ALESSANDRA Hindi naging maganda ang pag-uusap namin sa Principal office. Nagtalo lang kami ng babaeng iyon at mukhang kinakampihan siya ng principal. Kaya umuwi akong nagpupuyos sa galit. Hindi fair ang school na iyon sa akin at sa anak ko. Kami ang naagrabyado, pero tila kami pa ang may kasalanan. Pagkapasok ng bahay ay sinalubong ako ni Philippe. Hinawi ko siya sa daraanan ko habang salubong ang kilay ko. Mas lalo akong nainis nang makita ko siya. Nagulat siya sa inasta ko. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. “Alessandra, what’s wrong?” Tanong niya. Napahinto ako sa paglalakad. Mariin kong pinikit ang mata ko dahil sa nararamdamang disappointment sa nangyari sa school ng anak ko at isama pa ang inis ko kay Philippe dahil wala siyang ginawang action para mapanagot ang nanay ng bata

