ALESSANDRA Inis na inis ako kay Philippe. May gana pa siyang magsama ng babae sa pamamasyal nila sa amusement park. Ayos lang sa akin kung dalawa lang sila ng babae, pero kasama pa ang mga anak ko. Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago babaero pa rin! Bahala siyang matulog sa labas. E ano ngayon kung silid niya itong tutulugan ko. Nahiga ako para matulog na. Sobrang pagod ko sa trabaho kanina. Nagpunta kami ng Manila ni Tristan para i-meet ang ka-meeting niya. Naabutan pa kami ng traffic habang papunta rito. Mabuti na lang nag-decide si Philippe na rito sa bahay niya matulog ang mga bata. Mahihirapan kasi ako kapag uuwi pa ako ng Tagaytay. Ilang minutong pabaling-baling ako sa higaan hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nagpasya akong bumangon at lumabas ng silid k

