ALESSANDRA “Maiiwan na muna kita rito, Mommy. Para makapagsarilinan kayo ni Daddy. Be strong Mommy for us,” sabi ng anak ko. Hinagkan niya ang noo ko at lumabas ng silid. Kahit magkasarilinan kami Philippe ay wala ng kwenta. I can’t hear his voice anymore. Hindi na namin siya makakasama. Nag-init ang sulok ng mata ko dahil sa pagluluksa ko ngayon. Ni ayaw kong lapitan si Philippe dahil hindi ko kaya. Nanginginig ang mga tuhod ko at pati na ang mga kamay ko. Hindi ko yata kayang lumapit sa kanya kung kaya’t tumalikod na ako para lumabas ng silid. Ngunit bago ko pa mapihit ang seradura ng pinto ay may biglang nagsalita. Nanayo ang balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses. “Bakit ayaw mo akong lapitan?” Mahina man pero rinig ko na boses ni Philippe iyon. Diyos ko ang lakas naman ya

