Sa Kasalukuyan
"Are you ready for your flight?" There is a silhouette of a man facing the glassed window talking to someone over the phone. The room where he stands is dark and the only thing that helps him see the night are the scintillating lights coming through his window from the nearby mid-rise buildings.
"Yes." Comes the faint voice that he hardly hear. He puts his hand in his pocket and his grip on his phone tightens.
"Always remember that I am always by your side, baby. No matter what happens." His voice shows how much he cares for the person over the phone.
He waits for her reply.
"I know." She replies after five seconds and he smiles before ending the call.
The city is colorful. It's full of glowing lights that makes the city devious and lively. He looks at the city with hopes that the liveliness of the world that he is overseeing from his window at that moment has no end. He also hopes that a brilliant light will lighten his beloved’s way and unreasonably save them from darkness.
******
7:00 am sharp na ng lumapag ang eroplano sa NAIA at maya-maya pa ay naglakad na ang dalaga palabas ng arrival area. She is wearing a black 3 inches heeled shoes, black leather pants and a brown jacket na pinaresan ng white fitted sando at puting scarf na nakapulupot sa kanyang leeg. Nakalugay ang kanyang itim na mahaba at straight na buhok at ang iilang hibla nito ay tumatakip sa kanyang mukha at sa malaking eyeglasses na suot. She scan the area at may nakita siyang isang pares na may hawak na maliit na puting signboard kung saan nakasulat ang pangalan niya. Nilapitan niya ang mga ito at agad naman siyang napansin at kinawayan ng may edad na babae.
"Ma'am Alex, welcome home po!" magiliw na bati sa kanya ng singkweta’y tres na ginang. Tinanguan niya ito bilang tugon. Nakikita niya sa mukha ng ginang na isa itong ulirang asawa at ina at base sa pagsusuri niya sa mga kamay at suot nito hindi siya magkakamaling masipag ang may-edad na babae.
"Welcome back to the Philippines, ma'am! Siguradong napagod po kayo sa biyahe kaya ako na po ang magbubuhat ng maleta nyo." Tuwang-tuwa na dalo sa kanya ng singkwenta'y nwebe na ginoo. Ito ang asawa ng ginang. At sa kanyang mabilisang pagsusuri, isang maginoo ang may-edad lalaki at palakaibigan ito. Marami na rin itong pinagdaanang trabaho dahilan ng makapal na kalyo nito sa kamay.
Binitiwan niya ang kanina'y hila-hilang maleta at naunang maglakad. Naiwang nagkatinginan ang mag-asawa habang papalayo ang dalaga sa mataong lugar ng airport.
Paglabas ng NAIA ay sinalubong ang dalaga ng mainit na hanging pamilyar sa kanyang balat. Tiningala niya ang papainit na haring araw at sinalubong ang sinag nito.
"Home." She murmurs.
Agad siyang sumakay sa backseat ng sasakyang dala ng mag-asawa. Panaka-naka siyang tinatanong ng mag-asawa sa kalagayan niya at pinagsabihan siya na kung may kailangan siya'y magsabi lang kaagad.
"Gusto ko lang pong makapag pahinga." She wants to dismiss any talks at tama na ang mga sinabi niya para sa tahimik na byahe.
Habang sakay ng de aircon na SUV ay inoobserbahan niya ang mahinang usad ng mga sasakyang dulot ng trapiko. Walang pinagbago. Maalikabok at napakainit pa rin sa labas ng sasakyan. Katulad noon, marami pa ring gusaling hindi pa natatapos at ang kalsada ay lubak-lubak at unti-unti ng nasisira. Dahil sa hilig ng mga pulitiko at negosyate na magpatayo ng mga gusali ngunit hindi kaagarang natatapos dahil sa kakulangan o kawalan ng budget o di kaya binubulsa. Maraming gusali ang hindi natatapos. Lumingon ang dalaga sa kaliwa at pinagmasdan ang kabahayang dikit-dikit na malapit sa riles. Isa itong eskwater sa loob ng Metro Manila. Nakakahabag lang tingnan na sa isang siyudad kung saan naglalakihan ang mga nagtatayuang kumpanya ay meron paring mga dikit-dikit na bahay na delikado sa sunog, baha at iba’t ibang sakit dulot ng polusyon.
Sa ganitong oras ay marami ng naglalakad sa kalsada na mga trabahante, mamimili, manlalakbay atbp. Di alintana ang init at maalinsangan na hanging dala ng panahon at ang mga basurang nakaumbok sa gilid ng kalsada.
Bigla niyang naalala ng dumaan sila sa isang malaking building.
******
Eight Years Ago
"Good morning, ma'am!"
She smiles back to the security guard standing by the front desk. Inabot niya ang dalang backpack na binuksan ng konti. Pagkatapos suriin ng security guard ang dala, aya agad nitong sinarado ng dalaga at tinungo ang elevator.
"Hi, good morning!"
"Morning."
Bati ng dalaga sa katabing babae pag pasok sa training room. Sa pagkakaalam niya ay Elaine Monte ang pangalan nito.
Nasa labing pito sila sa loob ng training room kasama na ang trainer nilang babae na nasa treinta na ang edad. Kahit trenta anyos na si Jan ay tila isa pa rin itong dalaga kung kumilos. Maliit ang katawan nito ngunit may malaking pang-upo at balakang na bumagay naman sa katawan nito na biniyayaan ng maliit at bilugang mukha.
Nangumusta ang tagapagsanay at sumagot naman ang lahat. Sa loob ng kwartong iyon ay may anim na lalaki at ang karamihan sa kanila ay babae.
Si Alexis ang pinakabatang trainee at newbie sa silid na iyon.
"Today is our eight day in core training and we will have a very challenging activity. We will focus on your language competency and avoidance of unnecessary fillers. I will give you two minutes to talk about a certain topic that you will pick in this box. When you talk, you must not use any fillers like uhm and ah. Avoid stressing words like and, so, the, etcetera. This will be very challenging because you need to continually speak without those fillers and unnecessary stressed words. You need to stop the moment you will utter fillers or stress words and I will give you an exciting task later after the game. That is the consequence of the activity."
Pagbibigay alam ni Jan habang seryosong nakatayo at ginala ang mga mata sa bawat isang naroon. Alexis heard some complaints and some are excited for the activity. Di niya maiwasang kabahan habang nilalaro ang hawak niyang ballpen.
"We will start the game in two minutes. We will do it alphabetically. Don't worry I will give you a minute before you will start talking." Umingay ang kwartong yun sa sinabi ni Jan na ngayo'y nakangiti na at di maitatago ang excitement at tuwa sa mga mata.
Nagsimula ang laro at wala pang nakatapos ng dalawang minutong patuloy sa pagsasalita ng walang fillers and unnecessary words. Habang sumasabay sa katuwaan kapag nagkakamali ang nagsasalita sa harapan, nag-iisip ang dalaga kung ano ang magiging consequence.
"Alexis Navedez!" tumayo agad ang dalaga pagkatawag ng kanyang pangalan. She forced a smile out of nervousness. Kumuha siya ng isang lukot na papel sa transparent box at binuksan ito. She looked at her colleagues’ smiling faces and they were also staring at her intently.
"Are you ready?" nilingon niya si Jan na nakatayo sa kanyang tabi. Nginitian niya ito ng tipid at tumango ng marahan. Their faces were waiting, dahil sa loob ng training room na iyon siya yung pinakatahimik at hindi nakikipaghalubilo sa grupo. At siya rin ay biniyayaan ng panginoon ng magandang kutis at mukha.
"Tell me something about my family."
She hesitated.
"I have an interesting foster family. When I was four years old..." She laughed a little to lighten the mood.
"That's all. Thank You!" She thanked herself for finishing the challenge without fillers. Sanay sya sa public speaking dahil pinag-aral siya ng Mass Communication ng nanay niya.
And the training went well with her being silent throughout the day. Dahil na rin siguro naninibago pa siya.
***
The following days went well hanggang dumating ang isang araw na hindi niya inaasahan. Regular na rin siya sa trabahong pinasukan. Nasa loob siya ng Department store ng Robinsons at namimili ng gulay at prutas.
Namimili ang dalaga ng junk foods at ng paborito niyang Richeese dala-dala ang isang push cart. Tuwang-tuwa ito habang kumukuha ng Richeese ng may naramdaman itong tao sa kanang tabi.
"Shan?" Nilingon ito ng nagtatakang dalaga at namangha ito sa taong nakadungaw sa kanya. Akala ng dalaga ay isa itong artista dahil sa kagwapuhan at tangkad nito. Maluha-luha itong lumapit sa kanya na nagpaurong sa dalaga.
Bumilis ang t***k ng puso ng dalaga at nilibot ng mga mata nito ang paligid ngunit wala itong nakikitang mga camera sa malapit. Hindi ba ito uma-arte para i-prank siya?
"Shan, it's you." Napaatras ang dalaga ng hinawakan ng lalaki ang kanyang balikat.
Naiiyak ang lalaki na humakbang pa palapit hanggang sa mahawakan nito ang pisngi ng dalaga. Ramdam ng dalaga ang pagsikip ng kanyang dibdib at ang mga luhang naglandasan sa kanyang mga mata ngunit nanatiling blangko ang ekpresyon ng kanyang muka. Nalilito siya sa sitwasyon. Hindi niya kilala ang lalaki. Hindi kaya?
Hindi na magawang igalaw ng dalaga ang kanyang mga paa dahil sa bilis ng pintig ng puso at pagkalito.
Maraming posibilidad ang pumapasok sa utak niya at nahihilo na siya.
Imposible!
"Ma-may shooting po ba kayo, Mr? Artista po ba kayo?" nagtatanong ang mga matang tumitig siya sa lalaki. Umiling ng marahan ang binata at niyakap ang dalaga.
"Teka po, tatay ko po ba kayo?" Tinulak ni Alexis ang mapangahas na estranghero at tinalikuran ito dahil sa nararamdamang kaba.
"Shan, it's me.... Lynx. Your kuya Lynx." Nanigas sa kinatatayuan dahil sa narinig si Alexis.
"You loved Richeese so much." Kinuha ng lalaki ang Richeese na hawak-hawak ng dalaga at nilagay ito sa push cart.
"Hahaha! Mr, your acting is so good. I'm sure you are so famous because of your looks and great acting." Nilingon niya ito at hinarap. "May caravan ba dito sa mall ngayon at ako napagtripan niyo? I apologize coz am not interested."
Tumalikod at nagmamadaling maglakad ang dalaga palayo sa estrangherong nagpakilalang kuya niya. Imposible! Ilang taon na ang dumaan!
Nalungkot ang dalaga lalo na ng maalalang naiwan nito ang mga pinamiling groceries at paboritong Richeese.
***
Nasa bahay ang dalaga at kumakain ng sliced apple ng pumailanlang ang ringtone ng kanyang cellphone. Tumayo ito at kinuha ang telepono sa ibabaw ng study table.
Mama Calling...
She smiled before swiping the answer button.
"Hello, ma! Kumusta?"
"Ang energetic naman ng anak ko!" lumawak ang ngiti ni Alexis ng marinig ang boses ng ina. Close sila masyado ng kinikilalang ina at mga kapatid at lalo niya itong namimiss ngayong malayo siya sa mga ito.
"Okay lang kami dito anak. Ikaw naman kumusta na riyan? May bagong balita ka na ba?" ramdam niya ang lungkot at pag-aalala sa boses ng ina.
"Wala pa po ma eh. Siguro babalik na lang po ako diyan sa atin namimiss ko na po kayo ng sobra ni papa." Humigpit ang hawak niya sa telepono ng maalala ang nangyari sa department store ng nakaraang gabi.
"Day off ko po ngayong araw, ma." Iniba niya ang usapan at di naman siya nabigo dahil sinakyan agad ito ng kanyang ina at nakausap niya rin ang mga kapatid at ama. Pagkatapos ng mahaba-habang pakikipag-usap sa kanila ay agad naghanda ang dalaga sa pagtulog para makabawi sa puyat pero katulad ng nagdaang gabi ay di rin siya nakatulog sa dami ng iniisip.
Mag-umaga na ng dalawin ng antok ang dalaga.
Nagising si Alexis ng alas onse na pawisan at habol ang hininga dulot ng masamang panaginip.
***
Kinabukasan ay lumabas ng bahay ang dalaga upang pumasok sa trabaho. Tinahak nito ang daan papuntang sakayan ng tricycle.
Kinakailangan niya kasing sumakay ng tricycle para makapunta sa sakayan ng Bus.
Nakayuko ang ulo ng dalaga dahil medyo lutang pa ito at kulang sa tulog ng may biglang humila rito at may panyong itinakip sa kanyang ilong. Ninais niyang kumawala ngunit unti-unti siyang nawawalan ng lakas at ulirat. Takot ang huling nararamdaman ng dalaga bago siya isinakay sa isang van na nasa tabi ng kalsada.