PHILIPPE Pagmulat ng mata ko ay mukha ni Alessandra ang bumungad sa akin. May pag-alala sa mukha niya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Panaginip lang ba ang nangyari kagabi na may taong nagtangka sa akin ng masama? Gusto kong magsalita ngunit hindi ko maibuka ang labi ko upang magsalita. Tila may nakabara sa lalamunan ko kaya walang tunog na umalpas dito. “Mabuti na lang dumating ang doktor ang mga nurse kaya nailigtas ka sa lalaking nagtangka sa iyo,” sabi ni Alessandra at naluluha. Totoo ngang nangyari iyon kagabi. Ungol lang ang lumabas sa lalamunan ko. Tanging sa isipan ko lang gusto kong iparating sa kanya na ayos ako at gusto kong magsalita. Para akong naparalisa. “Kailangan mong magpahinga muna dahil mataas ang dosage ang tinusok sa iyong gamot. Hindi ka muna makap

