Chapter 3

2882 Words
Pumayag naman si Lily sa request ni Renz. Tutal naman daw wala pang masyadong customers maliban dito, kay Volkner at sa babaeng regular patron ni Sierra.             “Sir Renz, here’s your Spicy Beef Soup, chocolate cake and a glass of water,” sabi nya dito ng madala na nya ang order nito.             “Pinayagan ka ba ng Supervisor mo?” tanong nito sa kanya.             “Yes Sir Renz,”             Hinila nito ang isang upuan sa tapat nito,”Umupo ka muna,”             Nang makaupo na sya ay nagsimula na itong kumain, “Alam kong customer-staff lang ang relationship natin pero may malaki akong favor na hihingin sa iyo,” simula nito, “Can I ask you to have a date with me?”             Sinasabi na nga ba nya e! May gusto sa kagandahan nya ang damuho. Nagpapa-gwapo ito para sa kanya. Pag-iisipan nya ang alok nito. Cute naman ito kahit pangit ang first unang tingin nya dito.             “Actually, isang business event ang pupuntahan natin sa Makati. Wala naman akong girlfriend at sabi ng isang service staff dito ay libre ka naman daw pag gabi,” tuloy nito.             Napataas ang kilay nya, “Sir siya po ba ang nagsabi sa inyo?” tanong nya sabay turo kay Sierra na imbyernang imbyerna ang hitsura pagkatalikod sa table nila Volkner.             “Yeah...”             “Maaahitan ko talaga yang si Sie---Riesa,” muntik na syang madulas sa pangalan nito.             “Ayaw mo?” mahinang tanong nito sa kanya.             Napatingin naman si Mystina ulit dito. Tinuruan syang mag initial assessment ng kapatid nya at masasabi nyang galing ito sa magandang pamilya. May class ang kilos at ang table manners ay pang Ayala Heights ang level. May magarang sports car din ito sa labas. Siguro parang pare-pareho sila ng trip nito. Nagpapakahirap mag trabaho may magawa lang.             “O.k lang po ba sa inyo na waitress ang isama nyo sa isang event?” tanong nya dito.             “I don’t care kung janitress ka pa. Plus masasarap ang ise-serve na pagkain doon. Sabi ng kaibigan mo mahilig kang tumikim ng gourmet dishes,” wika nito.             Aba’t talagang parang close na close sila ni Sierra ah. Humanda sa kanya ang tsismosang babaeng iyon mamaya.             “Mahilig nga po ako doon. Well kung o.k lang po na isang hamak na waitress ang ka-date nyo sa inyo ay hindi na din ako tatangi,” napangiti ito at hindi naiwasang mamula ang pisngi, “Pero warningan ko lang po kayo na marunong po akong mag-taekwondo. Wag po kayong magbabalak ng hindi kanaisnais dahil hindi ko po kayo sasantuhin,” warning nya dito na tumango naman at tinaas ang dalawang kamay.             “Wag kang mag-alala. Behave ako,” pangako nito.             Tumango si Mystina dito, “Sige, sabi mo yan sir. Ano po pala ang time at araw?”             “Eight ang start ng party last Friday ng month. Ipapasundo kita sa driver ko ng seven thirty,” sabi nito.             Tumayo na si Mystina ng may dumating ng customer, “Sige po Sir Renz. Maiwan ko na po kayo at may customer na pong dumating,” paalam nya dito.             “Salamat pala Minay,”             “Wala kang dapat ipagpasalamat Sir Renz. Gagamitin nyo ako para may ka-date kayo. Gagamitin ko kayo para makatikim ako ng gourmet dishes. Fair trade,” sabi nya dito na napamangha sa kanyang sinabi. -0-             “Hindi pa ba o.a ang hitsura ko bruha? Baka mukha na akong clown sa tagal ng pagme-make-up mo!” angal niya sa best friend na sinisiguradong maganda ang kanyang mukha at buhok.             Lumabas ng maaga silang tatlo para makapaghanda. Kailangan daw ay sya daw ang pinakamagandang babae sa party kaya sineseryoso ng mga  ito ang pagpapaganda sa kanya.             Si Sierra ang nag-make-up sa kanya at nag-ayos ng kanyang buhok samantalang pedicure, manicure at sa damit naman nakatoka ang ate nya.             “Hindi! Hindi naman makapal ang make-up ko sa iyo. Actually inemphasize ko ang assets ng mukha mo kaysa patungan ng kung ano-ano. Eyes, nose and lips. Grabe ang ganda mo Mystina! Mag-make-up ka kaya lagi sa work?!” exited na sabi ni Sierra sa kanya sabay bigay ng salamin.             Napamangha si Mystina ng makita ang kanyang sarili sa salamin. Lalong lumantik ang kanyang mga pilik-mata ng malagyan ng mascara. Na-emphasize ng pitch black eyeliners ang kanyang grayish-black eyes at gumanda ang kanyang ilong ng mapatungan ng light foundation. Pinkish red ang kanyang kissable lips. Ang ganda talaga nya! Magdidiwang ang mommy at duncle nya pag nakita sya ng mga ito.             “Ayusin mo ang lakad mo ha? Dapat sa may hangin ka lagi tumapat ng mapalad ang buhok mo at ang heat wave scarf ko,” paalala sa kanya ng ate Stellar nya ng ilagay sa leeg nya ang pinakaiingat-ingatan nitong imported red scarf, “Straight body at be yourself,”             “Pwede ko ba talagang isuot itong black gown mo? Favorite mo ito diba?” nagda-dalwang isip siya ng ipasuot sa kanya nito ang obra maestra ng Tita Bae nila, ang Night Daze.             Ngumiti ito at tumango, “Hindi ko masyadong nairampa ang gown na yan noong fourth year tayo. Naiwan mo pati yung sa iyo sa Lucena kaya eto na lang sa akin ang gamitin mo,”             “Tamang-tama at kakulay ng heat wave scarf ng ate mo ang aking Flare Blitz Hermes pouch!” exited na sabi ni Sierra ng ipahawak sa kanya ang “don’t-ask-the-price” na pouch nito galing New York.             Lumayo itong dalawa sa kanya para pagmasdan syang mabuti. Tumango tango ang mga ito at nagbulungan.             “What do you think?” kabang tanong nya sa mga ito.             “We think... it’s mango from Guimaras!” sabi ni Sierra.             “Sira ka talaga!”             Tumawa ito at nag jump for joy, “Ang ganda mo bruha! Ikaw ang pinakamagandang waitress dito sa Manila!”             “Mas maganda talaga sa akin yan Sierra. Actually sya ang pinakamaganda sa ating tatlo,” sabi naman ng ate nya na pumalakpak.             Nakahinga naman sya ng maluwag at tumingin sa salamin. Ang ganda nga nya salamat sa kanyang best friend at ate.             Biglang may bumusinang sasakyan at napapitlag silang tatlo.             Dali-dali syang pinagbuksan ng pinto ng ate nya.             “See you later girls! Wish me luck!” -0-             Sa isang en grandeng hotel sya dinala ng driver ni Renz. As expected, overloaded ito sa yaman. Mantakin mong Chevrolet Maximus ang sasakyang sumundo sa kanya?             “Kuya salamat sa abala ha? Bisita ka naman sa Café namin mga minsan!” sabi nya sa driver.             “Yung Café Hellesia po ba ma’am?”             “Oo kuya! Waitress ako doon! Sige ha?! See you there!” paalam nya dito ng bumaba na sya sa sasakyan.             Bonggang-bongga ang venue! Red carpet ang nilalakaran nya ngayon.             Biglang may humarang sa kanyang mga reporters at cameramen. Laking gulat nya na parang naka-live telecast ata sya. Kapamilya, Kapatid, Kapuso at Kabarkada ang ilan lamang sa mga logo ng microphone na nakita nya.             “Iya here, merong isang napakagandang babae ang dumating sa grand gala night ng French-based Pastry Shop, ang Paris Magnifique, I will interview her now studio,” sabi ni Iya na isang kapamilya star sabay lapit sa kanya.             “What’s your name? Ang ganda mo naman!” masayang sabi nito sa kanya.             Hindi malaman ni Mystina kung ngingiti sya o kakaway sa camera at simulan nang batiin ang mga kakilala nya.             “Mystina,” nakangiting sagot nya dito.             “I’ve never heard of that name before! Anong company ang nire-represent mo?” sunod na tanong nito sa kanya.             “Patay! Wala naman akong nire-represent! Date lang ko! Pero something tells me that hindi ko dapat sabihin  na date ako ni Renz. Bahala na nga!”             “I work at Café Hellesia,” tugon nya kay Iya.             Tumango-tango ito, “What’s your position there Mystina?”             “I’m a waitress!” proud nyang sabi dito.             Nanlaki ang mata na tinitigan sya nito at ng iba pang reporters. Parang hindi makapaniwala.             “Talaga?! If that’s true then you are the most beautiful waitress I’ve ever seen Mystina! You rock girl!” puri sa kanya ni Iya sabay nag-flash ang mga camera lights.             “Anything to say on behalf of Café Hellesia Mystina?”             Humarap sya sa camera ng Abs-Cbn at ngumiti, “We value our customer’s satisfaction at Café Hellesia! Kung kailangan nyo ng place to relax and enjoy a meal. Café Hellesia is the best place to consider! Visit the nearest branch near you! I am sure you will never regret it!” masaya nyang promote sa kanyang pinagtatrabahuhan.             “Thank you Mystina!” sabi sa kanya ni Iya sabay harap sa camera, “I think I’ve seen the most beautiful waitress in my life Korina! This is Iya reporting!”             Lalakad na sana sya paalis ng bigla syang harangan ulit ni Iya, “Saang branch ka nagwo-work Mystina?”             “Sa EDSA branch. Sayang wala akong dalang papel at ball pen, magpapa-autograph sana ako!”             “I will go there this Saturday myself! Grabe! Rock the party girl! Itaas mo ang bandera ng mga service staff!” hiyaw nito sa kanya.             “I sure will, it’s so nice to meet you in person. See you soon!” paalam nya dito sabay pasok sa hotel.             “You’re invitation Ma’am?” tanong sa kanya ng guard.             Inilabas nya sa pouch ang ibinigay sa kanyang invitiation card ni Renz. Nang ma verify ito ay hinayaan na syang tumuloy nito sa grand hall.             Nanlaki ang mata nya habang nababa sya ng grand staircase. Ang daming mga kilalang tao at personalities dito. Parang ibang level na ata ito! Nag-level up na ang beauty ni Mystina Denise Maranan! Makikipagbunguang siko na lang sya ngayon sa mga big bosses ng mga networks at multi-national companies.             Hindi nya namalayan na lahat pala halos ng tao ay nakatitig sa kanya habang nababa sya ng staircase. Posible kayang nabighani ito sa kanyang alindog?             May sumalubong sa kanyang matandang lalaki kasama ang isang matandang babae na mukhang asawa nito, “My wife wants to meet you young lady,” magalang nitong sabi sa kanya sabay munstra sa asawa, “This is Welma Ayala,”             “It’s a pleasure to meet you Ma’am. My name’s Mystina Denise Maranan,” magalang nyang sabi dito.             Ngumiti ang matandang dalaga sa kanya at nakipagkamay, “I apologize kung naharang agad kita. Napakaganda mo kasi,”             “All she can say while you’re walking down the staircase is “Sana nagka-anak ako ng babaeng kasing-ganda nya Jose” masayang sabi ni Mr. Jose Ayala of...             “AYALA CONGLOMERATE? You’re the owner of Ayala Conglomerate?” Hindi nya mapigilang magulat sa nabasang nameplate sa dibdib ng matandang lalaki.             Napatawa naman ito sa kanya, “I am. No need to be surprise hija. Mas madami pang mayayaman kang makikita dito,”             “Where are you from hija?” magiliw na tanong sa kanya ni Mrs. Welma.             “Actually, I work for Café Hellesia as a waitress,” hiya nyang sabi dito sabay tungo.             Siguro kaya lang sya binaitan ng mga ito ay akala ay galing sya sa isang kilalang pamilya,             “Really?” gulat na tanong ng babae.             Sinasabi na nga ba nya, “Really Ma’am,”             “Awww, Jose. I told you! Nag-eexist pa ang ganitong type of love stories!” kilig na sabi ng matandang babae sa asawa na napangiti din.             Parang hindi nya gets, “Excuse me Ma’am?”             “I was a part of a service staff of Manila hotel when I met my husband hija. He also invited me to this type of party!”             Biglang kumapit sa kanyang braso si Mrs. Ayala at kumindat sabay tulak sa asawa, “Go Jose to your boring friends. I will be this girl’s fairy godmother. Poprotektahan ko sya sa mga matatalas na dila ng mga matapobreng tao dito!” deklara nito.             “Pagpasensyahan mo na ang asawa ko hija. Naalala nya ang nakaraan namin sa’yo. Please enjoy yourselves ladies,” iyon lang at bumalik na ito sa isang kumpol ng mga matatandang lalake.             Iginiya sya ni Mrs. Ayala papunta sa gitna ng hall, “This really brings back memories. Kasing tanda mo lang din halos ako noon. Maganda din syempre at hindi ka level ng mga mayayaman. Pero hinahanap ko parin si Jose. Sabi ko pag hindi sya nagpakita, sa susunod nyang pagpunta sa hotel ay iihian ko ang kama nya!” tumawa ito at ngumiti sa kanya.             “You really love your husband Ma’am,” polite nyang sabi dito.             “Call me Tita Welma hija. And yes I really love him. We are celebrating our fourthiet wedding anniversary next month!” exited nitong sabi ng makarating na sila sa gitna ng hall.             “Congratulations Tita,” sabi nya dito.             “Thank you. Now, where is your prince charming...” sabi nito sabay lingon sa kanan at kaliwa.             “Renz po ang pangalan ng nag-invite sa akin dito Tita,” sabi nya sa kasama niya.             Tumango ito, “Renz... it could be Renzon Vasquez of Vazquez Telecommunications. Anak ng namayapa kong best friend na si Renna,” bulong nito sa kanya.             “Mukha pong call center agent ‘yon. Nagtatrabaho po siya sa Convergyz na malapit sa Café na pinagtatrabahuhan ko Tita,” sabi nya dito.             Kumislap ang mata nito at ngumiti, “Then he’s the one we’re looking for!” sabi nito sabay turo sa lalaking parang may hinahanap din.             Ang astig ng porma nito sa black tuxedo. Lalong nagmukhang anak mayaman. Ang kinis ng mukha nito at halatang matagal nakatulog dahil tuluyan nang nawala ang eyebags nito.             “Hijo! Renzon!” tawag ni Tita Welma dito.             Napalingon ito at madaling lumapit sa matanda at nagmano dito, “Ninang Welma. How are you?”             “I’m fine hijo. Are you looking for someone?” inosenteng tanong ng matanda dito.             Tumango ito at luminga-linga, “Yes Ninang. Hindi ko siya macontact at walang signal dito. Palabas na sana ako pero tumawag po kayo,”             “Sorry hijo, pero pwedeng pakisamahan kahit saglit lang itong aking kaibigan? Pupunta lang ako sa comfort room to freshen myself up,” sabi dito ni Tita Welma sabay tulak sa kaniya ng mahina palapit dito.             Nagdadalwang isip si Renzon pero tumango din, “Make it fast ninang, hahanapin ko pa ang bisita ko...”             “Oh sure... I will,” kumindat ito sa kanya sabay punta pabalik sa asawa nito.             Naiwan silang dalawa na nakatayo sa gitna. Medyo awkward.             “Which company are you from?” tanong nito sa kanya. Halatang wala nang maisip.             Ngumiti sya dito, “Actually I don’t represent my company pero I work as a waitress at Café Hellesia EDSA branch,”             Nanlaki ang mga mata nito. Mukhang hindi makapaniwala sa hitsura nya. Syempre, kahit naman sya hindi rin sya makapaniwala sa nagawa ng kapatid at best friend nya.             “Minay?!”             Ngumiti sya dito at tumango, “Ako nga Sir Renz. Ang daming taong mayayaman dito ano? Nakaka out of place...” sabi nya sabay turo sa grupo ng mga intsik.             Tumingin sya dito dahil hindi pa rin ito naimik, “May problema ba Sir Renz?”             “Wa—wala... Ang ganda mo lalo Minay,” hindi makapaniwalang sabi sa kanya nito.             “Salamat Sir Renz,” tugon nya dito, “Baka naman po pwede na akong makapunta sa buffet table? I want to taste their selection of pastries here,” tanong nya dito sabay turo sa buffet table sa kanan nila.             Tumango ito sa kanya at dali-dali naman syang lumakad papunta sa dessert selections.             “Let’s see, mango tart, French caramel, Japanese moji, british crumpets, chocolate fondue, apple pie, mocha royale, grabe ang dami pa! Kailangang matikman ko lahat ng malaman kung paano ito ginawa!” masaya nyang bulalas sabay kuha sa isang pinggan at nagsimula na syang tirahin ang mango tart at british crumpets.             “Parang alam mo lahat ng pangalan ng desserts dito Minay ah!” sabi sa kanya ni Renz na katabi nya at pinapanuod syang kumain, “I can’t really believe na waitress ka lang,”             “I am really a waitress Sir Renz, kita mo naman ang pagta-trabaho ko sa Café,” sabi nya dito sabay subo sa tart, “Always present and never absent ako doon,” pagmamalaki nya.             Tumango ito at kumuha ng fork sabay tusok sa britsh crumpet nya at isinubo ito, “Ano ba ang educational background mo Minay?”             “Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management graduate, tapos nag Cullinary ako ng dalawang beses sa F.E.U. Tapos may National Certificate ako sa Commercial Cooking... Grabe ang sarap nitong mango tart pero I will try the French caramel next!”             Napamaang ito sa kanya.             “Bakit? May problema ba Sir Renz?” takang tanong nya dito.             Umiling ito, “With your education background, pwede ka nang maging Sous Chef sa ibang bansa, bakit ka nagtitiis sa pag we-waitress?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD