PHILIPPE “Hindi mo man lang sinabi na nagpunta sa bahay mo si Stephanie para pagbantaan ka. Kung hindi ko pa nalaman kay Alessandra ang nangyari ay hindi ko malalaman,” sabi ni Luca nang dumalaw dito sa opisina ko. “I forgot to tell you.” Sagot ko. Nagsalubong ang makakapal na kilay niya sa sagot. Totoo namang nakalimutan ko. Nag-concentrate ako sa pagprotekta sa pamilya ko at hindi ko na naisip pa si Luca na pwedeng makatulong sa problema ko. “I file a TRO sa korte para hindi makalapit ang babaeng iyan habang pansamantalang nakalaya siya. We will wait if the court grant our request for the TRO. Habang hinihintay natin iyon ay mag-ingat kayo. Hindi natin alam kung anong maitim na balak ng babaeng baliw na baliw sa kagwapuhan mo. Ewan ko kung ano'ng meron sa iyo at ayaw ka niyang tigil

