ALESSANDRA Napangiti ako nang makita ko ang ma-aama ko. Nag-message si Tristan na huwag daw muna akong pumasok. Sobrang pasasalamat ko sa kanya dahil napakabuti ng kanyang puso. Pumayag naman ako dahil pansamantala ay maaalagaan ko ang mga anak ko. Na-miss ko ang pag-aasikaso sa kanila. Maaga akong nagising para ipagluto sila ng almusal nila. Mahirap ang maging Nanay dahil sa totoo lang lahat hawak mo. Hindi ka pwedeng magreklamo dahil obligasyon ng isang ina ang pagsilbihan ang mga anak at asawa ng walang kapalit. Kasiyahan ang makita silang nakangiti ay ayos na sa akin. “Ingat sa pagda-drive.” Bilin ko sa kanya. “Yes, I will. Thank you.” Pasasalamat niya. “By the way, may ipapabili ka ba mamayang pag-uwi namin?” Tanong niya. Napaisip ako. Ano nga ba ang gusto kong pagkain? “Kahit

