa ako naglilinis at nag-iimpake dito simula madaling araw. Tapos magpapahinga lang ako saglit dumadakdak na agad siya.
Pulpulin ko mukha nya eh, charr!
"Goo lang!" Ani nya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Itutuloy ko na nga rin itong sa akin baka awayin pa ulit ako ni Ading.
Lots of hours have passed.
Dami naming bitbit this moment. Si Ading sampung bag. Ako lima. Hahaha char, bias e no? Tig'tatlo lang talaga kami. Papunta na kami ngayon kila Tita Tibang. At kami ay kasukuyang nasa daan. Malapit lapit na din kami kasi natatanaw ko na ang kanto papunta sa kanila.
||||||||||||||
"Tulungan ko na kayo dyan." Pag-aalok ng tulong sa amin ni Tita Tibang nang makarating kami sa kanila at nakita nito na marami kaming bitbit.
"'Wag na po, Tita. Kami nalang po." Magalang kong pagtanggi sa alok nya.
Ngumiti ito sa amin at nagsalita... "Doon ang magiging kuwarto nyo sa itaas ha."
Sa itaas?
Katabi ng kuwarto ni Dave?
Yaaaaaaaaa!! Talaga naman po!
Pero sa wakas mapi-feel na rin namin ang feeling ng may maganda kuwarto. At kabog pa! Yey!
"Ay siya nga pala, nakalimutan ko, hindi pa pala nalilinis 'yon." Gulat na bulaslas nito nang ma'isip na hindi pa pala malinis ang isang kuwarto sa itaas ng bahay nila.
Don't worry keri namin 'yan! Nakakahiya na po sa inyo, if kayo pa ang gagawa.
"Okay lang po, Tita. Kami na po ang maglilinis non. Sanay naman na po kami sa ganyan." Medyo na hihiya kong sabi nung Tita hindi pa kasi ako sanay. Si Ading ay sinundan ng ngiti ang aking sagot kay Tita Tibang.
"Sige, kayo na ang bahala doon. Magluluto lang ako ng pananghalian natin." Ani nito.
"Si Dave nga po pala?" Tanong ko kay Tita bago pa siya gumora sa kusina.
Hindi ko kasi nase'sense dito. Baka may pasok? Oo nga, siguro. Pero hintayin parin natin ang sagot ni tita para sure.
"Si Dave ba? Pumasok sa School." Sagot nya. "Ay teka wala ba kayong pasok Ading?" Baling na tanong nito kay Ading.
Oo nga pala may pasok sila ngayon, private school kasi ang pinapasukan nya. Sila Ading kasi walang pasok. Kaya nga nandito siya e. Hindi naman kasi lumiliban sa paaralan.
"Opo tita wala po kasing pasok ang public school ngayon." Nakangiting sagot n Ading sa tanong ni Tita.
"Ganoon ba? Nawala na din kasi sa isip ko. Ang tagal ko na kasing hindi nagtuturo e." Ani nito.
Diba? Dati kasing teacher si tita Tibang pinahinto lang siya ng asawa n'ya, ni tito.
Ngumiti kami ni Ading dito bago ulit siya magsalita.
"Oh sige na gora na ako sa kusina ha? Haha." Paalam nito sa amin.
"Okay po sige, Tita." Pagsang-ayon namin.
Pagkatapos nang usapan namin ay umakyat na kami sa magiging kuwarto namin ni Ading upang maumpisahan na ang paglilinis nito.
"Para akong prinsesa ngayon Ati!" Abot tengang ngiting sabi sa akin ni Ading habang umaakyat kami na sa hagdan nila Tita.
"Trots Ading ako man kaya! Ang bongga dito no?" Sagot ko sa kanya.
Ang gensa kasi nito, super elegante ganon.
"I-enjoy muna natin ati ang ambiance ati." Ani nito sa akin.
"Tama ka dyan, hindi ko rin kasi na-enjoy 'to noong unang umakyat ako dito kasi nga diba mae'erna ako, remember mo pa 'yon?" Sabi ko sa kanya.
Dahan dahan naming hinahakbang ang aming mga paa patungo sa itaas habang ninanamnam ang bawat segundo na kami ay naririto sa napakagandang panik panaog na ito.
Ay, ano ba yan! Otor, naman panik panaog talaga?
Ayan ang gusto ko e. Wala kang pake! Ikaw ang otor? Ha? Ikaw? Ang daming arte e. Just enjoy the moment, ganon!
So ayun, inenjoy nga namin ang bawat paghakbang dahil sabi ito ni otor hanggang sa kami ay makarating sa itaas.
"Ading hindi dyan ang room natin, bakla ka, kay Dave 'yan!" Kuda ko kay Ading dahil doon ba naman papasok sa may kuwarto ni Dave. Nakakaloka.
"Ay sorry na, hindi ko kasi alam." Sagot nito.
"Oh hindi mo pala alam eh, bakit ka kasi nangunguna?" Tanong ko dito.
"Masyado lang ako Ati nadala ng sitwasyon! Hindi ko sinasadya, patawad!" Sagot nya sa akin.
Hindi na ako sumagot bagkus ay binuksan ko na ang kuwarto na ayon kay tita ay para sa amin daw. Ay bodega ba itis? Ang gegensa pa ng mga gamit nila dito ah!
May lumang cabinet, TV yung hindi flat screen, pero malaki. And mayroon ding lumang aircon.
May sofa na rin dito with pa kama syempre. Ang taray no?
Akala ko naman sobrang dami talagang tambak dito, hindi naman pala masyado. Mga pinaglumaan lang na gamit pero mukhang hindi naman ito masyadong luma. Siguro ay hindi lang talaga nila nagagamit.
May dumi? Oo, marami kasi ang tagal na siguro nitong hindi nalilinisan. Kaya magpapahinga lang kami saglit ni Ading bago umpisahan ang laban.
Yung mga Tv't kemurut iniwan namin sa bahay, dadalawin nalang namin minsan. Hehe.
Inggg...
Bumukas ang pintuan at biglang tumalsik si Ading sa tabi dahil nanduon siya sa may likod nito.
hahahaha Shungak! Nakakatawa shutaeeeee!
"Ay pashneang maning hilat!" Malakas na hiyaw ni Ading nang dahil sa pagkagulat.
Ayon din ay iniluwa ng pintuan si Tita Tibang.
Oo iniluwa nya talag, kinain kasi nito kanina si tita Tibang. Iniluwa lang nya ngayon. Hahaha! Chaerot!
Si Tita kasi yung nagbukas ng pinto at nagulat ito ng makita nya si Ading na nakasubsob sa kamang marumi. HAHAHA!!!!
Ang tanga naman din kasi, bakit ba nandoon siya sa may tabi ng pinto!? Ayan tuloy!
"Ay sorry!" Panghihingi ng pasensiya ni Tita kay Ading. Pumunta siya kay Ading tinulungan itong makatayo.
"Grabe, ang sakit non ha! Charottt! Keri lang po ako. Maraming salamat po." Ani ni Ading nang makatayo ito.
"Okay ka lang ba talaga? Baka nasaktan ka?" Usisa ni tita kay Ading.
"Opo Tita. Keri keri lang po ako no. Nagulat lang po kasi talaga ako. And sorry po doon sa may naisigaw ko nang dahil sa sobrang gulat." Sagot ni Ading sa pag-aalala ni Tita.
"Okay lang din 'yon. Hindi ko kasi alam na na sa likod ka pala ng pinto. Patawad din." Si tita.
"Ako po, hindi ko rin po alam na darating kayo. Hahah!" Si Ading kay tita. At nagtawanan kami.
"Oh siya, sige na at kumain na muna kayo bago kayo maglinis dito." Paanyaya sa amin ni tita. Tinanggap namin ni Ading ang paanyaya ni Tita dahil super gutom na din kasi kami.
Sabay sabay na kaming bumaba upang makakain na din ng tanghalian.
\\\
Hays. Nakaka'shogod! But sa wakas tapos na kami sa paglilinis dito sa magiging kuwarto namin ni Ading. 5 Pm na rin, mga Sesae. Nakakapagod pero ang saya kasi nakatapos na din kami.
Si ay Ading nanduon sa may ibaba at tinutulungan si Tita Tibang sa mga gawain. Sabi ko kasi na ako na lamang ang gagawa ng paglilinis at tulungan nya na lamang si Tita tibang sa mga gagawin nito. At sumang-ayon naman siya dito.
Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pintuan ng isang kuwarto sa kabila. Si Dave na siguro 'yon.
College student na nga pala siya at second year na ito ayon kay Tita Tibang sa kursong Kriminolohiya o BS Criminology.
Boy na boy diba? Kaya pala ganon siya kumilos. Akala mong laging mananapak. Jusko. Magpupulis pala ang lolo nyo.
Sa sikat na international school siya naka'enrolled dito lang din sa lungsod. May pera kasi talaga sila kaya kering keri lang nila doon sa university na 'yon.
Siguro kung nag-aaral pa ako ngayon ay baka na sa first year college na 'ko. Sayang din, pero okay lang no. Hehe.
Hay! Nandito na si Dave.
Umpisa na ng kakaibang ganap sa buhay ko.
iJujuloy...