ALESSANDRA Paalis na ako ng opisina nang habulin ako ni Tristan. “Ihahatid na kita.” Presinta niya. “Huwag na at baka mapalayo ka pa ng uwi. May sasakyan naman ako, hindi mo na ako kailangang ihatid. Saka pupunta ako ng Makati, magdi-dinner kasi kami sa restaurant ng mga anak ko at si Philippe,” sabi ko. Nandito kami sa main branch ng company ni Tristan. Dito muna kami pansamantalang nagtatrabaho. Nagpapasalamat ako dahil malapit ako sa mga anak ko. Sa bahay ni Philippe na kami nakatira at hindi na sa Tagaytay. Nagpasya akong tumira kami sa iisang bubong, pero hindi kami nagtatabi sa higaan. Meron akong sariling silid. Lumipat na rin sila ng school dahil sa nangyaring insidente last time. “Oh, really? Doon din ang punta ko. May kikitain akong investors sa isang restaurant doon. Mag-

