ALESSANDRA Nang matapos kaming mag-usap ni Philippe ay hindi ko na siya kinausap. Mabuti naman ginalang niya ang gusto ko dahil hindi na siya nagpumilit. Inaya ko sa lanai si Gabriel upang magkape. Favorite kong spot ang lugar na ito ng bahay ni Gabriel. Nakikita kasi mula rito ang ganda ng lugar kung saan nakatayo ang bahay. Malawak ang pagmamay-ari ni Gabriel. Sayang naman kung ibebenta niya itong bahay. Paano kung makapag-asawa siya at gusto sa probinsya tumira. Pwede ito sa magiging mga anak niya. Maluwang ang lote at malamig ang lugar. Maganda ang view ng magandang garden. May mga punong malalaki. Napakaganda sa mata ang kulay luntian ng paligid. Mahangin din ang lugar na ito. Inilapag ko sa coffee table ang ginawa kong kape. Umupo kaming pareho sa bakal na upuan habang nakahara

