Ever since I was a kid, no one wanted to protect me. It was always me, wandering alone— but that was changed when Crisel came. I thought that she was different from all the people around me. After all, willing siyang makipaglaro sa akin. Sinabi niya rin mismo na mas gusto niya akong kasama kaysa sa iba.
Those words, I really believed that. I couldn't express how happy I was at that time. After years of being alone, I finally have a friend who's willing to be with me.
But then, I was wrong.
She left me. She just used me.
I guess, no one really wants to be with me. Sino ba namang may gustong madikit sa bad luck? Sa jinx?
Habang tumatanda ako, nasanay na akong ginagamit ng ibang tao. Lumalapit lang sila kapag may kailangan sa akin pero wala na akong pakialam doon. May karapatan pa ba akong magreklamo?
"Why are you so quiet?"
Binaling ko ang tingin ko kay Cavin. Nagda-drive siya ng kotse. Kakaalis lang namin sa restaurant, papunta kami ngayon sa mall para mamili ng grocery. Wala na kasing stock sa bahay.
"Uh, wala." Ngumiti ako. "Nga pala, anong gagawin natin sa practice?"
Gusto ko mang mag-share kay Cavin tungkol sa mga pinagdaanan ko noon, mabuti nang isasarili ko na lang. Hindi ko naman pa gaanong kilala si Cavin, ang alam ko lang ay may trauma siya noong bata siya— hindi siya specifically sinabi na trauma iyon pero kung titingnan mo, parang ganoon na, 'di ba?
Bukod doon sa trauma niya, wala na akong ibang alam sa kanya. Hindi ko alam kung ano pang klase ng problema ang pinagdadaanan niya. Makakadagdag lang ako sa isipin niya kung magkukwento pa ako.
"Nagsimula na tayo sa practice. Kanina pa noong nasa restaurant tayo," nakangiting wika niya.
"Practice iyon?" Gulat na tanong ko.
Marahan niyang inangat-baba ang ulo niya. "Yes."
"Paanong naging practice?"
"Noong nakaharap natin si... anong name ulit noon? Iyong kakilala mo. Tiyak na sa mga susunod na araw at buwan, marami pa tayong makilalang ganoon, lalo na kapag humarap ka sa iba kong kamag-anak,"
"Haharap ako sa iba mong kamag-anak?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Akala ko ba ay sa tatay mo lang?" Napakagat ako sa mga daliri ko sa kaba.
"Hindi ba sinabi kong sa reunion tayo pupunta? Isang gabi lang naman iyon. Si papa, makakasama natin sa bahay ng mga tatlong araw... o depende kung kailan ang balik niya sa ibang bansa,"
"Marami ka bang mga tita o tito? Pati pinsan?"
"Mayroon akong tatlong tita at apat na tito. Walong magkakapatid sina papa, eh. Iyong mga pinsan ko, hindi ko na tanda ang bilang,"
Napanguso ako. "Pero tiyak na marami dahil ang daming kapatid ng papa mo. Hindi ko alam na malaki pala ang pamilya niyo."
"Malaki-laki nga, pero wala namang kwenta." Humigpit ang hawak niya sa manibela. "Noong oras na kailangan namin ng tulong, wala sa kanila ang gustong magbigay." Bumuntong-hininga siya. "Mga makasarili ang mga iyon. Mas tinuring ko pang kamag-anak si Ka Manuel kaysa sa kanila."
May mga ganitong pangyayari rin pala siyang naranasan. Nacu-curious tuloy ako, gaano kahirap ang childhood niya. Kapag nalaman ko iyon, gusto kong humingi ng advice sa kanya. Paano niya napapanitiling maging gan'yan? Iyong hindi halata ang lungkot o anumang kahirapan.
"Hindi ka ba naiilang?" Kunot-noong tanong ko.
"Saan?" Sumulyap siya sa akin.
"Sa akin, hindi ka ba naiilang kapag kinukwento mo iyong mga pinagdaanan mo?"
"Hindi." Aniya, umiiling. "Kailangan mong malaman iyan. Bago dumating si papa, dapat ay kilalang-kilala mo na ako. Though, hindi naman sobra. Ang kailangan mo lang malaman ay iyong mga bagay na alam sa akin ni papa."
"Para kung sakaling interview-an niya ako about sa iyo..."
Tumango siya. "Alam mo ang isasagot at hindi tayo mabuking."
Nang huminto na ang kotse niya, nauna siyang lumabas sa akin pero muli ring pumasok sa loob.
"Wait lang." Natigil ako sa pagbukas ng pinto na katabi ng passenger seat . "Bubuksan ko ang payong. Mainit dito sa labas." Sumuot siya sa back seat at kinuha ang payong doon. Hindi ko alam na may nakatabi siyang payong.
"Tara na." Aya niya sa akin nang mabuksan ang payong.
Lumabas ako at sinalubong siya. Sumukob ako sa dala niyang payong. Tama ang sinabi niya, ang init nga. Paglabas ko pa lang ng kotse, parang masusunog na ang balat ko. Tanghaling tapat kasi. Mag-aala una nang umalis kami sa restaurant.
"Dito ka." Umawang ang labi ko nang hapitin niya ang baywang ko palapit sa kanya.
Ang bango niya... natatalo ang amoy ng araw dahil sa kanya.
Napalunok ako at tila tuod na tumango. "Uh, yeah."
"Para hindi ka mainitan," bulong niya na nagpataas ng mga balahibo sa batok ko.
Ang lapit niya sa akin! Ganoon din ako sa kanya! Kahit na sinabi niyang hindi required ang maglapit, at wala siyang balak na hawakan ako, may times talaga na kailangan pa rin naming magdikit, 'no? Hindi naman sa nagrereklamo ako— parte ito ng trabaho ko, eh.
Pero kung ikokompara sa mga naging client ko nitong mga nakaraan, mas komportable ako kay Cavin kahit na ganito kami kalapit sa isa't isa. Siguro, dahil alam kong wala siyang intensyong gawin ito, at para lang ito sa tatay niya.
Noong nasa entrance na kami ng mall, lumayo-layo na siya sa akin para isara ang payong. Nag-volunteer ako na ako na ang magtatago ng payong sa shoulder bag ko para hindi siya mahirapang maghawak, pumayag naman siya. Paglagpas namin sa guard, lumapit ulit siya at nilahad ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako at pinatong ang kamay ko roon.
"Saan tayo?" Masiglang tanong ko.
"May bagong movie ngayon, eh. Gusto mo bang manood?"
"Sa sine?" Agad na lumawak ang ngiti ko.
Hindi pa ako nakakapunta roon. Noong high school ako, madalas ko iyong marinig sa mga kaklase ko na mapepera. Lagi nilang kinukwento kung gaano kaganda ang manood sa sinehan.
"It seems like you want. Let's go." Tumalikod siya at naunang maglakad. Dahil hawak-hawak niya ako, napasunod ako sa kanya ng wala sa oras.
"T-Teka, wala naman akong sinabi!" Pagpigil ko sa kanya.
Sa pagkakaalam ko, may kamahalan ang panonood sa sine. Kanina noong kumain kami, ang dami niya nang nagastos. Alam ko namang hindi siya agad mauubusan ng pera roon pero nanghihinayang lang ako sa paggastos niya.
"Gusto ko ring manood," wika niya.
"Pero..."
"Gusto mo rin, 'di ba?" Hindi ako nakasagot, nag-iwas lang ako ng tingin. "Pati iyong panonood sa TV, gusto mo rin iyon."
Umawang ang labi ko. Paano niya nalaman? Wala naman akong sinabi. "M-Mali ka, hindi ko naman gusto. Hindi ko kinalakihan ang panonood ng TV, hindi ako ganoon kahilig sa mga palabas."
"I saw you,"
"Huh?"
Tumigil siya sa paglakad kaya pati ako ay napatigil din. Ang daming tao sa paligid pero hindi naman nila kami tinitingnan, para silang may sari-sariling buhay. Hindi ito ang first time ko rito pero sa tuwing pupunta ako sa mga ganitong lugar, hindi ko maiwasang mapaisip.
Gaano kaya karami rito ang malungkot ang buhay? Ang may malaking problema? Ang nawawalan ng pag-asa at pagod na pagod na?
"Noong una kang makapunta sa bahay, iyong itsura mo kanina noong tinanong kita kung gusto mo bang manood ng movie, ganoon iyong itsura mo noong nakita mo iyong TV sa bahay. Pero ni minsan, hindi mo iyon binuksan. Natatakot ka bang masira mo iyong TV?"
He is really smart... o sadyang halata lang ako sa mga kilos ko? Kahit na anong try ko, hindi ko ba talaga maitatago iyong fact na jinx ako? Na wala akong magagawang matino?
"Sorry, let's talk about this later." Ngumiti siya kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa akin. "Let's go."
Hindi na ako sumagot, sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa sinehan. Bumili kami ng ticket at makakain sa loob. As usual, siya ang nagbayad lahat dahil wala naman akong pera. Iniisip ko nga kung ikakaltas ba niya sa sweldo ko ang lahat ng gastos ko? Natatakot akong baka walang matira kung ganoon. Ang e-expensive ng date namin.
"Wow..." Hindi ko maitago ang pagkamangha ko nang makapasok na kami mismo sa loob ng sinehan.
Maraming upuan at may malaking TV sa harap, hindi lang basta malaki kung hindi malaki talaga. Walang-wala rito iyong TV na nasa bahay ni Cavin.
"Doon tayo sa unahan,"
"Lalapit tayo?"
Tumango siya. "Para mas makita mo."
Maya-maya pa, nagsimula nang dumami ang tao. Hindi naman napuno ang buong sinehan, pero halos lahat ng upuan ay may laman. Ilan pang sandali at nagsimula na ang palabas. Para bang na-glue ang mata ko roon, kahit na tinatawag ako paminsan-minsan ni Cavin, hindi ko na nagagawang lumingon sa kanya.
Action-romance ang pinapanood naming movie. May kaunting thrill din at mystery.
Nang dumating sa part na nag-kiss ang male at female lead, doon lang naputol ang tingin ko. Yumuko ako at sumipsip sa juice na binili ni Cavin.
"Hindi ka sanay sa gan'yang scene?"
Napatingin ako kay Cavin nang bumulong siya. Tinuro niya ang harapan, nang bumalik ang tingin ko roon, nag-iwas din agad ako dahil iyon pa rin ang scenario.
"Hindi naman sa hindi sanay pero ayoko ng mga gan'yan,"
"Oh." Umangat ang kilay niya habang tumatango.
Bakit niya natanong?
Posible kayang gagawin namin iyan sa future? Sa harap ng tatay niya?
Ramdam ko ang pag-iinit at pamumula ng mukha ko dahil sa iniisip ko. Sabay kong sinampal ang magkabilaang pisngi ko at pinilig ang ulo.
"H-Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Cavin.
Tumango ako at seryosong tumingin sa kanya. "May tanong ako."
"A-Ano iyon?" Tila nagtataka siya sa kinikilos ko. Sana lang at hindi niya maisip ang mga nasa isip ko.
"May balak ka bang halikan ako? Sa lips?" Diretsong tanong ko, hindi man lang kumurap.
Hindi siya agad nakasagot. Natapos ang kissing scene na nakatulala lang siya sa akin hanggang sa manlaki ang mga mata niya. "H-Huh?" Mabilis siyang umiling. "H-Hindi!"
"Sshh! Ang ingay!" Saway sa amin noong mga nasa likuran.
Napayuko ako at bumuntong-hininga. "S-Sorry, hindi ko pala dapat tinanong iyon."
Napagalitan pa kami dahil sa akin. Napahiya siya dahil sa tanong ko. Mas naiinis lang ako sa sarili ko, hindi ko talaga maiwanan ang pagiging bad luck ko.
Natapos ang movie at lumabas kami ng sinehan. Nakahawak siya sa kamay ko pero tahimik pa rin siya katulad ng kanina. Simula noong nagtanong ako kanina, hindi na ulit siya nagsalita at hindi na rin siya tumingin sa akin.
Napabuga ako ng hininga habang nahuhuli ng kaunti sa paglakad.
Nagagalit ba siya sa akin dahil napahiya siya?
"H-Honey," mahinang tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Nagsisimula nang bumigat ang pakiramdam ko. Mas mabuti siguro kung isara ko na lang muna ang bibig ko, lalo na kapag nasa matao kaming lugar, para maiwasan iyong mga ganoong case.
Dumiretso kami sa supermarket ng mall. Binitiwan niya na ang kamay ko nang kumuha siya ng push cart. Nakasunod lang ako sa kanya habang iniikot niya ang lugar para maghanap ng mga kailangan sa bahay.
Nang nasa section kami ng mga kape, gatas, at tsaa, tumigil siya sa paglakad. Huminto rin ako pero pinanatili ko ang distansya sa mga shelf.
"Do you like to add milk?" Lumingon siya sa akin at pinakita iyong pack ng gatas.
Mamahaling gatas, iyon iyong mga nakikita ko sa commercial dati. Lagi kong iniisip kung ano kayang lasa, kung iba ba sa mga iniinom ko.
Umiling ako. "No, I'm not fond of milks."
"Alright,"
Nangunot ang noo ko nang ilagay niya iyon sa push cart. "Hindi ko gusto."
Huminga siya nang malalim. "Gusto mo, 'di ba?"
Napayuko ako.
Iyan na naman siya. Sinasabing gusto ko ang mga bagay kahit na sinabi kong hindi. Bakit ba alam niya kung ano ang totoong gusto ko kahit na wala naman akong sinasabi?
"You are easy to read. That explains why I know what things you truly like." Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa gulat nang hawakan niya ang wrist ko. "Let's go."
"Aren't you mad?"
"Mad?"
Tumango ako ng kaunti. "Napahiya kita kanina sa sinehan."
"Napahiya? Hindi naman. Normal na sa mga sinehan iyon." Aniya, tumatawa.
"So, hindi ka galit?" Masayang wika ko.
Tumango siya. "Yeah."
Napabuga ako ng hangin, nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. "Mabuti naman. Akala ko, kaya hindi mo ako pinapansin ay nagalit ka sa akin."
Nawala ang ngiti sa labi niya, lumayo rin ang tingin niya. "Ah, wala iyon, may iniisip lang ako. Tara na."
"Okay!" Siniglahan ko ang boses para naman sakaling mahawa siya sa akin.
Mukha kasing matamlay siya, wala naman akong ibang magawa. Natatakot akong magtanong dahil baka personal ang rason kung bakit siya ganoon.
"Wala ka ng gustong ipadagdag dito? Babayaran ko na 'to,"
Umiling ako. "Wala na, ikaw ba? Nandiyan na lahat ang kailangan?"
Tumango siya. "Nabili ko na lahat ng sinulat ko sa note." Nag-proceed na siya sa pagbayad ng mga pinamili namin sa counter.
Paglabas namin ng supermarket, akala ko ay uuwi na kami pero hindi kami nagdire-diretso sa exit. Lumiko siya bigla kaya sumunod na lang ako.
"May pupuntahan ka pa?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
Dala-dala niya iyong mga pinamili namin. Dalawang plastic bag iyon. Dapat nga ay tatatluhin noong babae kanina pero sinabi niyang dalawahin na lang. Probably, alam niyang hindi ako magbubuhat ng isa katulad noong una naming grocery. Hindi rin ako tumulong dahil sa pag-aalala na baka maputol ang plastic. Nakaka-guilty lang, mukha kasing mabibigat ang pinamili namin.
"May bibilhin pa ako. After noon, mag-meryenda muna tayo. 'Tsaka umuwi,"
Binuksan ko ang shoulder bag ko at chineck ang oras sa cellphone ko. Alas kwatro mahigit na pala ang oras. Hindi ko namalayan, parang kanina lang ay ala una pa lang.
Sinundan ko siya sa paglalakad niya. Hindi naman nagtagal at huminto rin kami, sa harap ng store na may nakalagay na apple na may kagat. Ito iyong sikat na iPhone, 'di ba? Iyong ginagamit ng mga artista?
Dahil clear na glass lang naman ang nakapagitan sa labas at loob, nakikita ko iyong mga nakalagay sa loob ng store. Puro iyon gadget. Papalitan niya siguro ang ilan sa mga ginagamit niya.
Sinundan ko siya papasok sa loob, pero nanatili lang ako sa isang gilid. Hindi ko na gustong lumapit pa dahil baka may mangyaring masama. Wala akong pambayad sa lahat ng ito. May isang presyo pa naman akong nakita, thirty thousand. Doon pa lang, alam ko nang dapat kong ilayo ang sarili ko.
Hindi naman ako tinawag ni Cavin, hinayaan niya lang ako at iniwan niya rin sa akin iyong mga pinamili namin. Mukha namang nakakatunog na siya sa kung gaano ako kamalas, tiyak na nage-gets niya na kung bakit ko ito ginagawa.
Mula rito, kita ko iyong magagandang cellphone. Ito iyong mga touchscreen na sinasabi ni Cavin noong nakaraan. Hindi ko alam na ganito ang mga gamit niya. Sabagay, afford niya naman. Sa pag-rent nga sa akin, nakapagbabayad siya. Iyong mga ganito pa kaya?
"Hey,"
Umangat ang tingin ko nang marinig si Cavin. Ngumiti ako sa kanya. "Tapos ka na?" Matagal-tagal din siya. Komplikado siguro ang pagbili ng mga ganito.
Tumango siya. "Yes, here." Nilahad niya sa akin iyong paper bag na hawak niya.
Ipapahawak niya ba? Parang biglang bumaba lahat ng dugo ko sa kaba. Mas gusto ko pang hawakan iyong mga pinamili namin kaysa sa mamahaling gamit.
"Ito na lang ang dadalhin ko." Akmang bubuhatin ko iyong plastic bag pero kinuha niya ang kamay ko. Nilagay niya roon ang paper bag.
"Sa iyo iyan,"
"S-Sa akin?" Gulat na tanong ko.
"Yes,"
"Pero bakit? Mahal ito, eh. Wala akong pambayad dito,"
"Hindi mo naman babayaran." Yumuko siya at kinuha iyong mga pinamili namin. Sinundan ko siya nang lumabas siya ng store.
"Hindi mo pwedeng ikaltas ito sa sweldo ko. Gagamitin ko iyong lahat ng pera para sa pamilya ko. Tiyak na malalagot ako... kaya hindi ko ito makukuha sa iyo," wika ko habang nakasunod sa kanya, pahina nang pahina ang boses ko.
"Sinong nagsabing ikakaltas ko iyan sa sweldo mo?" Tumaas ang kilay niya sa akin. "Libre ko iyan... regalo ko sa iyo."
"Eh, mahal ito..."
"So?" Tumingin siya sa akin na para bang wala siyang paki kung gaano kalaki ang nagastos niya. "Gamitin mo iyan sa bahay para malibang ka. Mas madali mo rin akong maco-contact kung may gan'yan ka."
"May cellphone naman akong pan-contact sa iyo,"
"Mas maganda iyan,"
"Nagsasayang ka lang ng pera,"
"Hindi naman sayang kapag mahal mo iyong taong pinaggastusan mo,"
"M-Mahal?" Nanlaki ang mga mata ko.
Mahal niya ako? Ang bilis ng t***k ng puso ko, anumang oras ay parang sasabog ako.
"Oo, ganoon kapag mag-asawa, 'di ba? Mahal nila ang isa't isa,"
Agad na napawi ang lahat ng iniisip ko. Nakatungo akong tumango, disappointed ang pakiramdam. "Ah, oo."
Nasa practice nga pala kami. Bakit ba ako masyadong nag-a-assume? Syempre, wala namang magmamahal sa akin. Pinaka-imposibleng bagay na mangyari sa buhay ko.
Bago umuwi, huminto kami sa store na nagtitinda ng takoyaki para mag-meryenda. Nakangiting nagkukwento sa akin si Cavin tungkol sa experience niya sa unang kain niya ng takoyaki pero masyadong akong lutang para maintindihan iyon.
Hindi maalis sa isip ko iyong pag-a-assume ko kanina. Ang sarap sakalin ng sarili ko. Kahit na paulit-ulit kong pinapaalalahang walang magmamahal sa akin, paulit-ulit pa rin akong umaasa sa tuwing may taong magbibigay ng pansin sa akin.
Pero hindi pwede ito, lalo na kay Cavin. Bukod sa para lang sa pagpe-pretend ang ginagawa namin, ayaw niya rin sa babae. Kinasusuklaman niya ang mga katulad ko. Nakikisama lang siya para sa sake ng pagpapanggap. Kailangan kong itatak ito sa utak ko para matigilan ko na ang pag-a-assume na tanggap ako ni Cavin at iba siya sa ibang tao.
Swerte ako sa kanya pero hindi ibig sabihin noon ay naiiba siya... katulad lang din siya ng iba pero kailangan niya ako.
"Kanina ka pa tahimik. Nag-aalala ka pa rin ba na ikakaltas ko sa sweldo mo ang phone na binigay ko?"
"Uh..." Nilingon ko siya at umiling. "Hindi."
"Then, why are you quiet?" Sinimulan niyang paandarin ang kotse, pauwi na kami ngayon sa bahay.
"May iniisip lang,"
"Can you share it with me?"
Umiling ako. "I can't."
"I see,"
"S-Sorry!"
Ngumiti siya. "It's fine. Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin lahat, lalo na kung personal."
Dahan-dahan akong tumango. "Y-Yes, salamat sa pag-intindi."
"Though, I am a bit worried. Baka iyong iniisip mo ay pag-alis sa akin,"
"Hindi!" Mabilis akong umiling. "Hindi ko iyon maiisip kahit kailan." Bumuntong-hininga ako. "Alam mo naman iyong sinabi ng babae, 'di ba? Kapag bumalik pa ulit ako sa agency, tatanggalin na nila ako. Bukod dito, wala na akong ibang trabaho na pwedeng mapasukan. Itong trabaho na ito... ikaw iyong last hope ko."
"May balak ka pa bang tumanggap ng client after ko?" Seryosong tanong niya, wala ang ngiti sa labi niya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Kung makakabayad ako sa lahat ng utang namin at makakapag-ipon ng malaki-laking halaga para makapag-start ng maliit na business sa bahay, baka tumigil na ako sa Wife for Rent."
"Oh..." Ito lang ang reaksyon niya at kaunting pagtango.
Hindi na naman ako umimik at nanatili na lang na tahimik. Nang malapit-lapit na kami sa bahay, saka niya ako muli binanggit ang pangalan ko— oo, hindi honey kung 'di Arie mismo.
"Kanina, pinag-iisipan ko iyong sinabi mo,"
"Ang alin?" Kumunot ang noo ko.
"Noong nasa sinehan tayo, tinanong mo ako kung balak ba kitang halikan,"
"Uh, oo." Nilayo ko ang tingin ko sa kanya at awkward na tumawa. "Sorry, hindi ko sinasadyang itanong iyon."
"It's okay, normal lang naman iyon sa mga couple,"
Napatango ako. "Oo nga."
"Gusto kong mag-sorry,"
"B-Bakit? Wala ka namang kasalanan,"
Binili niya na nga ako ng iPhone, gusto niya pang mag-sorry.
"Kahit na sinabi kong wala akong balak na hawak o dikitan ka, may times na nagagawa ko pa rin,"
"Eh, ayos lang iyon," Binabayaran niya kaya ang mga ganoong service. Nagsasayang lang siya ng pera kung hindi niya ako gagamitin to the extent.
"Noong tinanong mo kanina sa akin iyong bagay na iyon, napaisip ako kung darating ba tayo sa ganoong punto..."
Napalunok ako. "A-And?"
Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. Para bang unti-unti akong hinihigop ng mga mata niya. "If there is a case that we have to kiss, is it okay for you?"