bc

Wife for Rent

book_age16+
1.5K
FOLLOW
12.6K
READ
contract marriage
dominant
drama
sweet
bxg
icy
lonely
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Para makabayad ng utang at matulungan ang pamilya, nag-decide si Arie na pumasok sa Wife for Rent. Isang agency na nag-o-offer ng mga kontrata sa mga kalalakihan na gustong magkaroon ng instant wife. Sa una, halos pag-agawan si Arie ng mga lalaki dahil sa taglay na kagandahan subalit may problema- walang tumatagal sa kanya. Dahil sa kamalasan niyang dala, lagi siyang naibabalik sa agency.

Noong oras na dapat ay matatanggal na siya sa trabaho, biglang dumating ang isang lalaki na desperado nang magka-asawa ngunit walang interes sa babae- si Cavin. Matapos ipaliwanag ni Cavin kay Arie ang dahilan kung bakit gusto niya ng asawa, nagkasundo sila na magiging real life couple hanggang sa matapos ang kontrata. Ang lahat ng mangyayari sa kanila ay para sa trabaho lang.

Sa isang taong kontrata at pagsasama nila, posible kaya na may mahulog kahit na trabaho lang?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Malamig ang pakiramdam ko kahit na balot na balot ako ng jacket. Sobrang tahimik ng paligid pero bigla akong may narinig na mga yapak ng paa na palapit dito. May tao? Pero wala naman akong natanggap na tawag? Ah, may mga bagong babae siguro tulad ko. "Sir, please, makinig kayo sa akin. Hindi po namin gustong magkaroon kayo ng pangit na experience sa service namin kaya–" "Her," Nag-angat ang tingin ko sa labas. May isang malaking clear na salamin ang nakaharang sa pagitan namin, para itong pader. Hindi mga babae ang nasa harap ko kung hindi isang lalaki na naka-suit at babae na galing sa agency. Nakaturo iyong lalaki sa akin, diretso ang tingin niya sa mata ko at seryosong-seryoso siya. "I will bring her home with me. Give me the contract now," dugtong nito dahilan para matulala ako. Anong sinabi niya? Dadalhin ako sa bahay kasama siya? Ilang segundo pa bago ko tuluyang ma-realize ang sinabi niya. Napatayo at mabilis na inayos ang sarili ko. Inipot ko ang mga takas kong buhok sa likod ng tainga at nalilitong tiningnan ang babae na galing sa agency. Pinilit ko ring ngumiti nang natural para sa lalaki. Wala silang pasabi sa akin na may darating na customer. Hindi naman ganito ang set-up dati, ha? Sinasabihan muna nila kami na mag-ayos at saka kami ihaharap para makapamili ang customer. Pero sabagay, mag-isa na lang ako ngayon. Iyon ba ang dahilan kaya hindi na nila ako sinabihan? Tumikhim iyong babae. "Sir, kung gusto niyo, ihahanap namin kayo ng bagong babae ngayon din mismong oras na 'to." Eh? So... hindi ako? Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng isang malaking bulalaw. Hindi ako iyong napisa kung hindi ang puso ko. Akala ko pa man din... "You don't have to do that. She's the one I will get," Ako? As in ako? Itong ako na nakatayo at nag-iisa rito? Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang lalaki. "She's not a good choice." Bumuntong-hininga ang babae. "Marami ng customer ang nagbalik sa kanya dahil palpak siya sa pagiging asawa. We are actually going to fire her today." Mawawalan na naman ako ng trabaho? Lagot ako nito... paano kami makakabayad sa utang? Paano ako makakabili ng gamot ni tatay? Ito na naman iyong kamalasan ko. Wala pa man din akong nasusweldo pero matatanggal na ako. Mukha pa man ding confident si nanay na tatagal ako sa ganitong trabaho. Madi-disappoint na naman sila sa akin. Makikita ko na naman iyong mga mukha nilang walang pag-asa at para bang gusto na akong itakwil. Lagi na lang ganito... kung kailan akala ko magiging ayos na... "I am not listening to whatever you say. I already made up my mind the moment I saw her, so that's it. Give me the contract now," What's with this guy? He kept on insisting that he would get me. Seryoso ba siya? Narinig niya na naman iyong sinabi ng babae. Hindi ko man gustong tanggapin pero totoo lahat ng iyon. Wala akong magandang dulot. Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ba ako na nag-i-insist siya... tiyak naman kasi ibabalik niya rin ako rito once na iuwi niya ako at makita kung gaano ako kawalang silbi. "Are you sure, sir? This will be the last warning. She's not really a good choice. Kaya namin kayong ihanap ng babae na mas–" "No matter what you say, what I said is final. Just give the contract," Mahabang paghinga ang pinakawalan noong babae. Hindi ko alam kung para saan ba iyon. Dahil ba sa desisyon noong lalaki o dahil sa fact na hindi pa agad ako na-fire. "Alright, sir. Let's head on this way." Tumagilid iyong babae at tinuro ang isang daan. "Wait, how about her?" Nilingon ako noong lalaki. "She will also be coming, we will just get her ready," "Alright," Tuluyan na silang umalis. Nakahinga ako nang maluwag at saka napaupo. Napahilamos ako sa mukha ko at ilang beses bumuntong-hininga. Ano na ang mangyayari sa akin? Kailangan kong masigurado na hindi ako papalpak. Kapag pumalpak pa ako at nabalik na naman ako rito, sure na tanggal na ako. Ayokong bumalik sa bahay namin na walang dalang pera. Tiyak na bibigat lang lalo ang nararamdaman ko. Hindi nagtagal at may mga dumating na galing sa agency. Pinagbihis nila ako at inayusan. Wala naman silang kahit anong sinabi sa akin pero halata sa mukha nila ang pagka-disappointed nang makitang ako na naman ang aayusan. "This way." Sinundan ko iyong babae na nagga-guide sa akin kahit kabisado ko na talaga ang daan na ito. Ilang beses ko nang nagawa ito, panlima na yata. Sa totoo lang, nakakapagod, pero as if naman may choice ako. "Ito na 'yong last mo. Wala ng next time kaya ayusin mo," Napatingin ako sa gilid ko. Pilit akong ngumiti at tumango. "Ah, oo." Saan kaya ako nito mapupunta matapos kong ma-fire? Feeling ko, na-try ko na ang lahat. Ito na iyong huling pag-asa ko, e, pero palpak din. "This is Arie Mendoza, sir. She is the girl you want, right?" Hanggang ngayon, parang gusto pa rin ng agency na magbago iyong isip ng lalaki. Pero kung ako man din iyong agency, ito rin ang gagawin ko. "Yeah, that's the one. Where's the contract? Let me sign it quickly. I want to leave this place as soon as possible," Hindi niya ba gusto ang lugar na 'to? Ang weird lang. May itsura naman siya at mukhang mayaman. Bakit siya kukuha ng babae rito? Wala na ba talaga siyang makita? Iyong mga gan'yang klase ng lalaki, sure na may lumalapit na mga babae. Or... unless bakla siya pero secret lang? Gano'n iyong sa mga palabas, 'di ba? Tinatago nila sa public na bakla sila at para hindi mahalata, kumukuha sila ng kunwaring girlfriend. Pwede ring puro siya red flag at walang tumatagal sa kanya to the point na need niya nang magbayad para lang may tumagal. 'Di bale, para namang wala siyang pakialam kahit na sinong babae ang kuhanin niya. Kahit papaano, medyo nagkakaroon ako ng pag-asa. Okay, kalma. Mukhang pwede pa akong tumagal sa trabaho na ito. "I am done." Umangat ang tingin niya sa akin at bahagyang inusod ang kontrata. "Here, sign this so we can go home already." "O-Okay..." Parang ang bait niya na nakaka-pressure at the same. Cavin pala ang name niya. Ito ang nakalagay sa kontrata. Cavin Martinez. Matapos kong pirmahan ang kontrata, tumayo siya at nilagay ang kamay sa bulsa. "We are done signing the contract. I will get her now. Uh, by the way, I also already completed the payment." "Yes, sir, we just got informed about it. Thank you, and enjoy your time with your wife." Ngumiti silang lahat. Pinagmasdan ko ang ekspresyon noong lalaki, bahagya rin siyang ngumiti bago tumalikod at maglakad palayo. Nagmamadali akong naglakad at sinundan siya. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Sumandal siya sa upuan at huminga nang malalim. "Finally..." Wow... he looked so happy. "Damn. Finally, I have a wife." Nagsimula itong tumawa habang nakatakip sa bibig. Teka, ano ito? Mali ba ang hula ko na bakla siya? Katulad lang din ba siya ng ibang lalaki noong mga nakaraan? Baliw at hayok na magka-asawa? Nang tumigil siya sa pagtawa ay para bang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Napatuwid ako ng upo nang peke siyang umubo. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero nanatili akong nakatingin sa harap. I really suck at making eye contacts... Naalala ko na naman iyong sabi noong last kong customer. Ang creepy ko raw makipag-eye to eye. "What's your name again?" "I-It's Arie, sir..." "Ah, oo nga pala. Arie, hmm... what about honey?" "H-Honey?" Gulat na tanong ko kasabay ng paglunok. "Yeah." Tumango siya. "We are husband and wife now, right? Therefore, we should have a call sign. Honey sounds good. What do you think? Do you have any suggestion?" So, call sign ang gusto niya. Seryoso, paano siya nag-come up sa honey? Ang dami namang mas modern na tawagan like babe o baby. "O-Okay lang naman po iyong honey," "Po? Bakit ka nagpo-po sa akin?" "U-Uh, sorry. Habit lang," "Hmm..." Nilagay niya ang kamay sa baba at matindi akong tinitigan. Napalunok na naman ako. Nakaka-tense siya! "Are you nervous?" Dahan-dahan akong umiling. "Hindi naman." "You are obviously nervous. This isn't your first time, right? If I am not mistaken, marami na raw ang lalaking kumuha sa iyo sabi noong babae kanina," "Oo," Kabado naman talaga ako kahit noong mga nauna pero hindi iyon halata. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-control iyong kaba ko ngayon. Siguro, dahil alam kong ito na ang last chance ko. Kapag nagkamali pa ako, mapapauwi na ako. "Don't be so nervous. It's just me, your husband, right?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ang natural ng pagkakasabi niya noon, para bang mag-asawa talaga kami. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya, tumango at ngumiti. "That's right, you look better with that smile on your face. To celebrate our meeting today... what about having a date? What do you think?" "I think..." Lumaki ang ngiti ko. "That's a good idea." Weirdo siya pero mukhang mabait. Bumaba kami sa isang restaurant na pa-kubo ang style. Ito ang first time ko sa ganitong lugar. Kahit saan ako lumingon, ang ganda at ang expensive ng dating. "Anong gusto mo?" Naglahad siya sa akin ng menu. Pagtingin ko roon ay halos mahilo ako. Wala akong maintindihan! Ang tanging nage-gets ko lang ay iyong mga numero na lagpas isang libo, sigurado ay ito iyong mga presyo ng pagkain.  Sa lahat ng naging customer ko nitong mga nakaraan, siya lang ang nagsama sa akin sa ganitong lugar. Nakakapanibago tuloy. "Tubig lang ako," mahinang sabi ko. "Tubig?" "Libre iyon, 'di ba?" Sinundan ko ito ng mahinang tawa. Bahagya niyang pinilig ang ulo at tumango. "Oo?" "So, ayon nga ang akin..." Umiling siya. "I am not accepting that. Magsabi ka sa akin ng specific na dish." "H-Huh?" "Give me a specific dish, honey." Tinuro niya ang menu. Honey... Napakagat ako sa labi ko at saka muling tiningnan ang menu. Hinanap ko iyong pinakamura at saka sinabi sa kanya. Nang makapag-order na siya, nagkatitigan kaming dalawa. Dahil sa ako ang naunang makaramdam ng awkwardness, nilayo ko ang tingin ko. Napansin niya kayang ang pangit kong katitigan? Sana naman ay hindi. Pagdating noong pagkain, inalok niya ako kung gusto ko raw bang tikman ang kanya pero nakangiti ko iyong ni-refuse. Inalok ko rin siya tulad ng ginawa niya pero nag-refuse din siya. "Can I ask you a question?" Umangat ang tingin ko sa kanya at tumango. "Yes, sir." "Sir?" "Uh, I mean, honey." Alanganin akong ngumiti habang nilalapit iyong meatball sa akin para hiwain ko. "Paano ka napunta sa ganitong–" "Uh..." Biglang lumipad iyong meatball paghiwa ko. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mahulog sa sahig. Pati ibang tao ay napatingin doon at naglipatan ang tingin sa akin.  Shit. Ito na naman. Mabilis akong tumayo at akmang kukuhanin iyong nahulog na meatball pero pinigilan ako noong isang staff. Siya iyong kumuha ng nahulog na pagkain, tanging ngiti lang ang binigay niya sa akin. Napayuko ako sa kahihiyan at hindi makatingin ng diretso sa kausap ko. It happened again... Nagsisimula na naman ang kamalasan ko. "S-Sorry, hindi ko sinasadya. A-Ano, i-iyo na lang itong pagkain ko kung gusto mo o kaya hayaan mo na lang d'yan. H-Hindi rin naman ako gutom kaya–" "Hey, honey. Tingin dito," "H-Huh?" Ayokong tumingin. Sa totoo lang, ayokong gumalaw. Baka may mangyari na namang kung ano. Anumang oras, pwede niya nang mapatunayan iyong sinasabi ng agency about sa akin. "I said look at me," "B-Bakit?" Wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa baba ko. Unti-unti niyang inangat ang tingin ko at sinalubong ako ng ngiti. "What's with that flying meatball of yours? It looks funny." Mahina siyang tumawa. "Eat up, honey. I don't want you to starve, alright?" Funny? Hindi ba nakakahiya iyon? "I-Is it really okay?" "What is okay?" Nagtataka niyang tanong nang makabalik sa pagkakaupo. "Natapon ko iyong meatball, sa ganitong klase pa ng kainan," "So, what?" Nagkibit-balikat siya. "That's normal, we all make mistakes." "Hindi gano'n. Simpleng pagkain lang ito, hindi ba para akong walang manner? Kakain na lang pero–" "I used to make that mistake when I was younger. Lagi akong tinatawanan ng papa ko," nakangiting aniya. He's really weird... "T-Thank you, si– honey," Umawang ang labi niya ngunit napangiti rin. "No worries." Noong makatapos kaming kumain, bumalik kami sa kotse niya. Ang sabi niya ay dadalhin niya na raw ako sa bahay niya. Roon kami mag-uusap kung anong mangyayari sa amin sa buong kontrata. Nagsisimula na akong ma-curious sa rason niya. As of now, wala pa namang signs na bakla siya. Wala rin namang problema sa ugali niya, hindi siya red flag. Sa totoo lang, amoy green na green nga siya. "Banggitin ko lang pala," Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang bigla siyang magsalita. Tiningnan ko siya at kinunutan ng noo. "Ano iyon?" "Wala kang dapat na ikabahala kapag magkasama na tayo sa bahay," "Ikabahala?" Tumango siya. "Alam mo na, iyong paggawa ng mga bagay na para talaga sa mag-asawa. Pwede iyon sa contract, 'di ba?" "Uh, oo. Naranasan ko nang mahalikan at matulog na may kasamang lalaki sa iisang kwarto kaya wala namang problema sa akin iyon. P-Pero hindi ko pa nagagawa iyong ano, uh, s-sex..." "Don't worry, we won't be sleeping together. Wala rin akong balak na halikan ka o hawakan sa kahit anong parte ng katawan mo," Eh? So, tama ako na bakla siya? Napaiwas ako ng tingin. "Okay, understood." "Hindi ako bakla, ha..." Mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya habang nanlalaki ang mata. "P-Paano mo nalaman?" Bumuntong-hininga siya. "You are so easy to read." "Pero seryoso? Hindi ka bakla?" "Hindi nga." Umiling siya. "Kung hindi ka bakla, eh ano?" Niluwagan niya ang necktie ng suit niya at bago tumingin sa akin. "Wala akong interes sa kahit kaninong babae." "Bakit ka nag-rent? Para saan ako? Gusto mo lang bang magsayang ng pera? Baka naman kasambahay ang kailangan mo..." If gano'n, mukhang mapapalayas pala talaga ako. Nararamdaman ko na ang mga kapalpakan ko. Hindi pa man ako nakakatungtong sa bahay niya pero alam ko nang aalis din ako roon. Ano ba namang buhay ang mayroon ako... "I am not requiring you to do household chores either," "What?!" "Do you know why I didn't listen to what that agency is trying to say about you?" Ngumiti siya at tumingin sa harap ng kotse. "It's because I don't really care. The only thing that I need, which is you have to do, is to be my wife. That's it." Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Wala pa akong alam sa kung ano iyong totoong reason niya pero... itong lalaki na ito, si Cavin Martinez... ay isang jackpot para sa akin. Hulog ng langit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook