PHILIPPE Habang nag-uusap kami ni Calixta ay dumating ang mga anak ko. “Hi, kids!” Bati niya sa mga anak ko. Pagtataka ang makikita sa reaction nila. “She’s a friend. Ang Daddy niya ay nagwo-work sa company ko,” sabi ko sa mga anak ko. Naupo sila sa kabilang bench. Si Alessan ay katabi ni Calixta na giliw na giliw na nakatitig sa babae. Ngumingiti pa siya. Mukhang kasundo niya si Calixta. Mabait naman kasi siya lalo sa bata. “My name is Calixta.” Pakilala niya sa mga anak ko. Nilahad niya sa harap ni Samantha ang kamay niya na tinanggap naman ng anak ko. “My name is Samantha. This is my twin brother Samuel. These are Phille, Alejandro and Sandro.” Pakilala niya sa mga kapatid. “Ate may boyfriend ka na?” Bigla ay tanong ni Sandro. Mukhang nabigla siya sa tanong ng anak ko. Natawa

