ALESSANDRA Nang maihatid ko ang mga anak ko sa school ay agad akong umuwi para namang maglinis ng bahay. Nasa bakasyon ang isa naming katulong dahil birthday ng anak niya sa probinsya. Magmula nang magpasya akong huminto sa pagtatrabaho ay isa na lang ang naging katulong namin. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang marinig ko ang doorbell sa gate. Lumingon ako. Kinakausap ng guard ang taong nasa harap ng gate namin kaya nagpasya akong puntahan sila upang alamin kung sino ang taong iyon. Nagulat ako nang makita si Tristan. He’s wearing his suit. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito. Magmula nang makiusap siya kay Philippe na iurong ang demanda na tinanggihan ni Philippe ay hindi na siya nagparamdam. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Tanong ko. Napatingin s

