PHILIPPE “Daddy. . .” Tawag sa akin ng anak kong panganay na si Leandro. Hindi ko expected na tatawagin niya akong Daddy. Alam kong sagad hanggang langit ang galit niya sa akin. Naiintindihan ko naman kung saan nagmula ang galit na iyon dahil sinaktan ko ang damdamin ng kanilang ina. Sa isang banda nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng mga anak na mabuti sa kanilang ina. Tumayo ako at napatitig sa panganay ko. Hindi ko akalaing mas matangkad na pala ang anak kong panganay sa akin. I am a 6 footer. Kailan lang na maliliit pa sila noon na madalas kong kasama kapag nasa opisina ako. Gusto nilang palagi akong kasama. Pero ngayong binata na sila ay madalas may sarili na silang lakad. I respect that. Napagdaanan ko rin naman iyon noon kagaya ako sa kanilang edad. “Patawarin mo ako anak

