PHILIPPE Kinabukasan ay nagpunta kami ni Alessandra sa doktor para magpa-checkup. Hinatid muna namin ang mga anak namin. Lumiban muna ako sa trabaho para pagtuunan ng panahon ang asawa ko. Nag-alala ako nang makaramdam siya ng pagkahilo. “Huwag ka ngang OA kung makahawak ka naman sa akin parang hindi ako makalakad,” sabi ni Alessandra habang naglalakad kami papasok sa loob ng ospital. Hinawakan ko kasi ang kamay niya. “Ayaw ko lang madapa ka habang naglalakad.” Nakangiting sabi ko. Natawa lang si Alessandra at bahagyang tinapik ang braso ko. “Loko ka talaga.” Aniya kaya natawa ako. Humaba ang nguso niya. Hinagkan ko ang labi niya nang panandalian. Nang makapasok sa clinic ng doktor na kilala ko ay agad na kinuhanan ng dugo si Alessandra at may iba pang ginawa sa kanya. Naghintay l

