LESSANDRO Awang-awa ako kay Mommy. Wala akong magawa sa nangyari. Tinawagan ko sila Lolo at Lola para may kasama ako rito. Hindi ko rin alam kung ano’ng gagawin ko. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa nangyayari sa pamilya ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito? Hindi ko expected na mangyayari ito kay Daddy, nakakapanghina. Ayokong ipakita ang kahinaan kay Mommy dahil kailangan niya ng taong masasandalan at kami iyon na mga anak niya. “Lessandro. . .” Narinig ko ang tawag sa pangalan ko. Lumingon ako. Ang Lola at ang Lolo. Alalang-alala ang hitsura nila. Nang makalapit ako sa kanila ay hindi ko na napigilan ang emosyon ko na kanina ko pa pinipigilan. Napaiyak ako sa bisig ng Lola. “Lola si Daddy wala na siya,” sabi ko sa gitna ng pag-iyak. Gulat na gulat ang Lola. Naiyak na rin

