CHAPTER 3

1761 Words
Agad umuwi si Winter sa kanilang mansyon sa Canada. Pagpasok pa lang niya— “Lolo, Lola…” tawag niya. Napatingin agad ang dalawang matanda sa kanya, halatang nagulat. “Oh? Ang aga mo yata. Akala ko next week ka pa uuwi,” sabi ni Doña Belinda habang tumatayo. Diretso si Winter sa kanila. “Ah… mag-iimpake lang po ako ng mga gagamitin ko,” kalmado niyang sagot. “Mauuna na po akong pupunta sa Pilipinas.” Saglit na natigilan ang dalawa. Nagkatinginan sina Don Arthur at Doña Belinda. “Bakit, hija? Anong meron at parang bigla kang gustong umuwi ng Pilipinas?” tanong ni Don Arthur, may halong pagtataka. Sandaling natahimik si Winter. Parang may pinipiling itago. “Ahmmm… mahaba pong kwento,” iwas niyang sagot. “Pero susunod naman po kayo, ‘di ba?” Tinitigan siya ng kanyang lolo. Bilang isang beteranong detective— ramdam nito na may hindi sinasabi ang kanyang apo. “Mission?” diretso nitong tanong. Hindi sumagot si Winter. Pero sapat na ang katahimikan niya para makumpirma iyon. Napabuntong-hininga si Don Arthur. “Pilipinas pa talaga…” mahina nitong saad. “Mapanganib ‘yan, hija,” dagdag ni Doña Belinda, bakas ang pag-aalala. “At kakarating lang dito ng kaibigan ng lolo mo para pag-usapan ang—” “Alam ko po,” putol ni Winter. Tahimik. Diretso. “Pasensya na po..” Napatingin ang dalawa sa kanya. May kakaibang determinasyon sa mga mata niya— isang bagay na bihira nilang makita. “Hindi lang po ito basta pag-uwi,” dugtong niya. “Trabaho po ito.” Ngunit sa loob niya— Alam niyang hindi lang trabaho ang dahilan. May kung anong humihila sa kanya pabalik. Isang pangalan. Isang mukha. Isang alaala na pilit niyang hinahanap. “Mag-iingat ka, Winter,” mabigat na sabi ni Don Arthur. “Always,” maikli niyang sagot. Pagdating niya sa kanyang kwarto, agad siyang nagsimulang mag-impake. Maayos. Sistematiko. Baril. Kagamitan. Mga dokumento. Departure Makalipas ang labindalawang oras— Nagkita-kita ang buong team sa paliparan. Lahat ay naka-civilian clothes, pero halata pa rin ang kanilang awra— mga taong sanay sa panganib. Tahimik. Alerto. Handa. Nakatayo si Winter sa isang sulok, hawak ang kanyang maliit na luggage, habang pinagmamasdan ang paligid. “Alam ba sa inyo ang pag-uwi mo?” tanong ni Ghost habang lumalapit sa kanya. Hindi man lang siya tumingin dito. “Hindi. At wala akong balak tumira sa bahay namin sa Pilipinas.” Diretso. Walang emosyon. “Hmm…” napangisi si Ghost. “Cold as always.” Sumingit si Viper, nakasandal habang nakatingin sa boarding screen. “Sabagay… may place na nga palang hinanda para sa’tin. Maayos na daw ‘yun, at mahigpit ang security.” “Safehouse,” dagdag ni Titan. “Good,” sagot ni Winter. “Less exposure.” “Grabe, parang wala kang ka-excite-excite umuwi sa sarili mong bansa,” biro ni Blaze. “Mission,” maikli niyang sagot. Natahimik ang grupo. Sanay na sila. Para kay Winter— lahat ay trabaho. Pero hindi nila alam— Sa likod ng malamig niyang anyo, may unti-unting gumagalaw. Isang pakiramdam na hindi niya kontrolado. “Boarding in 10 minutes,” saad ni Pulse habang chine-check ang tablet. “Ready?” tanong ni Viper. Tumango ang lahat. Pero si Winter— nanatiling tahimik. Saglit siyang tumingin sa malayo. At sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon— papalapit na siya sa lugar na pilit niyang iniwan. Pilipinas. Habang nasa loob ng eroplano— nakapikit si Winter, kunwari nagpapahinga. Pero ang isip niya—gising. Paulit-ulit na bumabalik ang isang mukha. Isang lalaking hindi niya matandaan… pero hindi niya makalimutan. Andrew Miller. At sa bawat pagbanggit ng pangalan nito sa kanyang isip— Tik… tik… tik… Mas nagiging magulo ang tunog ng kanyang puso. Parang may gustong ipaalala. Parang may gustong bumalik. Ngunit— hindi niya alam kung ano. Paglapag ng eroplano— agad silang sinalubong ng mainit na hangin ng Pilipinas. Ibang-iba sa lamig ng Canada. Mas magulo. Mas buhay. Mas… pamilyar. “Welcome home,” mahinang sabi ni Pulse habang ngumiting bahagya. Hindi sumagot si Winter. Nakatingin lang siya sa paligid. Tahimik. At sa sandaling iyon— hindi niya alam kung agent ba siya na may mission… o isang taong bumalik para hanapin ang isang bahagi ng sarili niya na matagal nang nawala. Pagkarating sa safehouse, agad na kumilos ang team. Binuksan ni Pulse ang laptop at inilatag ang final details ng mission. “Short briefing lang,” sabi nito. “Tomorrow na ang actual infiltration sa university.” Tahimik na nakinig ang lahat. Mabilis. Direkta. Walang paligoy-ligoy. Pagkatapos— “Rest muna,” utos ni Winter. “We move tomorrow.” “Finally,” reklamo ni Blaze habang inuunat ang katawan. “Jet lag is killing me.” “Control yourself,” malamig na sagot ni Viper. Isa-isa silang naghiwa-hiwalay para magpahinga. Pero si Winter— hindi pa tapos. Pagkatapos niyang mag-ayos ng gamit, tahimik siyang lumapit sa pinto. “Lalabas ka?” tanong ni Ghost, napansin ang kilos niya. “Sandali lang,” sagot niya. “May pupuntahan ako.” “Mission-related?” tanong ni Titan. Saglit siyang tumigil. “Personal.” Bahagyang nagkatinginan ang grupo. Bihira nilang marinig ang salitang ‘yon mula kay Winter. Sa labas— agad siyang sumakay sa isang sasakyan. Tahimik ang biyahe. Habang papalapit siya sa destinasyon— mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Hanggang sa— tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking ancestral house. Isang bahay na pamilyar… pero parang malayo na sa kanya. Ilang segundo siyang nanatili sa loob ng sasakyan. Hindi bumababa. Hindi gumagalaw. Parang may pumipigil sa kanya. Pero sa huli— bumuntong-hininga siya at bumaba. Pagbukas pa lang ng gate— agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na boses. “Winter?!” Napatingin siya. Isang babae—ang kanyang ina—ang mabilis na lumapit sa kanya. “Anak… ikaw ba talaga ‘yan?” Hindi na nito napigilan ang sarili at agad siyang niyakap. Nanatiling nakatayo si Winter. Hindi gumanti ng yakap agad. Parang… hindi niya alam kung paano. Pero ilang segundo ang lumipas— dahan-dahan niyang itinaas ang kamay… at marahang niyakap ang kanyang ina. Mahina. Halos hindi maramdaman. Pero sapat— para ipakitang may natitira pa. “Umuwi ka man lang sana ng mas maaga…” mahina nitong sabi. “Work,” sagot ni Winter. Diretso. Simple. Pero sa likod nito— may bahagyang pagod. “Pasok ka, anak. Miss ka na namin.” Pagpasok niya sa loob ng bahay— sumalubong ang mga alaala. Mga larawang nakasabit. Mga halakhak na minsang narinig niya. Mga sandaling… dati ay kanya. Ngunit ngayon— parang bisita na lang siya. At habang naglalakad siya sa loob— may isang tanong na bumabalik sa kanya— Ito pa ba ang tahanan niya? O isa na lang itong lugar na dati niyang kinabibilangan? Sa di kalayuan— may isang lalaking nakatingin sa kanya. Isa sa kanyang mga kapatid. At sa mga mata nito— halatang hindi lang saya ang naroon. Kundi… maraming tanong. Father Alejandro Williams- Business tycoon (real estate, energy, international investments) Strong, dominant, pero soft pagdating kay Winter Mother Isabella Williams- Elegant, influential socialite & foundation head Loving pero emotional, pinaka-apektado sa pagkawala ni Winter noon Older Brothers (2) Eldest Brother Adrian Williams CEO-type, serious, strict Protective kay Winter pero hindi sang-ayon sa pagiging agent niya Second Brother Marcus Williams Charismatic, business strategist Mas malambing kay Winter pero may sama ng loob dahil umalis siya. Tumawag ang lolo mo… sabi niya uuwi ka raw dito,” saad ng kanyang ina habang hindi pa rin siya binibitawan sa tingin. “Sorry, Ma… kung biglaan,” mahinahon na sagot ni Winter. Walang bakas ng emosyon ang mukha niya— pero sa loob, may bahagyang paggalaw. “Pasensya na rin… kung tatlong taon na kaming hindi nakakadalaw,” dugtong ng kanyang ina, bahagyang napayuko. “Alam mo naman… nagkaproblema dito ang Uncle Ben mo. Nakadispalko ng malaking pera… inayos ng papa mo.” Tahimik na nakinig si Winter. Walang reaksyon. Parang… sanay na siya sa ganitong klaseng balita. “Okay na po ba?” tanong niya, diretso. “Oo… pero hindi naging madali, anak.” Saglit na natahimik ang dalawa. Hanggang sa— “Hindi ka man lang nagparamdam…” mahina ngunit may kirot na sabi ng kanyang ina. “Ni hindi ka namin makita kahit sa video call.” Napatingin si Winter sa kanya. May kung anong kumirot— isang pakiramdam na hindi niya agad maipaliwanag. “Busy,” sagot niya. Isang salita. Pero kulang. Alam niya iyon. “Ganun na lang ba ‘yon, Winter?” tanong ng kanyang ina, bahagyang nangingilid ang luha. “Trabaho na lang palagi? Paano naman kami?” Tahimik. Hindi agad nakasagot si Winter. Hindi dahil wala siyang sasabihin— kundi dahil hindi niya alam kung paano. Dati— madali para sa kanya ang makaramdam. Pero ngayon— bawat salita ay parang pinipilit lang lumabas. “I’m here now,” sa wakas ay sabi niya. Mahina. Pero totoo. Napatingin ang kanyang ina sa kanya. At sa unang pagkakataon— may nakita siyang kakaiba sa anak niya. Hindi lamig. Kundi… pagod. “Nagtatampo sa’yo ang kuya mo,” bungad ng kanyang ama. Hindi pa man siya nakakasagot, agad siyang niyakap nito at hinalikan sa noo. “Pero hindi ka n’on matitiis… alam mo namang ikaw lang ang prinsesa namin,” malambot nitong dagdag. Saglit na nanatili si Winter sa yakap ng kanyang ama. Hindi siya agad gumanti— pero hindi rin siya umiwas. “Pasensya na kung hindi ka namin nadalaw sa Canada,” dugtong nito. Tahimik lang siyang tumango. “Okay lang po.” Maikli. Pero may laman. Ilang sandali pa— may bumukas na pinto. Mabibigat ang yapak. “So… naalala mo pa pala kami,” malamig na saad ng bagong dating. Si Marcus. Diretso ang tingin nito kay Winter— halatang hindi pa nawawala ang tampo. “Three years, Winter. Kahit isang tawag—wala porket di kami nakadalaw.” Tahimik si Winter. Walang depensa. Walang paliwanag. “Marcus,” saway ni Adrian, na agad namang lumapit. “Enough.” “Kuya, I’m just saying the truth,” sagot ni Marcus, hindi inaalis ang tingin kay Winter. “Hindi niya kailangan ng gan’yan ngayon.” Saglit na nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos— napabuntong-hininga si Marcus at napalingon sa iba. “Fine.” Tahimik muli ang paligid. Lumapit si Adrian kay Winter. Hindi ito kasing init ng kanilang ama— pero hindi rin malamig. “Welcome back,” mahinahon nitong sabi. Tumango si Winter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD