ALESSANDRA Naging tahimik si Philippe magmula nang magkausap kaming dalawa at sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina sa opisina. Hindi ko na lang siya kinulit at baka nabigla siya sa sinabi ko. Nagising ako tanghali na. Nakalimutan kong i-alarm ang cellphone ko. Nagmadali akong maligo at agad na lumabas ng silid. Wala na ang mga anak ko at si Philippe. Mukhang pumasok na sila at ako na lang ang natira rito sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text ako kay Tristan na male-late ako ng pasok. Hindi ko na sinabi kung bakit ako male-late. Kapag dumating na lang ako sa opisina ay saka ko sasabihin ang dahilan ko. Siguro naman mauunawaan ni Tristan ang paggising ko ng tanghali na. Napahawak ako sa gilid ng labi ko nang makaramdam ng sakit. Napatingin ako sa salamin, kita ko

