bc

S.M.S Book 3 (Kumusta)

book_age16+
53
FOLLOW
1K
READ
confident
inspirational
single mother
tragedy
comedy
bxg
another world
friendship
faceslapping
sassy
like
intro-logo
Blurb

Masyado nang madrama ang buhay nila Stellar at Sierra and its up to Mystina para buhayin ang kanilang natutulog na mga sistema.

Hindi uso sa bunsong kapatid ni Stellar ang bad vibes at negativity. Dapat laging positive at happy lamang. Kahit ano pang itapon sa iyo ng buhay siguraduhin mong may ngiti ka sa labi habang inuulan ka ng problema.

After all, masosolve ba ng kadramahan ang mga sakit sa pag-ibig? Hindi diba? At iyan ang alam na alam ni Mystina kaya minabuti nyang yayain ang kanyang kapatid at best friend paalis ng may sa malas atang Mental Hospital at pumasok sila sa isang restaurant para makapagpractice ng kanilang hospitality skills bago sumabak sa endgame ni Mystina.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Malapit na tayo sa bahay! Gising!”             Tiningnan ni Mystina ang labas ng bintana at nakitang malapit na sila sa Barangka Drive. Napalingon sya kay Sierra at sinapo nya ang mga pisngi nito.             “Ay, blush-on pala, akala ko nasampal ka...” inosente nyang puna dito.             Naningkit ang mga mata ng petite nyang best friend at bigla sya nitong sinakal.             Pinagtitinginan sila ng ibang pasahero pero wala silang pakialam. Ang ate Stellar naman nya ay mukhang nakangiti pa sa sarili at pakanta-kanta pa.             Nakapasa ang dalawang ito sa licensure test ng mga doctors. Ang dalawang babaeng katabi nya ngayon ay mga certified Doktora na. Si Sierra ay isang Physician at si Stellar ay isa nang Psychiatrist.             Syempre hindi din papahuli ang lola mo. Si Mystina ay isa nang certified Sous Chef at specialization nya ay pastries. Nakuha na din nila ang mga National Certificates nila. May N.C si Sierra sa Housekeeping samantalang silang dalawa naman ng ate Stellar nya ay N.C sa Commercial cooking.             After four years of hard work and labor sa mental at sa pag-aaral ay natapos na din nila ang kanilang educational careers. You can say that the three of them are in the peak of their professions.             Pero syempre mga baliw sila kaya masakit man sa kanilang loob ay nagpaalam na sila sa mental hospital. Sa loob ng apat na taon ay madami ding nangyari sa bahay ni Sisa. Na-heartbroken ang ate nya samantalang minulto naman ng nakaraan ang best friend nya. Medyo boring nga lang kasi parang hindi sa mental hospital ang appointment ng kanyang prince charming kaya hindi sya nakaranas umibig doon.             Pero deep inside her pure, innocent and virgin heart, alam ni Mystina na ang tanging sinisigaw ng kanyang puso ay iisang word lamang...             “Ay *(insert the preferred name of the male s*x organ of choice here)*!” malakas nyang sigaw ng biglang prumeno ang bus.             Nagpara na pala si Stellar dahil nndito na sila.             “Yang bibig mo Mystina ha?! Pakihugasan! Ang dumi!” galit na sita sa kanya ng ate Stellar nya ng sabay sabay na silang maupo sa sofa ng kanilang maliit na apartment.             Tumayo si Sierra sa harap nilang magkapatid, “To tell you the truth girls. Niyayakag ako ng mga kapatid ko, hipag at mga pamangkin na mag-migrate na sa New York ngayong tapos na ako sa pag-aaral. Join kayo?” tanong nito sa kanila.             Nagkatinginan silang magkapatid. Alam ni Stellar na gustong-gusto ni Mystina na makapagtrabaho sa cruise ship. Kahit din naman si Stellar ay gusto din. Matagal na nilang pangarap iyon, hindi pa man sila nagraduate ng college.             “Libre ang asikaso lahat ng papers. Madali tayong makakakuha ng visa dahil firstly, may pamilya na ako doon. Ako ang guarantor nyo. Second, mayaman kayo. May maipapakita kayong show money. Madali lang makahanap ng work doon. Mag-wowork tayo sa kompanya ng pamilya ko,” paninigurado nito sa kanila.             “Ako ha... for me lang... my own opinion ok? Ayaw ko sa New York. Choosy na ako fine. Pero gusto ko talagang mag-work sa cruise ship. Bukod sa malaki na ang sweldo, naikot ka pa sa mundo. Pangarap ko yon nung first year college pa lang ako,” sabi ni Mystina kay Sierra na nakakunot ang noo, “Kukuha lang ako ng experience dito at mag-iipon ng perang pang placement fee.”             “Cruise ship din ang gusto ko. Kahit dishwasher lang masaya na ako. Bagong experience din kasi at makakasakay ka pa sa magandang barko,” tugon ng ate nya kay Sierra.             Tinaas naman nito ang dalawang kamay, “Fine. Suko na ako. Medyo o.k din yang pangarap nyo ha. Medyo madaling abutin. Join ako!” masaya nitong sabi.             “Kunsabagay pwede ka. Magagamit mo yang N.C mo sa barko. So it’s decided then?” tanong nya sa dalawa nyang kasama.             “Ok!” sagot ng dalawa kay Mystina.             Ngumiti naman sya sa mga ito at tumango, “Great. Now we have to find a job where we can be a kitchen staff or waitress. Kailangan at least six months experience,” paliwanag nya sa mga ito, “I heard meron sa EDSA na opening. Gusto nyo i-try bukas?”             “Sure, hindi naman tayo kakain dito ng wala tayong pera,” wika ni Sierra.             Ang kagandahan sa kanilang tatlo ay hanggat maari ay hindi sila naasa masyado sa kani-kanilang magulang. Dumating nga sila sa point na tutubuan na sila ng kaliskis kakakain ng isda dahil wala na silang pambiling karne.             Ngayong wala na silang trabaho, dapat silang matakot dahil tatarak ang mga mata nilang tatlo dahil wala nang makain. They know how to earn their own money and don’t waste a single cent of it.             “Tulog na tayo, maaga dapat tayo bukas,” akit ni Stellar sabay deretso sa kwarto.             Nagkatinginan lang silang dalawa ni Sierra. Nagtataka sila at biglang nagkaroon ng energy ulit pagka-resign nila sa mental. Malamang ay dahil wala nang nakakapagpaalala dito ng malungkot nitong nakaraan sa ospital...             Pero para sa kanya... Kailangan talaga nyang mag-work para kumita at makasakay ng curise ship. Madami pa syang pangarap sa buhay nilang tatlo kaya dapat work muna ang ganda nya. Di baleng hagas, maganda na naman sya... -0-             Hawak ang isang bilog na tray at nakangiti ng wagas at dalisay ay tumayo si Mystina sa pwesto nito sa tapat ng counter kung saan si Lily isang regular ang tumatao. Ang ate Stellar nya ay nasa kitchen at nakatoka sa dishwashing duties. Si Sierra naman ay isa ding waitress tulad nya.             O.k na din ang suot nilang black slacks and shoes, white polo-shirt at buhok na naka hairnet. Pulbo lang at lipgloss ang make-up nila.             “Hindi parin ako kampante sa sarili ko Mystina, first time kong magwe-waitress,” kabang sabi nito sa kanya.             “Nakapag-saleslady ka na diba?” tanong nya dito.             Tumango ito, “Oo, pero magkaiba ito at yung ukay-ukay na napagtrabahuhan ko,”             “Pareho lang yan! Absolute customer satisfaction while increasing the sales ang kailangan mong isipin. Ang pinagkaiba lang ay pagkain ang ibebenta mo at hindi ukay-ukay,”             Natuwa naman si Mystina ng may pumasok na customer at umupo sa table, “Watch me Sierra,” sabi nya dito at nilapitan nya ang customer.             “Good Morning po! Welcome to Café Hellesia. Ano po ang order nila?” magiliw nyang tanong dito.             Mukha namang nagulat sa kanya ang binatang nalaman nyang nagwo-work sa call center. Nalaman nya iyon dahil pwede nang ipa-lipo ang eyebags nito sa laki at mukhang wala nang pag-asang pumuti kahit turukan ng glutathione. Gwapo ito pero masyadong payat para sa kanyang standards. Sayang... well better luck next time...             Tumitig ito sa kanya na parang hindi makapaniwala.             “Sir pag tinitigan nyo pa ako ng ganyan baka ma-inlove na ako sa inyo!” biro nya dito.             Napatawa naman ito at napailing na lang sa kanya, “One brewed coffee and a slice of chocolate cake,”              “Why don’t you try our spicy pasta explosion sir? I’m sure mabubusog na kayo, hindi pa kayo aantukin!”  masayang alok nya dito.             “Baka naman hindi na ako maka-imik sa work ko pag kumain ako ng spicy pasta?”             Umiling naman agad sya, “No sir! Kaya nga po may chocolate kayo diba? Pagkatapos nyo sa isang mahalang na pagkain may naghihintay na matamis na cake para sa mainit ninyong dila!”             “Well all right. I’ll take that pasta too,” sagot nito.             Napangiti naman sya sa tuwa, “That’s one brewed coffee, a slice of chocolate cake and an order of spicy pasta explosion coming right up!” sabi nya dito pagkaulit nya sa sinulat nyang order nito sa sticky notes at ibinigay iyon kay Lily.             Nilingon nya si Sierra, “See? Ang dali lang! Pero syempre hindi lahat ng customer ay kasing bait nya. Merong ibang papaikot-ikutin ka bago ka tadyakan pag hilo ka na! Be careful! Tawagin mo lang ako pag may na-encounter ka agad na ganoon. Ako ang sasalo ng init ng ulo nila at sila ang papaikutin ko instead!” paalala nya dito.             “Sige... ay ayan may isa na naman! Wish me luck!” sabi nito sa kanya sabay assist sa customer na babae na umupo sa sulok ng café.             “She’s a natural like you Mystina. Look at that smile,” hangang wika sa kanya ni Lily sabay turo kay Sierra na napangiti ang babaeng parang kalaban lahat nang nag-eexist maliban dito.             “Well former nurse yan at saleslady sa ukay-ukay kaya siguradong kahit ayaw nya ay automatic na peaceful and caring smile ang ipapakita ng mga labi nyan. Kahit mga baliw na nagwawala ay natahimik pag ngumiti na yan,” proud nyang sabi dito.             “Eto na ang order ni Ma’am,” sabi nito kay Lily sabay abot ng papel dito, “Akala ko igigisa ako ng buhay! Parang kaka-break lang sa jowa! Katakot kaya nginitian ko na lang!”             Tinapik nya ito ni Mystina sa balikat bago kinuha ang order ng customer nya, “You did great! Always smile like that! Smile to the customers who have problems. Smile to the customers who are problems themselves,” payo nya dito sabay balik sa kanyang first customer.             “Sir eto na po ang order nyo! One brewed coffee, a slice of chocolate cake and an order of spicy pasta explosion piping hot! Well except for the chocolate cake!” masayang sabi nya dito ng mailagay nya sa table nito ang pagkain, “Call me sir if you’re done! Enjoy your breakfast!”             Nang makabalik si Mystina sa counter ay nakita nya si Sierra na nakikipagtawanan sa kanina’y imbyernang customer ng mai-serve na nito ang pagkain.             Mukhang malilibang siya sa trabaho nya dito. Kahit two hundred eighty lang ang sweldo nila, libre pagkain naman at may transportation allowance pa. Tiis tiis lang at ang habol lang talaga nila dito ay experience.             Maya-maya pa ay napansin nyang kumakaway na ang kanyang customer na mabilis naman nyang nilapitan, “Sir ok na po? Nagising naman kayo?” alalang tanong nya dito. After all she have to look for the customer’s satisfaction rating.             Ngumiti ito at ngumisi sa kanya, “Yeah. That was great,” masaya nitong sagot sa kanya.             Ibinigay dito ni Mystina ang receipt at binayaran sya nito in cash, may tip pang one hundred pesos na agad nyang ibinulsa. Paghahatian nilang tatlo lahat ng makukuha nilang pera.             “Thank you sir, please come again!” masayang paalam nya dito.             “Sure. Can I know your name?”             Tinuro nya ang kanyang shining, shimerring, splendid na bagong nameplate, “Minay po Sir!” -0-             Maganda ang unang maghapon nila sa Café Hellesia. Mataas ang sales at ang customer satisfaction. Naka seven hundred pa silang tip ni Sierra na dinivide naman nila sa tatlo para fair kay Stellar na nagpapakahirap sa pagdadayag.             Maganda ang umaga nila kinabukasan at bumalik ang mga customer nila maghapon. Medyo nagka-aberya lang ng bandang closing na ng café. Isang grupo ng limang young businessmen ang pumasok sa café at umupo sa sulok.             “Mystina pwedeng ikaw na ang umasikaso sa kanila. Gusto ko mang umeksena eh kulang naman ako sa ganda,” pakiusap sa kanya ni Sierra.             Huminga siya ng malalim at ipinatsi ang kanyang “Quality Service Guaranteed” trademark smile at humarap sa mga fafaness.             Wala syang itulak kabigin sa mga ito. Lahat ay mga guwapo at artistahin. On top of that mga negosyo at stocks ang topic ng mga ito. Halatang mayayaman ang mga kuya.             Pero wala syang matipuhan sa mga ito. Meron silang “playboy” aura na sinasabi ni Stellar. Kaya iniwas nya ang magkaron ng matagal na eye contact sa mga ito ng abalahin nya ang mga ito sa pag-uusap.             “Good Afternoon sir! Welcome to Café Hellesia. Ano po ang order nila?” magiliw na tanong nya sa mga ito.             “Miss magkano ka ba?!” aroganteng tanong ng isa sa mga ito.             Nagpantig ang mga tainga nya pero hindi nya pinahalata ang pagkainis. Sa halip ay tumawa sya na parang nakakinig sya ng joke... Corny na joke, “I’m not for sale sir. Can I have your order now sirs? Coffee, juice or anything?” alok nya sa mga ito na ngayon ay nakatitig na lahat sa kanya.             “Name your price,” untag ni kulot sa kanya.             Huminga sya ng malalim at ipinagpatuloy ang pag ngiti, “I don’t have a price sir because I’m not for sale. Can I have your order now sirs?” ulit nyang tanong sa mga ito.             Smile... though your smile is breaking...             Kumanta na lamang sya sa kanyang isip ng kahit papaano ay makalma sya.             “Don’t play hard to get. Just name your price. You’re wasting my time,”             Aba! Sya pa talaga ngayon ang may kasalanan kung bakit nauubos ang oras nito sa kabastusan? Letsugas na ito. Kung hindi lang ito customers ay matagal na nya itong hinampas ng tray na dala nya.             “I will return after you are ready to make you’re order sirs,” magalang na sabi nya sa mga ito na nakangiti parin.             Dapat ma-awardan sya sa tindi ng dikit ng ngiti sa mga labi nya.             Tatalikod na sya ng may isang umimik. Mabuti at hindi si kulot, “I want lemonade and chocolate éclairs. These four men will have scotch on the rocks and please bring some ashtrays if you’ll ever be so kind,” magalang nitong sabi sa kanya.             Mabilis namang sinulat ni Mystina ang order nito, “One order of lemonade and chocolate éclairs. Four scotch on the rocks and ashtrays coming right up!”             Yun lang at tumalikod na sya sa mga ito.             Mabilis nyang binigay kay Lily ang order ng mga ito at dumeretso sya sa locker room ng staff.             Doon sya naglabas ng ngitngit.             “Kakaimbyerna! Tama si Psy! Hindi lahat ng naka coat and tie ay marunong gumalang, lalo na sa mga babae! Gentlemen! Hmph!” sabi nya sa sarili.             “Yung mga yun ang dahilan kung bakit nag-resign ang mga waitresses namin dito. Actually, wala saming nagtatagal ng one month. It’s either nagpapabayad sila or iniiwasan nila ang mga ito kaya nawawala ang mga waitresses namin...”             “Ay kabayo! Ginulat mo naman ako Jane!” sabi nya sa babae na bigla na lang sumulpot at umimik sa tabi nya. Kitchen staff ito at madalas kakwentuhan ng ate nya.             Ngumiti lang ito sa kanya sabay naglakad pabalik sa kitchen, “Sorry. Ready na pala yung order ng mga p*****t na iyon. Good luck sa iyo,”             Bumuntong-hininga na lamang si Mystina at pinatsi ulit ang kanyang trademark smile at kinuha ang order ng mga dirty young men sa counter at dinala sa table ng mga ito.             “That’s one order of lemonade and chocolate éclairs. Four scotch on the rocks and ashtrays. Enjoy your food and drinks sirs!” maligayang sabi sa mga ito, “Kabagin sana kayo ng isang linggo ng umalingasaw yang baho nyo!” sangat niya sa isip niya bago niya talikuran ang mga ito.             Nakahinga sya ng maluwag ng makabalik sa counter kung saan nakatingin sa kanya si Lily.             “Pasensya ka na Minay. Siguro ayaw sabihin ng manager ang tungkol sa sa mga customers na ganyan para hindi kayo tumanggi sa trabaho. Pero sila talaga ang dahilan kaya wala kaming natagal na waitresses dito sa Café Hellesias,” malungkot na paumanhin nito sa kanya.             “Hay. Nasabi nga ni Jane! Grabe! Tanungin ba naman kung magkano ang katawan ko?! Ang lagi kaya ng halaga ko?! First yung price ng surrogacy, mga pagkain na kinain ko, school fees, pagmamahal ng mga magulang ko, kapatid at kaibigan!” inis nyang bulalas, “Kulang pa ang pera nya dahil trillions of euros ang presyo ko!” mayabang nyang sabi.             Ngumiti naman sa kanya si Lily. Pero maya-maya pa ay napansin na nyang hinihingi na ng isang lalaki ang receipt nila. Nakapaskil sa mukha nya ang kanyang trademark smile at magalang nyang inabot ang hinihingi nito.             “Here,” sabi sa kanya ng isang lalaki.             Wala sa sarili nyang inilahad ang kanyang kamay dahil akala nya ay yung receipt ang ipapatong sa kamay nya. Pero naramdaman nya na isang bugkos ng lilibuhin ang nakapatong sa kanyang kanang kamay.             Grabe! Isa pa ha?! Isa pa! Neil-AFP mode na ako! Isa pa at tatanggalan kita ng ngipin!             Tinanggal ni Mystina sa kamay nito ang pera at ipinatong sa table sabay tingin sa gulat na lalakeng mag-aabot sana ng bayad ng order nya. Muntik na syang mapasinghap ng makita nya kung sino ang lalakeng ito.             Lalong gumwapo at kumisig ito after seven years. Halatang lalong yumaman. Ang bait ng mukha nito pero bigla nyang naalala ang ngisi nito ng itinapon sya nito sa buffet table.             “Thank you sirs! Please come again!” masayang sabi nya sa mga ito pagkakuha nya ng payment.             Mabilis syang lumakad palayo sa table ng mga ito at dumeretso agad sa locker room pagka-abot ng bayad kay Lily. Akala nya ay hindi na sya maapektuhan ni Volkner pag nagkita sila ulit. Ibang-iba na ang ugali nya at histura. Sigurado syang hindi sya nito nakilala. Pero ang ipinagtataka nya, bakit mahal na mahal niya parin ito? Diba dalawang beses na sya nitong ipinahiya?             Namana nya siguro sa Duncle at Mommy nya ang true-love syndrome ng mga ito. Na iisang beses lang umibig ang mga ito. At isang beses na iyon ay madly-truly pa. Kakaloka! Pati ang ate Stellar nya namana din iyon! Akala nya wala sya noon! Kaines! Letsugas!             “May problema ba Mystina?”             Lumingon sya at nakita nya ang ate Stellar nya na namamahinga sa isang upuan. Break time siguro nito. Lumapit siya dito at hinawakan ang basang kamay nito.             “Ate! Nakita ko ulit sya! Si Volkner!” sumbong nya dito.             Tumango ito at tinitigan sya, “At in-love ka parin sa kanya?” walang kyemeng tanong nito.             Hindi nya alam ang isasagot dito.             “Tandaan mo na psychologist at psychiatrist ang kapatid mo. Halata kayang ang lakas parin ng tama mo sa kanya,”             “Anong gagawin ko ate?” panic nyang tanong dito.             Umiling ito at tumayo, “Hindi ko alam Mystina. Buhay mo yan at problema. Ikaw ang magdesisyon. Matanda ka na. Magbabantay na lang kami ni Sierra sa likod mo pag sakaling bumagsak ka. Deal with it on your own. Show me that you’re better than before,” hamon nito at tumalikod na ito sa kanya.             Gusto nyang magtampo sa ate nya pero hindi nya magawa. Alam nyang gusto nitong matuto syang tumayo at lumaban ng mag-isa sa pinakamasaklap na problema sa buhay nya. Ang baliw nyang obsession kay Volkner.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.7K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

His Property

read
947.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook