CHAPTER 5

1766 Words
Kinabukasan— abala ang buong team sa paghahanda. Iba’t ibang outfit ang nakalatag—simple, pero maayos at may dating. Kailangan nilang mag-blend in… pero hindi mawala ang presence. “Buti na lang hindi kailangan ng uniform doon,” reklamo ni Viper habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “Ang baduy kung ganun pa—eww.” Napairap si Pulse. “Wow ha, priority talaga fashion.” “Of course,” sagot ni Viper sabay ayos ng buhok. “Kahit nasa mission, dapat presentable.” “Try mo muna hindi pumatay gamit ang tingin mo,” singit ni Blaze sabay tawa. “Shut up.” Sa kabilang side— nakasuot na si Winter. Simple black outfit. Minimal. Malinis. Pero kahit walang effort— siya pa rin ang pinaka-kapansin-pansin. “Ready?” tanong ni Titan. Tumango siya. “Let’s move.” Kanya-kanya silang dumating sa academy gamit ang kani-kanilang modernong sasakyan. Pero si Winter— iba. Mas pinili niyang gamitin ang kanyang latest motorcycle. Isang malakas na ugong ang umalingawngaw sa parking area nang huminto siya. Agad siyang nakatawag ng atensyon. Hindi lang dahil sa motor— kundi dahil sa kanya. Mahaba ang kanyang blonde na buhok, bahagyang sumasabay sa hangin. At ang kanyang mga mata—bughaw, malamig pero nakakaakit. Parang may sariling mundo. At kahit hindi siya nagsasalita— lahat napapatingin. Samantala— sa loob ng academy, nagaganap ang isang maagang meeting ng mga professor. Wala man siya sa mood— napilitan si Andrew na pumasok. Tahimik siyang nakaupo, bahagyang nakasandal, halatang walang interes sa usapan. “Bigatin ang mga transferee… galing pa daw ng Canada, anim sila,” bulong ng isang babaeng professor sa katabi nito. Hindi nag-react si Andrew. Wala siyang pakialam. Para sa kanya— isa lang itong dagdag trabaho. “Hi, babe.” Napalingon siya. Si Monique. Isang magandang babae, maayos ang ayos, may kumpiyansa sa sarili. Ang kilala ng lahat— na kanyang nobya. At… ang hindi alam ng karamihan— ang pekeng pinsan ni Winter. “Morning,” maikling sagot ni Andrew. Lumapit si Monique at bahagyang humawak sa braso niya. “Ang aga mo ngayon ah.” “Meeting,” sagot niya. “Same,” ngumiti si Monique. “You heard about the transferees?” tanong nito. “Hmm.” Walang gana. Pero bago pa siya muling tumingin sa harap— may kung anong pumasok sa isip niya. Hindi malinaw. Isang pakiramdam lang. Parang may paparating. “Sabi nila interesting daw,” dagdag ni Monique. “Baka may makilala tayong… useful.” Hindi sumagot si Andrew. Pero sa hindi niya maipaliwanag— parang may kung anong gumugulo sa kanya. Isang bagay na bihira mangyari. Sa labas— naglalakad na ang grupo papasok. Sa gitna nila— si Winter. Tahimik. Diretso ang tingin. Pero sa loob niya— Tik… tik… tik… Mas mabilis. Mas magulo. Agad dumeretso ang grupo ni Winter sa dean’s office. Pagpasok pa lang— “Good morning,” sabay-sabay nilang bati. Magalang silang tumango bilang pagbibigay galang. Nakaupo ang dean sa likod ng kanyang mesa—isang lalaking halatang sanay sa kapangyarihan at lihim. At higit sa lahat— alam nito kung sino talaga ang mga kaharap niya. Hindi mga simpleng transferees. Kundi mga taong may misyon. “Welcome,” maikli nitong sagot. “Naayos ko na ang arrival ninyo. Walang magiging problema sa records ninyo dito.” Tumango si Winter. Diretso. Walang emosyon. “Good.” Sumingit si Ghost, kalmado ngunit direkta ang tono. “We want to be students of the two professors… alam n’yo naman po ‘yun, ‘di ba?” Bahagyang ngumiti ang dean. “Professor Monteverde… at Professor Miller.” “Exactly,” sagot ni Ghost. “Already arranged,” saad ng dean habang inaabot ang ilang dokumento. “Kayo ang ilalagay sa special program nila. Mas madali n’yo silang mababantayan doon.” Kinuha iyon ni Pulse at mabilis na chineck. “All clear,” bulong nito. “Pero tandaan n’yo,” biglang seryosong saad ng dean. “Hindi kayo dapat mahalata. Maraming mata ang nakatingin sa dalawang professor na ‘yan. Hindi lang kayo ang may interes sa kanila.” Tahimik ang grupo. Alam nila iyon. Mas lalong naging delikado ang misyon. Napatingin si Winter sa dean. “Schedule.” “First session ninyo… ngayon.” Saglit siyang tumigil. “Professor Miller.” At sa isang iglap— Tik… tik… tik… Biglang bumilis ang tunog sa dibdib niya. “Room 305,” dagdag ng dean. “At… good luck. Kakailanganin ninyo ‘yan.” Lumabas ang grupo sa opisina. Tahimik. Pero ramdam ang bigat ng paparating. “Straight to Miller?” tanong ni Blaze. “Yes,” sagot ni Winter. Habang naglalakad sila sa hallway— parami nang parami ang napapatingin sa kanila. Hindi lang dahil bago sila— kundi dahil sa presence nila. Lalo na si Winter. Pagdating sa harap ng Room 305— huminto siya. Ilang segundo. Walang gumagalaw. “Frost?” tawag ni Viper. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay… at kumatok. Tok. Tok. “Come in.” Boses. Malalim. Pamilyar. At sa sandaling iyon— parang may kumalas sa loob niya. Pagbukas ng pinto— agad nagtama ang kanilang mga mata. Siya. Andrew Miller. “Oh… the transferees, huh?” Malamig ang boses ni Andrew habang nakatingin sa kanila— pormal, pero may halong pagsusuri. “Why are you late?” Tahimik ang buong klase. Lahat nakatingin. Pero si Winter— hindi natinag. “We’re sorry,” sagot niya, diretso ang tingin. “Pero kailangan muna naming dumaan sa dean’s office para ayusin ang schedule namin.” Kasing lamig ng boses niya ang titig niya. “Frost… calm down,” mahinang bulong ni Ghost sa tabi niya. Pero hindi siya natinag. Bahagyang kumunot ang noo ni Andrew. Hindi siya sanay na sinasagot ng ganito. “Hey, lady… have some respect. I’m the professor here.” Tahimik. Isang segundo. Dalawa. At saka— “I know,” sagot ni Winter, bahagyang nakataas ang baba. “But respect? Hindi ‘yan hinihingi… ini-earn ‘yan.” Sarkastiko. Diretso. At sapat para mag-react ang buong klase. “Whoa…” bulong ng isa. “Tapang…” dagdag ng iba. Naningkit ang mga mata ni Andrew. Hindi galit. Kundi… interesado. “Stupid,” malamig niyang sabi. “Fine. Magpakilala na kayo. Isa-isa. In front of your classmates.” Isa-isang lumapit ang team. “Elena Petrov.” “Maya Cruz.” “Lucas Reed.” “Ivan Kozlov.” “Daniel Park.” Maayos. Kontrolado. Walang problema. At huli— si Winter. Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa harap. Tahimik ang buong silid. Parang may inaabangang mangyari. “Winter-Williams.” Maikli. Malinaw. At nang iangat niya ang kanyang mga mata— diretso iyon kay Andrew. Walang iwasan. Walang takot. At sa sandaling iyon— parang may kumislap sa isipan ni Andrew. Isang imahe. Isang alaala— na hindi niya mahuli. “Take your seat,” malamig niyang utos. Pero sa pagkakataong ito— hindi niya agad inalis ang tingin. Habang naglalakad pabalik si Winter— Tik… tik… tik… Mas malakas. Mas mabilis. Parang hindi na niya kayang kontrolin. Lumipas ang ilang oras ng pagtuturo ni Andrew. Tahimik ang klase. Diretso. Walang halong emosyon. Pero sa bawat sandali— may isang taong hindi niya maiwasang mapansin. Si Winter. Hindi siya makulit. Hindi rin palaimik. Pero… kakaiba. “Class dismissed.” Isang simpleng utos— at agad nagsitayuan ang mga estudyante. Habang inaayos ni Andrew ang kanyang gamit— “Hi, babe. How’s your day?” Napalingon siya. Si Monique. Ngumiti ito at lumapit sa kanya. “Okay naman, babe,” sagot niya. “Lunch?” tanong nito. “Sure.” Habang palabas sila ng room— biglang dumaan sa harap nila ang grupo ni Winter. Tahimik. Diretso ang lakad. Pero kahit gano’n— parang nag-slow motion ang paligid. Napatingin si Andrew. At sa pagkakataong iyon— hindi na niya kayang i-deny. Maganda si Winter. Hindi lang basta maganda— kakaiba. Lalo na ang kanyang mga mata. Bughaw. Malamig. Pero may lalim. Parang may tinatagong kwento. Saglit na nagtama ang kanilang tingin. Isang segundo. Dalawa. At sa hindi maipaliwanag na dahilan— may kung anong gumalaw sa loob ni Andrew. Isang pakiramdam na hindi niya nararanasan. Hindi niya maintindihan. “Andrew?” Naputol ang sandali. Napatingin siya kay Monique. “Hmm?” “Let’s go?” saad nito, bahagyang ngumiti. Tumango siya. Pero bago siya tuluyang lumakad— napalingon siya muli. Ang hirap dito, guys…” reklamo ni Viper habang naglalakad sila palabas ng building. “Walang safe facility na pwede nating tambayan. Tawag kaya tayo sa command center?” Halatang problemado ito. Napatingin si Pulse sa paligid. “Too exposed,” bulong nito. “Hindi tayo pwedeng basta mag-set up kung saan-saan.” “Library?” suhestyon ni Blaze. “Too public,” sagot ni Ghost. “Cafeteria?” dagdag ni Titan. “Worse.” Tahimik si Winter habang naglalakad. Pinagmamasdan ang paligid. Ina-analyze ang bawat sulok. Mga camera. Mga exit. Mga blind spots. Hanggang sa— “We don’t need a facility.” Napatingin ang lahat sa kanya. “We adapt.” “Meaning?” tanong ni Viper. “Split monitoring. Rotation.” diretso niyang sagot. “Hindi tayo dapat magmukhang iisang grupo palagi.” Tumango si Ghost. “Makes sense.” “Pulse, you handle comms—low signal lang, no trace.” “Copy.” “Viper—overwatch. Human CCTV.” “Got it.” “Blaze, Titan—stay visible pero hindi halata. Crowd control kung may mangyari.” “Finally,” ngisi ni Blaze. “Ghost—shadow movement. Lahat ng galaw ng targets, report.” “Always.” “At ikaw?” tanong ni Pulse kay Winter. Saglit siyang tumigil. At sa di inaasahan— napatingin siya sa direksyon kung saan naglakad si Andrew kanina. “I’ll stay close to the primary.” Ngumisi si Blaze. “Primary… or professor?” “Blaze,” malamig na babala ni Winter. “Okay, okay—quiet na.” “No mistakes,” dagdag ni Winter. “Hindi lang buhay nila ang nakataya.” Tahimik ang grupo. Alam nila iyon. Habang naghiwa-hiwalay sila— napabuntong-hininga si Viper. “Grabe… school setting pero parang battlefield.” “Because it is,” sagot ni Ghost. Samantala— sa kabilang building— nakaupo si Andrew sa isang tahimik na lugar. Pero imbes na mag-focus— isa lang ang nasa isip niya. Isang mukha. Isang pares ng bughaw na mata. “Winter…” Mahina niyang bulong. At sa hindi maipaliwanag— parang may kulang. Parang may dapat siyang maalala… pero hindi niya makuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD