Chapter 02

2401 Words
Hindi naman malaki ang bahay niya pero hindi rin maliit. Sakto lang para sa isa hanggang tatlong tao ang bahay na ito. Kahit na ganoon, elegante pa rin tingnan mula sa labas. Doon pa lang, alam mo na may class ang nakatira rito. Feeling ko tuloy, hindi pwede ang person na tulad ko sa bahay na 'to. May garahe kaya siya na pwede kong tuluyan? "Come in, don't be shy. From now on to the end of our contract, treat this house as your home, alright?" Maamong wika niya at bago lakihan ang pagkakabukas ng pinto. Tumango ako. "Y-Yes." "Ito ang sala, narito rin ang TV. Kapag wala ako, pwedeng dito ka tumambay para manood." Tinuro niya iyong sofa at katapat na TV. Wow... parang mas malaki pa sa akin pa sa akin iyong TV niya. Ganito pala ang itsura ng flat screen sa harapan. Buong buhay ko ay iyong box na TV lang ang nalalapitan ko ng katulad nito. "Iyong kusina naman ay nandoon." Tinuro niya ang isang diretsong daan na may pinto sa dulo. "Pagbukas mo ng pinto na iyon, kusina na ang labas mo. Uh, well, hindi mo na naman na kakailanganing pumunta roon. Ako na ang bahala sa pagkain natin pati mga hugasin." "Okay." Sinabayan ko ito ng pagtango. Wala rin naman talaga akong balak na magpunta sa kusina niya kahit na hindi niya sabihin iyon. Baka mamaya ay mabasag ko lang ang lahat ng pinggan niya tulad ng nagawa ko sa pangalawa kong customer. "Iyong CR naman, iyon iyong pinto bago ang kusina, tapos..." Nagsimula siyang maglakad. "Sunod ka rito. Itututo ko ang kwarto mo." Naglakad din ako pasunod sa kanya tulad ng sabi niya. Sa opposite way ng papunta sa kusina ang daan namin. Isang diretsong daan din at pagdating sa gitna ay may magkaharap na pinto. "Iyan ang kwarto mo." Turo niya sa pintong nasa tabi ko. "Ito naman ang sa akin." Tinuro niya naman ang nasa tabi niya. "Uh, tanong lang..." "Ano iyon?" "Para saan naman iyon?" Tinuro ko iyong pinto na nasa dulo. "Bodega ba?" Umiling siya at kumamot sa ulo. "For emergency iyan." "Emergency?" Nagtatakang tanong ko. "Ang sabi ko kanina, hindi mo naman kailangang tumabi sa akin sa higaan, 'di ba?" "Oo..." Iyon nga pagkakatanda ko. Alanganin siyang ngumiti. "Well, may times na kailangan pala... at iyong kwarto ang gagamitin natin." Tinuro niya ang pinto na nasa dulo. "Naka-prepare sa kwarto na iyon ang lahat ng bagay na kailangan natin para magmukhang couple talaga." "Pwede ko bang malaman kung kailan iyong times na magtatabi tayo?" "Iyon nga ang pag-uusapan natin, connected ito sa reason ko sa pag-rent sa iyo. Pero bago iyon, baka gusto mong mag-ayos muna ng gamit at magpalit?" "Uh, oo nga!" Muntik nang mawala sa isip ko ang bagay na iyon. "Magpahinga ka na rin muna. Mamayang gabi tayo mag-usap pagkatapos kumain ng dinner." Tumango ako. "By the way, you can open that door now. Bukas iyan. Pwede mong i-lock mula sa loob kung gusto mo, or kakatok naman ako once na may need ako sa iyo." "Okay, thank you." Tumalikod ako sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko. "Wait," Humarap muli ako sa kanya. "B-Bakit?" "Kapag may kailangan ka, 'wag kang mahiyang magsabi. Katok ka lang din sa kwarto ko," Napangiti ako at tumango. "Yes, si– honey." "Alright. See you later, h-honey." Nag-iwas siya ng tingin bago bitiwan ang braso ko. Nang makapasok sa kwarto, hindi ko maiwasang mapabungisngis. Kahit na siya ang nag-propose ng idea na iyon, mukhang nao-awkward-an din siya. Binuhat ko muna ang dalawang bag ko at dinala sa kama. Pagdating namin dito, nasa harap na ito ng bahay ni Cavin. Ito iyong mga personal na gamit na dala ko. Ang agency ang nagdadala nito tuwing may kontrata na nangyayari, pero may mga cases na hindi ito kailangan katulad noong third customer ko. Siya ang bumili ng lahat ng kailangan ko, pero hindi ko masasabing thankful ako roon. After all, iyong mga binili niya sa akin ay puro maiikli at uncomfortable na damit. Sa totoo lang, nakakapagtaka na sa dami ng naging customer ko, virgin pa rin ako hanggang ngayon. Siguro dahil sa kamalasan na pinakita ko, natakot sila na baka kapag ginawa namin "iyon" ay kung anong kapalpakan ang mangyari. Nang matapos kong ilagay sa cabinet ang mga gamit ko, naupo sa kama at hiniga ang kalahati ng katawan ko. Ini-spread ko ang mga kamay ko sa kama at tinitigan ang kisame. Ang lambot ng kama. Palagi sigurong masarap ang tulog niya. Mukhang mag-isa lang din siya rito. Wala naman siyang binanggit na kahit anong pangalan kanina na iba pang nakatira. Lahat din ng kwarto ay nabanggit niya na at wala naman siyang sinabing iba na naroon. So... kaming dalawa lang dito? Niyakap ko nang mahigpit ang unan at tumagilid ng higa. Hindi lang malambot kung hindi mabango rin dito. Mabait na customer, magandang tirahan, malambot na kama, mabangong paligid... ano pa bang hihilingin ko? Ang perfect ng trabaho na ito. Parang too good to be true. Sa sobrang tuwa at pag-iisip, hindi ko namalayang nakatulog na ako. Noong imulat ko ang mata ko, wala ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Medyo madilim na rin ang paligid. Kinusot ko ang mga mata ko at humikab. Nag-unat ako bago tuluyang makatayo. Ano na ba ang oras? Ang sabi ni Cavin, gabi raw kami mag-uusap after ng dinner. Mag-aala singko pa lang pala. Akala ko naman ay nasa ala sais na ang oras. Lumapit ako sa bintana para silipin kung lubog na ba ang araw. Noong makita kong wala na halos, lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Cavin sa sala na nakaupo sa sofa. Hindi nakabukas ang TV, nagbabasa lang siya ng libro habang may hawak na tasa sa isang kamay niya. Naramdaman niya yata ang presensya ko dahil sa pag-angat ng tingin niya sa akin. Ngumiti siya. Binaba niya ang libro at tasang hawak. "Are you gonna watch the TV?" Akmang kukuhanin niya ang remote pero mabilis akong umiling. "H-Hindi ako manonood!" Pigil ko. Nagtataka siyang lumingon sa akin. "Hmm?" "Wala akong balak na manood." Umikot ako sa sofa at naupo. "Pumunta lang ako rito para kung sakaling may maitutulong ako sa iyo. Ayaw ko rin kasi ng nakukulong sa kwarto, hindi ako sanay. A-Actually..." Napakamot ako sa batok ko at ngumiti. "Wala akong kinalakihang kwarto kaya medyo naiilang ako kapag walang kasama sa isang closed room." Nagkaroon ng katihimikan sa pagitan namin. Ilang segundo akong naghintay ng sagot niya pero nakatitig lang siya sa akin. Napayuko ako at kinagat ang labi ko. "Uh, sorry! May nasabi ba akong mali?" Nag-aalalang tanong ko. Inangat ko ang tingin sa kanya. Unti-unti siyang umiling kasabay ng pagbalik ng ngiti niya. "Wala naman. Medyo nag-aalala lang ako." "Bakit? May problema ba?" "Ang sabi mo kasi, hindi ka sanay na walang kasama. Eh actually, nagtatrabaho ako kapag araw. Linggo lang ako narito sa bahay. Though may times na umaalis din ako kahit Linggo," Hindi ko naisip iyon, tiyak na nagtatrabaho nga siya. Mali pala ako kanina sa naisip na dalawa lang kami rito. Mukhang ako lang pala mag-isa kadalasan. "Pero 'wag ka masyadong mag-alala, tuwing gabi naman umuuwi ako. Around 7 pm, nandito na ako sa bahay," Ngumiti ako. "Okay lang naman. Sanay rin akong mag-isa sa bahay. Ang ibig ko lang sabihin kanina ay ayokong nasa kwarto. Okay na ako sa ganitong nasa sala." Pagkasabi noon ay tila napanatag na siya. Napasandal siya sa sofa at tumango. "That's good, then. Sa tanghali naman, mag-iiwan ako ng pagkain mo rito. Kapag hindi ako nakapag-iwan ng pagkain, mag-iiwan ako ng pera. Ikaw na ang bahala kung gusto mong magluto or um-order na lang." Syempre, roon ako sa order. Hindi ko gugustuhing mapaalis dito dahil lang sa gusto kong magluto. "'Tsaka tulad nga ng sabi ko, hindi ka required gumawa rito ng kahit ano. Isipin mo na lang na nasa bakasyon ka. But well, may mga times pa rin na kailangan kita. 'Tsaka once in a week, magpa-practice din tayo kung paano magiging real life couple. Expect na tuwing Linggo iyon," dagdag niya sa sinabi. Tumango ako habang diretso ang tingin sa kanya. "Noted." Based sa mga sinasabi niya, gusto niyang magmukhang mag-asawa talaga kami. I wonder, para saan? May pagseselosin kaya siya? Teka... oo nga, 'no? Bakit hindi ko iyon naisip agad kanina? Iyon ang sagot sa tanong ko. Tiyak na may pagseselosin siya. Ito rin ang tiyak na dahilan kung bakit may hinanda siyang kwarto para sa amin... if ever na magpunta rito ang pagseselosin niya. Unti-unti, naso-solve ko na ang lalaking ito. Feeling ko, nagpunta talaga ako rito para maging detective imbis na maging asawa. "Anyway..." Tumayo siya at nag-unat ng braso. "Lalabas muna ako para bumili ng lulutuing pagkain natin mamaya. Gusto mo bang sumama or dito ka na lang?" "S-Sama ako!" Mabilis akong tumayo. "Okay, pero hindi ka naman require–" "Practice na rin ito para maging real life couple tayo, 'di ba?" Pagputol ko sa kanya. Umawang ang labi niya hanggang sa napatango at napangiti siya. "Yeah, you're right. Let's go, honey?" Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Napalunok ako at tumango. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinigpitan niya naman ang pagkakahawak. "T-Tara." Mahinang aniko. Ang lambot ng kamay niya... Hindi naman kami nagtagal sa pamimili ng mga ingredients. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Iniwasan ko ang paghawak sa kahit ano at paglapit sa mga bagay-bagay. Lagi akong nagpapanatili ng distansya para masigurong walang mangyayaring masama. Ayokong mag-cause ulit ng kahihiyan kay Cavin. "Wala ka namang gustong ipa-add sa mga binili nating 'to?" Umiling ako. "Wala naman." Pagkatapos niyang magbayad sa counter, dinala niya iyong mga pinamili namin at naglakad palabas ng supermarket. Gusto ko man siyang tulungan magbuhat ng mga pinamili, natatakot akong malagot iyong plastic once na hinawakan ko ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa parking lot. Noong malapit na kami sa kotse, may biglang mga batang tumatakbo nang mabilis ang lumitaw at sumagi sa akin dahilan para ma-out of balance ako at madapa. "Gagi, sorry po, ate!" Sigaw nila habang papalayo sila sa amin. Ang sakit... naka-short pa man din ako kaya mismong balat ng tuhod iyong tumama sa lupa. "A-Arie! Ayos ka lang ba?" Binaba ni Cavin ang mga pinamili namin at dinaluhan ako. Marahan niyang inalis ang kamay kong nasa tuhod para makita ang nangyari. "May sugat ka." "S-Sorry!" Yumuko ako at bahagyang lumayo sa kanya. "Sorry for what? Kasalanan iyon noong mga bata. Hinahabol na naman siguro ang mga iyon ng DSWD," "H-Hindi naman nila kasalanan." Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. "Hindi rin kasi ako nag-iingat sa daan kaya ayon." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Dulot na naman ito ng kamalasan ko. Ginagawa ko na ang lahat para maging maingat pero sadyang ayaw ako layuan. Nakakagigil! "T-Tara na sa bahay, honey?" Pag-aya ko sa kanya para maiba na ang usapan. "Uh, yeah." Akmang uuna na ako sa paglakad pero hinawakan niya ang kamay ko at saka kami nagpatuloy. "This is much better. Sorry for not holding your hand earlier." "A-Ano ka ba? Ayos lang iyon!" Hindi ko namalayang nakangiti na naman pala ako. Pagdating namin sa bahay, binitiwan niya na ako. "Sa kwarto muna ako," Tumango lang naman siya at tumalikod sa akin. Papunta siya roon sa kusina. Tulad niya, umalis na rin ako at dumiretso sa kwarto ko. Nahiga muna ulit ako. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text sana si nanay na nakakuha ako ng trabaho pero naalala ko iyong mga nakaraang palpak na contract. Baka nadi-disappoint na sila sa akin. Siguro nga, nawalan na sila ng pag-asa. Hindi ko na lang muna sasabihin na may customer na ako hangga't hindi pa ako nakakakuha ng sweldo. "Honey?" Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko. Napatayo ako sa pagkakahiga at mabilis na nagpunta sa pinto para buksan iyon. "B-Bakit?" Bumungad sa akin si Cavin. "Kailangan mo ba ng help sa pagluluto?" Sana, 'wag, please. Kung hindi lang sana ako malas... "Can I come in?" "Uh, sure." Napausad ako at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Sinundan ko siya ng tingin habang papasok. May dala-dala siyang puting box. "Upo ka sa kama," aniya. "Bakit?" "I'll clean your wound," "Huh? 'Wag na!" Umiling-iling ako. "Hindi naman ito malala kaya–" Tinuro niya ang edge ng kama. "Just sit there, miss." Miss?! Bakit hindi honey? Galit ba siya sa akin? "Okay." Mahinang sagot ko at naupo tulad ng sabi niya. Binuksan niya iyong box at nilabas ang alcohol pati na bulak. "Does this hurt you?" Aniya habang nilalagyan ng alcohol ang sugat ko. "A bit..." "Sorry," Umiling ako. "Kasalanan ko." "It's my fault. I should be looking at you to avoid situations like this," Bakit siya gan'yan? Inaako niya iyong katangahan ko. "A-Asawa mo ako, 'di naman anak," Napahinto siya sa ginagawa at napatingin sa akin. Ilang saglit pa at ngumiti siya. "Yeah." He looks really nice, though. Matapos iyon, nilagyan niya ng bandage ang sugat. May smiley face iyong bandage, ang cute. Tumayo siya habang dala ang box. "It's done. I will now cook our food, just wait here. I'll call you when it's time to eat." "Alright. Thank you for cleaning my wound," "You are welcome," Lumabas siya ng kwarto ngunit wala pang tatlong segundo ay lumabas din ako para sundan siya. "W-Wait!" Huminto siya sa paglakad. Lumapit ako sa kanya at huminto rin nang may ilang pagitan na lang ang distansya namin. "Yes, honey?" Nanatili siyang nakatalikod sa akin. "B-Bakit..." "Hmm?" Napahawak ako sa laylayan ng damit ko habang nakayuko. "Bakit ka gan'yan?" "What do you mean?" "Parang ikaw pa iyong nagse-serve sa akin, which is trabaho ko iyon. Ako dapat iyong umaasikaso sa iyo, pero naging baliktad tayo. Feeling ko tuloy ikaw pa iyong ni-rent ko... kahit na wala naman talaga akong pambayad kung sakali man," "Isn't that normal?" "Hindi iyon normal. Ako iyong ni-rent mo, eh, ako dapat iyong–" "I thought I have made it clear. We are husband and wife, right?" "Alam ko, pero–" "If I am not mistaken, it is normal for a husband to serve his wife. Since you are my wife, I am just doing what is normal." Humarap siya sa akin at malumanay na ngumiti. "Right, honey?" Naiwang nakaawang nang bahagya ang labi ko sa ere. Napatango na lang ako bilang pagsagot sa kanya. He is weird... really weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD