“Oh siya, tama na ‘yan,” putol ni Alejandro, halatang ayaw nang humaba pa ang tensyon.
“Sabihan mo ang mga katulong na maghanda ng makakain.”
Agad namang tumango si Isabella at nag-utos sa mga kasambahay.
Unti-unting bumalik sa normal ang paligid—
pero ramdam pa rin ang bigat na naiwan sa hangin.
Naupo si Winter sa hapag kasama ang pamilya.
Tahimik.
Habang inaayos ng mga katulong ang pagkain sa mesa.
Ilang sandali pa, nagsalita siya—
“Ahm… Dad, Mom… pagkatapos ko pong kumain, aalis na po ako.”
Napatingin agad sa kanya ang lahat.
“Hindi po ako pwedeng mag-stay ng matagal dito,” dugtong niya, diretso ang tono.
“Pero promise… dadalasan ko na ang pag-uwi habang nandito ako sa Pilipinas.”
Tahimik.
Parang huminto ang oras.
“Gano’n ba…” mahina ngunit may lungkot na saad ni Isabella.
“Work again?” tanong ni Alejandro, alam na ang sagot.
Tumango si Winter.
“Mission.”
Napabuntong-hininga ang kanyang ama, pero hindi na ito tumutol.
Sanay na siya.
“Just be careful,” sabi nito.
“Always,” sagot ni Winter.
Sa kabilang side ng mesa—
nakatingin lang si Marcus sa kanya.
Tahimik.
Pero hindi na kasing bigat kanina.
“Siguraduhin mo lang na tutuparin mo ‘yang sinabi mo,” saad nito.
“Hindi na pwedeng mawala ka na naman ng ilang taon.”
Napatingin si Winter sa kanya.
At sa pagkakataong iyon—
walang lamig sa boses niya.
“Hindi na.”
Maikli.
Pero totoo.
“Next time,” singit ni Adrian, “mas matagal ka na dito.”
“Try ko,” sagot niya.
Habang kumakain sila—
simple lang ang usapan.
Pero sa loob ni Winter—
may kakaibang pakiramdam.
Hindi ito tulad ng mission.
Hindi ito kontrolado.
Hindi rin malinaw.
Pero nandyan.
Unti-unting bumabalik.
Pagkatapos kumain—
tumayo siya.
“Mauna na po ako.”
Lumapit siya sa kanyang mga magulang.
Hinalikan sila sa pisngi.
Mas matagal kaysa kanina.
Mas… totoo.
“Mag-iingat ka, anak,” mahina nilang sabi.
Tumango siya.
Paglabas niya ng bahay—
napatingala siya sandali sa langit.
Samantala, pagkaalis ni Winter—
nanatili sa sala ang kanyang pamilya.
Tahimik sa umpisa…
hanggang sa nagsalita si Marcus.
“Parang hindi pa alam ni Winter, Papa… ang plano ni Lolo na ipakasal siya sa apo ni Don Alfred.”
Napatingin si Adrian, bahagyang napakunot ang noo.
“Oo nga… mukhang wala pa siyang alam,” dagdag nito.
Napabuntong-hininga si Alejandro.
“Hayaan niyo na ang lolo n’yo ang magsabi pagdating niya,” kalmado nitong sagot.
“Hindi rin naman basta-basta tatanggap si Winter ng gano’ng bagay.”
Tahimik na nagkatinginan ang magkapatid.
Alam nila iyon.
Mas kilala nila ang kapatid nila kaysa kahit sino.
“Kung ayaw niya… wala tayong magagawa,” mahinang saad ni Adrian.
“Pero kung kailangan… gagawin niya,” dugtong ni Marcus, seryoso.
Napaupo si Adrian at bahagyang napaisip.
May isang pangalan na pumasok sa isip niya.
“Andrew…”
Napatingin si Marcus.
“Ha? Kilala mo ‘yon, ‘di ba?”
Tumango si Adrian.
“Matalik na kaibigan ko siya.”
Saglit na natahimik ang dalawa.
“Wait… siya ‘yung apo ni Don Alfred?” tanong ni Marcus.
“Yes. Andrew Miller.”
Bahagyang napataas ang kilay ni Marcus.
“Interesting…”
“Alam mo ba na pinili rin niyang magturo?” dagdag ni Adrian.
“Kahit isa rin siyang negosyante… passion niya ‘yon.”
“Makes sense,” sagot ni Marcus.
“May sarili ngang academy si Don Alfred, ‘di ba?”
“Exactly.”
Napabuntong-hininga si Adrian.
“Pero kung si Andrew ang pag-uusapan… hindi rin magiging madali.”
“Bakit?” tanong ni Marcus.
“Kasing lamig din ni Winter ‘yon,” diretso nitong sagot.
“Hindi siya madaling lapitan… at lalong hindi madaling pilitin.”
Tahimik si Marcus.
Pagkatapos—
napangiti ng bahagya.
“So dalawang taong parehong walang emosyon… ipagkakasundo?”
Napailing si Adrian.
“Parang delikado.”
“O baka… interesting,” sagot ni Marcus, may halong amusement.
Sa kabilang banda—
hindi alam ni Winter—
na ang lalaking makakasama niya sa misyon…
ay hindi lang basta target na dapat bantayan.
Kundi—
isang taong konektado na pala
sa pamilya niya.
At sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—
hindi lang misyon ang magtatali sa kanila.
Kundi… isang kasunduang matagal nang ginawa
nang hindi nila alam.Pagbalik ni Winter sa safehouse—
agad siyang sinalubong ng mga kasama.
Nakaupo ang iba, may hawak na kape, habang ang iba ay nakahiga na sa sofa.
“Woah… hindi ka talaga matutulog sa inyo?” tanong ni Blaze, halatang nagulat.
Tinanggal ni Winter ang jacket niya at isinabit ito.
“Wala naman akong gagawin doon,” sagot niya, kalmado.
Saglit siyang tumigil, saka nagdagdag—
“At isa pa… hindi ako makakapag-isip doon.”
Napatingin sa kanya si Ghost.
“Family?” tanong nito.
“Complicated,” sagot niya.
“Obviously,” bulong ni Viper.
Umupo si Winter sa isang sulok, tahimik.
Kinuha niya ang tablet at muling binuksan ang file.
Andrew Miller.
Muling bumungad ang mukha nito sa screen.
Malamig na tingin.
Walang emosyon.
Parang… siya.
“Uy…” singit ni Pulse, sumilip sa tablet niya.
“Siya ba ‘yung professor?”
Hindi sumagot si Winter.
Tinitigan lang niya ang litrato.
Parang may hinahanap.
“Gwapo,” dagdag ni Blaze sabay ngisi.
“Parang bagay sa’yo, ah.”
“Focus,” malamig na sagot ni Winter.
Natahimik si Blaze.
“Grabe… kahit joke bawal,” bulong nito.
“Tomorrow, 0800. Be ready,” utos ni Winter.
“Copy, boss,” sabay-sabay nilang sagot.
Isa-isa silang nag-ayos para matulog.
Pero si Winter—
nanatiling gising.
Tahimik ang kwarto.
Madilim.
Tanging ilaw ng tablet ang nakikita.
At sa screen—
ang mukha ni Andrew.
“Who are you…” mahina niyang bulong.
At sa di inaasahan—
Tik… tik… tik…
Mas malakas.
Mas magulo.
Napahawak siya sa dibdib.
Hindi ito sakit…
pero hindi rin normal.
Parang may gustong lumabas.
Isang alaala.
Isang pakiramdam.
Pero bago pa niya mahuli—
nawala rin agad.
Napapikit siya.
At sa unang pagkakataon—
may kaba.
Hindi dahil sa misyon.
Kundi dahil sa lalaking
hindi niya maalala…
pero tila may bahagi ng puso niya
ang nakakakilala.
Kinabukasan—
magkikita na sila.
“Hey, Frost… okay ka lang?”
Napatingin si Winter.
Nakatayo si Ghost sa may pinto, nakasandal, nakatingin sa kanya.
Napansin nito na gising pa siya.
At mas lalo—
kung ano ang hawak niya.
“Kanina mo pa tinitingnan ‘yang lalaking ‘yan,” saad nito habang tumuturo sa tablet.
Tahimik si Winter.
Ilang segundo.
Bago siya nagsalita—
“Actually… he looks familiar to me.”
Mahina.
Parang may hinahanap sa sarili niyang boses.
“Hindi ko lang maalala kung paano… at saan.”
Tinitigan siya ni Ghost.
Hindi biro ang mga salitang iyon.
“Past mission?” tanong nito.
Umiling si Winter.
“Hindi.”
“Then…?”
Hindi siya sumagot agad.
Muling bumaling ang tingin niya sa screen.
Sa mukha ni Andrew.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan—
may kung anong kumikirot sa loob niya.
Isang pakiramdam na hindi niya kayang pangalanan.
“I don’t know,” sa wakas ay sagot niya.
“Pero… parang may nawawala.”
Bahagyang tumuwid si Ghost.
Ngayon lang niya narinig iyon mula kay Winter.
“Missing memory?” tanong nito, mas seryoso na.
“Possible,” sagot niya.
“Or… someone erased it.”
Tahimik.
Biglang bumigat ang atmosphere.
“Careful, Frost,” babala ni Ghost.
“Kung may hindi ka maalala… may dahilan ‘yan.”
“Or may nagtago,” malamig na sagot ni Winter.
Nagtagpo ang tingin nilang dalawa.
Parehong alam—
na hindi ito basta coincidence.
Muling tumingin si Winter sa larawan.
Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at bahagyang hinawakan ang screen—
parang sinusubukang abutin ang isang alaala.
“Andrew Miller…” bulong niya.
At sa sandaling iyon—
Tik… tik… tik…
Biglang bumilis ang tunog ng puso niya.
Hindi pantay.
Hindi normal.
At kasabay nito—
isang mabilis na imahe ang sumagi sa isip niya.
Isang binatilyong lalaki.
Isang ngiti.
Isang pangako.
Pero—
wala pang isang segundo—
nawala rin agad.
Napapikit siya.
Napahawak sa ulo.
“Frost?” tawag ni Ghost, nag-aalala na.
Muling iminulat ni Winter ang kanyang mga mata.
At sa isang iglap—
bumalik ang lamig.
“I’m fine.”
Diretso.
Parang walang nangyari.
Pero alam ni Ghost—
may nangyari.
At malaki iyon.
“Get some rest,” sabi nito bago tuluyang umalis.
“Tomorrow… baka magbago ang lahat.”
Mag-isa na lang si Winter sa kwarto.
Tahimik.
Madilim.
At sa loob ng katahimikan—
isa lang ang malinaw.
Hindi lang basta misyon ang haharapin niya bukas.
Kundi—
isang bahagi ng kanyang nakaraan