HIS
"Mahigit dalawang libo katao ang nagra-rally ngayon sa tapat ng GCM Company upang humingi ng paliwanag at hustisya sa mga namatay at nasaktan sa nangyaring pagguho ng Tirahan Para sa Mamamayan o TIPM building dalawang buwan ang nakaraan. Bawat isa rito ay pursigidong pinapanagot ang GCM Company at ang sangkot nito sa nangyaring pagguho na naging dahilan ng pagkamatay ng labing-walong katao." Isang babeng reporter ang nagbabalita sa 36 inches na flatscreen TV sa sala. Nagsasalita ito habang patuloy ang pag-ikot ng camera sa mga taong nagra-rally sa tapat ng malaking building ng Guadalupe.
"Magiging busy ka na naman today, kuya."
Napangiti ako sa pahayag ng aking kapatid na si Alessandra, habang ipinaghahanda ko siya ng pagkain.
"Trabaho ko yun, Sandy. At wag mo akong ipag-alala dahil lalo kang papangit niyan!" nakasimangot na ang mukha ng kapatid ko ng lingunin ko ito. Kaya natawa ako sa itsura nito. Ang sarap talaga nitong asarin. Ang totoo, maganda si Alessandra at ang katunayan nga ay lagi yang sinasama sa pageant ng mga kaibigan niya.
"Nagsalita naman si Sen. Mallari tungkol dito kagabi." Mula sa kusina kung saan kami kumakain ay rinig ang balita sa TV na nagmumula sa sala. Umupo na rin ako sa tapat ni Alissandra at nagsandok ng kanin.
"Kailangang pakinggan ang tinig ng mga taong ito. Kamag-anak, kaibigan, at kapamilya nila ang namatay at nasaktan. Gagawa kami ng hakbang upang mapanagutan ang pangayayaring ito. Bibigyan namin ng tulong ang pamilya ng bawat nasawi. Makakaasa kayo sa ating gobyerno. Gagawin ko po ang lahat, makakaasa kayo." Ani sen. Mallari.
***
HER
Maingay, masangsang ang amoy, mainit na atmospera, masikip at paroo't parito ang mga taong namimili sa Divisoria. Sa mataong lugar na iyon ay nakiki-siksik ang isang babaeng may mahabang buhok na nililipad ng mainit na hangin.
Nakasuot ito ng gray na leggings at sando na pinatungan ng puting blazer na mahaba. May hinahanap ang mga mata nitong nakasalamin ng itim.
Ng makita ang eskinitang hanap ay lumiko ito at isinuot ang itim na mask.
Pumasok ito sa isang establisyemento at ng makaraan ang tatlong minuto ay lumabas na ito dala ang dalawang maleta na binalutan pa ng plastic at may nakasabit na resibo.
Bumalik ito sa dinaanan at tinungo ang kotseng puti. Nilagay nito ang dalawang maleta sa trunk, pinasadahan nito ng huling tingin ang paligid at agad na pumasok sa loob ng kotse.
Alam nitong napaka busy ng mga tao para pagbigyang pansin ang kinikilos niya. Wala ring pakialam ang mga tao rito.
Tinanggal nito ang suot na salamin at mask at inilagay sa compartment saka nito pinausad ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
*****
Tahimik ang malaking bahay at kung titingnan mo ay walang tao sa paligid dahil maingat na kumikilos ang babae sa paglalagay ng kanyang mga gamit sa buong kabahayan lalo na sa sikretong silid na iyon na kanyang pinasukan.
Pinag bakasyon niya muna ang mag-asawang nangangalaga sa malaking bahay kaya't malaya nakakilos si Alexis..
Binuksan nito ang dalawang maletang dala at inilabas doon ang iba’t-ibang mga aparato.
Maliliit na CCTV cameras, listening devices, earpieces; spy glasses, relo, gloves, at atbp. At sa isang maleta naman ay may inilabas na mga weapons, baril, blades, hunting knife at iba't ibang uri ng matutulis na bagay, kasama na rin ang isang lubid.
Pumasok ang dalaga sa isang silid na may anim na 26 inches flat screen TV na nakahanay sa dalawa, at isang 50 inches na smart TV sa dulo.
Binuksan nito ang isang may kalakihang wooden cabinet at mahusay nitong isaayos ang mga dalang sandata.
Pitong hakbang bago makarating sa mga computer na naroroon ay isang malaking larawan ng bulubundukin kung saan tanaw nito ang malawak na patag sa baba. Tahimik, malinis, may makakapal na d**o, at iilang puno ang makikita sa larawan. Sa tabi ng malaking larawan na iyon ay ang isang maayos na kamang kulay asul, kumot at unan. Ang buong silid na iyon ay maaliwalas dahil sa ayos ng mga kagamitan, malinis na kabuuan, at sa liwanag na nagmumula sa dalawang malalaking fluorescent.
Ang pagsa-ayos ng silid na iyon ang operasyon niya sa araw na iyon. Natapos na siya sa pag install ng mga CCTV cameras sa buong kabahayan kaninang umaga kaya’t nakikita na rin niya sa smart TV’s ang buong paligid.
Pagkatapos sa mga sandata ay nag-shower muna ang dalaga. Trenta minutos rin siyang nagbabad sa bath tub at pinakiramdaman ang buong katawan. Iniangat ni Alexis ang magkabilaang braso at hinaplos ito. Naalala niya ang mga sugat at pasa na natamo ng buong katawan walong taon ang nakaraan. Sa tulong ng gamot at karayom, bumalik rin sa dati ang kutis niyang walang bahid ng sugat. Kahit hindi kadugo, ay alagang-alaga siya ng kinilalang ina noon. Laging may dalang katas ng buko ang ina sa tuwing naliligo sila sa batis noon.
Napaupo sa gitna ng bath tub ang dalaga ng maalala ang tila musikang halakhak ng mga kapatid sa tuwing naliligo sila sa batis.
She emerged from the bathroom after several minutes. Kailangan niyang makonekta sa satellite ang kanyang computer at kailangan niya ring kontakin ang partner na itinalaga sa kanya ni Mikael.
***
Third Person POV
Nanginginig ang buong katawan ng lalaki habang hawak-hawak ang cellphone.
Kakatapos lamang niyang kausapin ang isang taga media at abot leeg parin ang kaba ng niya.
Hindi siya dapat magtiwala sa kahit na kanino ngunit pinapatay na siya ng kanyang konsensya kaya personal niyang tinawagan ang isa sa mga matatapang na broadcaster na kilala niya. Pero hindi lang konsensya ang uumusig sa matandang lalaki kundi takot, takot ang higit na umuusig sa kanya.
Sa ilang linggong pananatili sa maliit na silid na iyon ay napagtanto ng matanda na kailangan niyang sumugal. Kailangan niyang sumugal para kahit papaano ay mamamatay siyang may dangal para sa mga mahal niya sa buhay.
Dahan-dahan napaupo sa nag-iisang sofa naroroon si Mr. Ferrer. Nangayayat ang maamo nitong mukha dulot ng pag-aalala, walang tulog at walang sustansyang pagkain. Mas lalo pang nadagdagan ang kunot nito sa mukha ng mapagtantong bilang na ang oras niya.
Napasabunot ang matanda sa magulo at may kahabaan ng buhok. Isang buwan na siyang hindi nakalabas kaya paano pa siya makapag pagupit? Kinalimutan na rin niyang mag-ahit ng balbas at pinabayaan niya na rin ang mga dumi at kalat sa paligid.
Nagtiis at nagkulong ang matanda sa maliit at mumurahing silid na iyon para sana ay iligtas ang sarili sa mga naghahanap at humahabol sa kanya.
Ang ikinababahala niya ay baka hindi niya na makikita ang pamilya bago siya mamatay sa kamay ng halimaw. Sa loob ng trenta'y otso ka araw na pagtatago ay dalawang beses niya lamang nakausap ang asawa at malapit niya pang ikinamatay iyon.
Sinuntok ng matanda ang kinauupuang sofa ng paulit-ulit hanggang naubusan rin siya ng lakas.
***
Sa isang opisina, tatlong oras ang lumipas.
"Nahanap niyo ba?" Isang lalaki na nakaputi ang barong at nakaupo sa swivel chair kaharap ang lamesang puno ng mga papeles ang nagsalita. Base sa hubog ng likuran at ng boses nito ay may edad na rin ang lalaki.
"Opo, boss." Rinig nitong sagot mula sa kabilang linya. Nanginginig ang kamay na kinulamos nito ang papel na nasa harap at nangigil na nagbigay ng utos sa telepono.
"Bring him to me breathing." The evil smirks.
"Bring me the traitor."
***
6:55 PM: SAME DAY
Balik sa silid kung saan nagtatago si Pacito Ferrer. Isa itong singkwenta y uno aňos na engineer, may butihing asawa at isang anak na babae.
Nakaupo ito sa isang lumang sofa kaharap ang plastic na lamesa kung saan naroroon ang mga de-latang ulam, asin, mantika, toyo, suka at mga ingredienteng unti-unti ng nangingitim. Naroon din ang platong ginagamit sa pagkain sa mga oras na iyon.
Sunod-sunod ang pagsubo ni Mr. Ferrer ng malamig na kanin at sardinas na ulam.
Napaubo at napahampas ito sa dibdib ng mabilaukan at agad na inabot ang basong tubig at nilagok iyon.
Tinungo nito ang lababo dala-dala ang pinggan at halos mapatalon ito ng may kumatok sa pintuan kasabay ng pagbitaw sa pinggan na nagdulot ng ingay.
Nadagdagan ang mga dagang nagrarambulan sa kanyang dibdib at pakiwari niya ay ngayon na nga matatapos ang buhay niya. Ni hindi man lang niya nakikita ang kanyang mag-ina.
Napakapit ito sa lababo at ramdam nito ang malapot na pawis na naglandas sa kulubot at takot nitong mukha.
BLAAGG!
Bumukas ng marahas ang pintuan. Unang pumasok ang isang malaking lalaki, mabangis at nakakatakot ang mukha nito.
Tinatawag itong Jimmy, isa sa masunuring aso ng senator. Kasunod nitong pumasok ang limang tauhan na dire-diretsong nagkalat sa maliit na kwarto at sinira ang mga naroroon at waring may hinahanap.
Lahat sila ay nakasuot ng black slacks, white polo and black coat na aakalain mo'y mga tunay na negosyante. Mas lalong nanginig si Mr. Ferrer ng nilapitan ito ni Jimmy na ngayo’y nakangisi ng mapanuya.
"Pinahirapan mo ako ng konti sa paghahanap sayo tanda." At mas lalo pa itong ngumisi ng makitang halos mapaihi na si Mr. Ferrer sa kinatatayuan.
Alam kasi ng inhenyero kung ano ang kayang niyang gawin.
"Pinapasundo ka na ng kaibigan mo. Masyado ka raw niya kasing namimiss." Nawala ang nakakalokong ngiti ni Jimmy sa mukha at napalitan ito ng matalim na titig. Sinunggaban nito ang kwelyo ng matandang Ferrer at inangat ito sa sahig.
Ilang minuto ang lumipas at ngayoy akay-akay na si Mr. Ferrer ng dalawang lalaki. Halos maglambitin na ang matanda sa dalawang tauhan ni Jimmy. Puno ng bugbog ang mukha ng inhenyero at halos wala ng malay dahil sa panggugulpi ni Jimmy.
Dumaan sila sa isang eskinita kung saan may mga kabataang sumisinghot singhot sa plastic na dala. Ang iba'y nakaupo sa maruming semento, may isang nakahiga ng patagilid at mukhang natutulog. At ang iba'y nagbibigay daan sa kanila, namangha sa senaryong nakikita. Nakasunod ang mga malalamlam at walang buhay nitong mga mata sa hila-hilang si Mr. Ferrer.
Sa labas ng eskinitang nilabasan ay naroon ang mga sasakyan nina Jimmy. Isinakay si Mr. Ferrer sa unang sasakyan kung saan may isang tauhang nakaupo sa driver’s seat. Tauhan ito ni Jimmy na inatasang magbantay ng mga sasakyan nila kanina. Pinaandar ng drayber ang makina habang pinaupo ng isang lalaki sa backseat si Mr. Ferrer.
Sumakay naman si Jimmy at ang isa pang tauhan nito sa puting sasakyang nasa likod.
Pasakay na ang mga tauhang nagbitbit sa matanda ng sa sasakyang kinaroroonan ni Mr. Ferrer ng biglang sumara ang pinto at pinaharurot ito.
Nabigla ang mga tauhan at napa tiim-bagang si Jimmy.
Nang matauhan ay lumabas muli si Jimmy at sinigawan ang mga tauhan ata agad naman itong nagsikilos at sumakay sa kotse.
Hinabol ng mga ito ang kumaripas na itim na sasakyan habang naghahanda si Jimmy ng baril at nilagyan ito ng silencer at sunud-sunod na napamura.
"P*t*ngina! Sino ba ang hayop na yan?!"