ALESSANDRA Hinatid ako ni Gabriel sa bahay, alas-siyete na ng gabi. Nakatulog na sa balikat ko ang anak ko. “Gusto mong tulungan kita? Ako na ang magbubuhat kay Alessan. Mukhang nahihirapan ka na.” Presinta ni Gabriel. I smile. “Huwag na, kaya ko na ito. Kailangan mo ng umuwi at baka gabihin ka sa pag-uwi ng Manila,” sabi ko. “Are you sure?” Tanong niya na parang sinisiguradong okay pa ako. Natawa ako nang mahina. “Oo nga, ayos lang ako. Sanay na ako na ginagawa ko ito sa anak ko. Remember walo ang naging anak ko.” Pagpapanatag ko sa kanya. Natawa si Gabriel sa sinabi ko. Totoo naman ang sinabi ko. Walo ang naging anak ko kaya sanay na akong bumuhat ng bata. “Okay, sabi mo, eh?” Aniya. Hinagkan niya ang noo ko bago sumakay ng sasakyan niya. Tinanaw ko muna ang papalayong sasakya

