Alex's POV
"Dito mo na lang ilagay yan, anak." Sinunod ko naman ang inutos ni mama na ilagay ang mga dalang gulay at prutas sa lamesa.
Nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuhan ng malaking bahay.
Napakatahimik.
Animo walang nakatira. Hindi pa rin ito nagbabago sa ganda ngunit ang kalungkutan sa lugar na ito ang pinagkakaiba kumpara noon.
"Alam na ba niya na babalik na kayo ngayong araw dito, pa?"
"Alam ng batang yun na babalik kami agad dito pagkalipas ng dalawang linggo." Ani mama habang nilalabas ang laman ng basket.
"Magugustuhan kaya ng batang iyon ang mga ito?"
Rinig kong bulong ni mama habang nakakunot ang noo.
"Nagkukulong na naman yata ang batang yun sa silid."
Napadako ang mga mata ko sa mga silid na nasa ikalawang palapag ng bahay ng magsalita si papa.
Bakit kaya halos batang yun ang naririnig ko rito sa mga magulang ko?
"Magugustuhan niya ang mga iyan, mahal."
Habang tinutulungan ni papa si mama sa pag-arrange ng mga gulay at prutas sa basket.
Napangiti ako sa dalawang naglalambingan.
Kahit kailan talaga ang dalawang ito.
"Tandaan mo anak, huwag na huwag mo siyang tatawagin sa dati niyang pangalan, ha?" ani mama habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Dapat siguro magpalit na rin ako ng pangalan.
***
Alexis' POV
"AAAHHH!" Rinig ko ang pag echo ng sarili kong sigaw sa aking tenga.
Naramdaman ko ang pagkabali ng aking paa.
Alam kong kaya niya akong ipapatay anumang oras. At ang sakit na dulot niyon ay mas masakit pa sa nararamdaman kong pisikal na sakit sanhi ng bugbog, sipa, at mura.
"Weakling!"
"b***h!"
Ilang araw ko na bang narinig ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig. Ang mga katagang iyon na tila libo-libong pako na itinatarak sa puso ko.
"Moron!"
"Useless b***h!"
His cusses echoed in my ears.
My mind felt numb. Soon, I felt my body would follow. I have no more to cry.
Crying would anger him more.
"Your mom died because of you b***h! You did not protect your mother from those assholes!
Isa pang sipa sa aking tiyan ang natanggap ko.
"Weakling b***h!"
Hate.
Anger.
Blood.
I felt my blood ran from my toes to my head.
I feel the urge to kill.
"I'm not useless!!!!"
I caught someone's foot that was kicking my stomach and flipped him over.
Suddenly, they stopped their attacks.
But, I could see nothing but blood.
I touched an iron and used it to beat them mercilessly.
I hear whimpers like they are in pain but who am I to care now?
"Hah!" Another dream.
Dumako ang mga mata ko sa aking mga kamay at di ko namalayan ang luhang naglandas sa aking pisngi.
My bedside table clock says it's 9:58 am.
I need an hour bath.
Paglabas ko ng bathroom ay agad kong tiningnan ang relo.
11:00 am. Breakfast time.
I put on my short shorts and sando saka kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table.
Napakunot ang noo ko sa nakita sa katabing notebook na connected sa CCTV cameras nitong bahay.
***
Alex's POV
Apat na oras ngunit wala pa ring babaeng Alex na bumaba o lumabas man lang sa mga silid tulugan nitong bahay.
Ang sabi ni mama ay andito naman daw ito dahil andyan lang ang kotse nito sa labas.
Kinatok na rin ni mama ang kwarto nito pero wala namang lumabas na Alexis.
"Anak, dito punasan mo."
Andito kami ngayon at nililinisan ang buong bahay na dalawang linggo ring hindi nalinisan.
Inaalikabok na ang ibang gamit.
Pinupunasan ko ang mataas na kabinet ng may nakita ako sa itaas nito.
Nasa pinaka itaas na bahagi nito ang mga lumang larawan ng pamilya nina Lynx.
Andito siya noong mga bata pa kami. Her smiles were of an angel.
"Ma'am Alexis, good morning po!"
On cue ay naibalik ko ang photo frame sa pinaglalagyan kanina.
"Andito na po pala kayo."
Ngunit tila ako napako sa kinatatayuan ng marinig ang boses na iyon. Kinastigo ko ang sarili.
"Kani-kanina lamang po, ma'am. Mukhang tulog pa po kayo kaya hindi na po namin kayo inabala."
Naririnig ko ang pagsunod ni mama sa kanyang mga hakbang.
Babati? Hindi babati?
"Oh..good morning, ma'am Alexis!" Masiglang bati ni papa.
"Di ba sinabi ko na sa inyo na Alexis na lang ang itawag niyo sa akin. Hindi naman ako guro para tawagin ninyong ma'am."
Doon na ako napalingon sa sinabi niya pero huli na pala at nasa kusina na siya.
"Ano?" Pabulong kong tanong. Kinalabit kasi ako ni papa. Sinenyasan akong sumunod sa kusina.
"Anong gusto mong kainin, iha? Dinalhan ka namin ng gulay at prutas." Rinig kong kinakausap si Alexis na may kinukuha sa refrigerator.
Napakunot ang ulo ko dahil sa kinuha nito. Talagang siya ang nag stock ng maraming canned beer sa refrigerator?
Ang sabi ni mama ay wala naman ito noon bago sila umalis. Pero ngayon, halos puno na ang refrigerator ng beers.
"Kahit ano na lang, manang."
She opened a can at agad itong tinungga na parang umiinom lang ng tubig. Nagkatinginan kami ni papa at si mama naman ay malungkot na nakatingin sa dalaga. Bigla ata itong na conscious kaya dahan-dahan itong umalis dala ang beer.
"Ahm... Alexis iha..." Nahinto ang dalaga sa paglalakad ng magsalita si mama.
"Ang anak ko pala, si Alex." Atubiling sambit ni mama.
Natuon ang mga mata nito sa akin at kunot noong ibinaling ang tingin nito kay mama. Pero agad din iyong napalitan ng blangkong expression saka tumango.
"Dito muna siya pansamantala hangga't makakauwi raw sabi ni sir Lynx para may makakasama ka. Dito narin kasi siya na destino sa malapir. Para hindi ka rin ma-bored dito sa bahay."
"Tawagin nyo lang ako pag handa na ang pagkain." And she left.
Napailing-iling si papa ngunit mababakas sa mukha nito ang lungkot gayon din si mama.
***
"Alam mo bang masama iyan sa kalusugan mo."
Sinundan ko siya sa labas. Dito lang naman siya sa pool area napadpad. Nakatayo ito sa mainit na lugar habang hawak-hawak ang lata ng beer. May tatlong beer pa ito sa may mesa na nasa lilim.
"Ang taas pa ng sikat ng araw ay tumo-toma ka na. Tsk. Alas onse palang ng umaga oh! At tantya ko..."
Nahinto ako ng bigla itong lumingon sa akin ng may madilim na aura. Kahit natakpan ang mga mata nito ng eyeglasses ay nararamdaman ko pa rin ang matatalim na titig nito.
"..hindi ka pa kumakain." Napakagat ako ng labi at napameywang. Ang init eh. Wala akong sunglasses di katulad nitong kasama ko.
"Who are you?" Tanong nito sa monotone na pagsasalita.
"Ako? Me? Pinakilala ako ni mama ko kanina sayo. Alex. Ako si Alex Brillantes. Anak ni Lisa Brillantes at Caloy Brillantes." Di makapaniwalang wika ko habang tinuro ang sarili ko at ang mga magulang ko na nasa loob.
"What the f**k!"
"Hmm?" Hindi ko kasi narinig kung anuman ang sinabi niya.
Hindi na ulit ito nagsalita at umupo na ito sa upuang katabi ng mesa sa lilim. Naiwan ako rito sa init.
Anong problema ng isang to?
"Have a drink." Rinig kong sambit nito apat na hakbang mula rito sa kinatatayuan ko habang nakatingin lamang sa kanya na nakaupo.
Tsah! Hindi ako makapaniwala.
"Hindi ako umiinom ng alak lalo na sa ganitong katirik ang araw."
Sarkastiko kong sabi at pumunta sa lilim na bahagi. Ilang segundo akong nag adjust dahil dumilim ang paningin ko dulot ng init.
Wala akong narinig na sagot. Sa katunayan nakatayo na lamang ako limang hakbang mula sa kinauupuan niya. Habang siya ay patuloy lamang sa pagtungga ng San Miguel.
"Ma'am Alex, halina po kayo sa kusina at handa na ang pagkain." Pagbigay alam ni papa ng sumulpot ito sa pool area.
Walang kibo itong tumayo at pumasok sa bahay kasunod si papa.
"Anak, halika sa kusina." Ilang minuto ay bumalik si papa at tinawag ako.
"Pa?"
"Gusto ni ma'am na kasabay tayo na kumain." Kumunot ang noo ko sa narinig ngunit nagpatianod na lamang ng hinila ako ni papa.
***
Magkatabi kaming naupo ng mga magulang ko habang mag-isa ang dalaga na nakaupo sa tapat at dulong bahagi nitong mahabang mesa.
Kasabay nga kaming kumain pero napakalayo naman.
Hindi ko maiwasang sulyapan ang dalaga dahil sa pamumula ng mukha nito. Dahan-dahan lamang ang pagkain nito. Gumawa si mama ng chopsuey, pinakbet, at ginisang kangkong.
"I don't want someone staring at me while I'm eating." Hindi tumitinging sambit nito. Bigla akong napahiya at kinastigo ang sarili.
Makaraan ang ilang subo nito ay agad itong tumayo at dinala ang pinagkainan sa sink at lumabas ng walang salita.
Pulos gulay lang kinain nun?
Tumikhim si papa kaya't napalingon ako.
"Anak, magpakabait ka kay Alexis ha? Tinugon man sayo ng kaibigan mo o hindi." Makahulugang wika ni mama.
"May pinagdadaanan ang batang yun at napakalungkot ng buhay niya ngayon kaya alagaan mo siya. Alagaan natin siya."
Tuluyan na akong nanahimik sa sinabi ni papa.
"What happened to you, baby?"