PHILIPPE Gusto ko silang puntahan, pero iniisip ko ang kambal. Baka magtanong sila at makita si Stephanie. Hindi ko mapipigilan ang kambal na saktan ang babae. Sagad hanggang langit ang galit nila sa kanya. Hindi ko sila masisisi na maramdaman iyon dahil napakasama niyang tao. She almost ruin my family nang dahil sa kasakiman niya. “Daddy, we know she’s here,” sabi ni Leandro. Nabigla ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko inaasahang alam nila. Ngumiti si Lessandro nang mapasulyap ako sa kanya. “Yes, dad we know.” Ani Lessandro. “Don’t worry Daddy wala naman kaming gagawing masama sa babaeng iyan at sa kasama niya. We know na magkasabwat ang dalawang iyan.” Pagpapanatag ni Leandro sa akin. Tinitigan ko ang anak ko. Wala akong nakikitang kakaiba sa reaction niya. Nakangiti pa nga si

