CHAPTER 2

1781 Words
Pagkaalis ni Winter, nanatiling tahimik ang hapag-kainan sa loob ng ilang segundo. Tanging tunog ng kubyertos at mahinang hangin ang maririnig— hanggang sa basagin ito ni Don Alfred. “Gusto kong matupad ang pangarap natin noon, Arthur,” seryoso nitong saad. Napatingin si Don Arthur sa kaibigan, alam na agad kung saan patutungo ang usapan. “Nahuhumaling ang apo ko… sa anak ng iyong ampon,” dugtong ni Don Alfred. “Kahit apo mo rin siya… ayoko sa kanya para kay Andrew.” Tahimik lamang na nakikinig sina Don Arthur at Doña Belinda. Walang nagsalita agad. Alam nilang hindi simpleng usapan ito— kundi desisyon na maaaring magbago ng kapalaran ng kanilang mga apo. “May problema tayo sa bagay na ‘yan, Alfred,” sa wakas ay tugon ni Don Arthur. “Ang apo kong si Winter… parang kasing tigas ng bato.” Bahagya siyang napahinga. “Hindi ko siya makitaan ng totoong emosyon.” Nagkatinginan ang tatlo. “Paano kung hindi niya kayang mahalin ang apo mo?” dagdag ni Doña Belinda, may halong pag-aalala. Ngunit bahagyang ngumiti si Don Alfred—isang ngiting tila may tiwala… o plano. “Minsan, Arthur… hindi kailangang marunong magmahal agad,” mabagal nitong sabi. “Minsan, sapat na ang tadhana para pilitin ang puso.” “At kung tama ako…” tumingin ito sa direksyon kung saan umalis si Winter, “…ang pusong ‘yan, kahit bakal pa—kayang matunaw.” Ngunit hindi nagsalita si Don Arthur. Sa kaibuturan ng kanyang isip— alam niyang hindi ganoon kasimple ang lahat. Dahil ang pusong hawak ng kanyang apo… ay hindi lang sugatan. Kundi binago ng agham. At kung ito man ay tuluyang masira— hindi lang emosyon ang mawawala. Kundi ang buhay ni Winter mismo. “Hindi naman kami tutol sa gusto mo… kung tutuusin, pabor pa nga ako,” kalmadong saad ni Don Arthur. Bahagya siyang sumandal sa kanyang upuan, seryoso ang tingin kay Don Alfred. “Ngunit ang tanong… payag kaya ang mga apo natin?” Saglit siyang tumigil, saka nagpatuloy— “Lalo na ang apo mo. Balita ko… kasing lamig din ng yelo kung makitungo ang iyong apong si Andrew.” Tahimik ang ilang segundo. Parang sinusukat ng bawat isa ang lalim ng sitwasyon. Ngunit si Don Alfred— nanatiling matatag. “Wala siyang magagawa sa gusto kong mangyari,” diretso nitong sagot. “Lalo na kung mana ang pag-uusapan… hindi niya ako susuwayin.” Bahagyang kumunot ang noo ni Doña Belinda. “Ibig mong sabihin… pipilitin mo siya?” “Hindi pipilitin,” sagot ni Don Alfred, sabay ngiti ng bahagya. “…ipapaalala ko lang kung ano ang mawawala sa kanya kapag hindi siya sumunod.” Tumahimik muli ang paligid. Sa puntong iyon— hindi na ito simpleng kasunduan. Isa na itong laro ng kapangyarihan. At ang mga apo nila— ang magiging piraso sa gitna nito. “At ang apo ko naman…” mahina ngunit mabigat na saad ni Don Arthur, “hindi ko siya kayang pilitin.” Napatingin siya sa direksyon kung saan umalis si Winter. “Pero kilala ko siya… kapag sinabi kong kailangan—gagawin niya.” Isang katahimikan ang bumalot sa kanila. Parehong matigas. Parehong hindi marunong umatras. Parehong… sanay masaktan. “Kung gano’n, malinaw na,” saad ni Don Alfred. Command Center Tahimik ngunit puno ng tensyon ang loob ng command center. Sunod-sunod na pumasok ang bawat miyembro ng team, suot ang kani-kanilang seryosong ekspresyon. Lahat ay handa—pero ramdam ang bigat ng paparating na misyon. Huling pumasok si Winter. Diretso ang lakad. Walang emosyon. Paglapit niya sa gitna, agad siyang nagsalita— “Anong meron sa Pilipinas… at bakit doon naka-base ang mission natin?” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Napatingin ang kanilang pinuno—isang lalaking bihasa na sa ganitong klaseng tanong. Ipinindot nito ang remote, at agad na lumabas sa malaking screen ang profile ng isang tao. Isang lalaki. Mukhang nasa early 50s. Matikas, may awra ng kapangyarihan. “Target is not for elimination,” panimula ng pinuno. “This is a protection mission.” Bahagyang kumunot ang noo ni Winter. “Protection?” “Yes. His name is—” lumitaw ang pangalan sa screen Dr. Rafael Monteverde “Isa siyang kilalang scientist at business magnate sa Pilipinas. May hawak siyang impormasyon at teknolohiya na kayang baguhin ang takbo ng ilang industriya—military, medicine… even bio-engineering.” Bahagyang tumahimik ang buong team. “At dahil doon… target siya ng iba’t ibang sindikato,” dagdag ng pinuno. “Gusto nila ang kanyang kayamanan, impluwensya… at higit sa lahat—ang kaalaman niya.” “Kidnapping?” tanong ni Ghost. “Or assassination,” sagot ni Viper, malamig ang tono. Tumango ang pinuno. “Both are possible. Intelligence reports suggest multiple groups are already moving.” Napatingin si Winter sa screen. Hindi niya alam kung bakit— pero may kakaibang pakiramdam. Parang… hindi lang basta misyon ito. “Your job is simple,” dugtong ng pinuno. “Keep him alive. No matter what.” “Timeline?” tanong ni Blaze. “Indefinite. Hangga’t hindi nawawala ang threat.” Tahimik si Winter. Nakatingin lang sa pangalan sa screen. Monteverde. Isang apelyidong… parang pamilyar. “You leave in 12 hours,” huling saad ng pinuno. “And Winter—” Napatingin siya rito. “You’re leading this operation. Don’t fail.” Saglit na katahimikan. Pagkatapos— “I won’t.” MISSION TEAM (Elite Unit) 1. Winter Williams Codename: Frostbite Nationality: Half Filipina / Russian Role: Leader | Class A Rank 1 Operative Specialty: Close combat, strategic planning, high-risk infiltration Kilalang walang sablay—precision at control ang puhunan niya. 2. Elena Petrov Codename: Viper Nationality: Russian Role: Sniper / Long-range assassin Specialty: Stealth kills, surveillance, patience Tahimik pero deadly—isang bala, isang target. 3. Maya Cruz Codename: Pulse Nationality: Filipina Role: Medic / Tech support Specialty: Field healing, hacking, comms Siya ang buhay ng team—literal at digital. 4. Lucas Reed Codename: Blaze Nationality: Canadian Role: Demolitions / Heavy assault Specialty: Explosives, breaching, front-line combat Maingay, mabilis, at laging unang sumusugod. 5. Ivan Kozlov Codename: Titan Nationality: Russian Role: Defense / Heavy weapons Specialty: Shielding team, endurance, brute force Halos hindi matinag—siya ang pader ng grupo. 6. Daniel Park Codename: Ghost Nationality: Korean Role: Stealth / Infiltration Specialty: Silent movement, intel gathering, disguise Hindi mo siya mapapansin… hanggang huli na ang lahat. “At may isa pa pala,” dagdag ng pinuno habang muling pinindot ang remote. “May kanang kamay ang doktor na ‘yon. Isa rin siyang professor. Hindi ko nabanggit kanina—may mahalaga silang research na tinatapos. Kailangan n’yo rin siyang bantayan.” Nagpalit ang image sa screen. Isang lalaki. Mukhang nasa late twenties. Matikas ang tindig. Gwapo—yung tipong madaling mapansin kahit saan. Pero ang pinaka-kapansin-pansin— ang kanyang mga mata. Malamig. Parang walang emosyon. “And who is he?” tanong ni Maya, nakakunot ang noo. “He is Professor Andrew Miller.” Isang katahimikan ang bumalot sa silid. At sa sandaling iyon— parang may tumigil sa loob ni Winter. Dahan-dahan siyang napatingin sa screen. Hindi niya maalis ang tingin. Pinagmasdan niya ang mukha nito— ang linya ng panga, ang titig, ang kabuuan nito. Parang… pamilyar. “Andrew… Miller…” mahina niyang bulong sa sarili. Pinilit niyang alalahanin. May kung anong kumikirot sa likod ng kanyang isip— isang alaala na gustong lumabas… pero hindi mabuo. Isang mukha. Isang boses. Isang nakaraan. Pero— Wala. Blangko. “Problem, Frostbite?” tanong ni Ghost, napansin ang kanyang katahimikan. Mabilis siyang kumurap. At sa isang iglap— bumalik ang malamig niyang ekspresyon. “Wala.” Diretso. Walang emosyon. Pero ang totoo— May kung anong gumalaw. Isang bagay na matagal nang tahimik. At kasabay nito— isang kakaibang tunog mula sa kanyang dibdib. Tik… tik… tik… Hindi pantay. Hindi normal. Ang pusong bakal niya… ay muling nag-react. “You’ll be working closely with him,” dagdag ng pinuno. “He doesn’t trust easily. At ayon sa intel, hindi rin siya madaling pakisamahan.” “Perfect,” malamig na komento ni Viper. “Another cold genius,” dagdag ni Blaze. Pero si Winter— nanatiling tahimik. Nakatingin pa rin sa screen. Hindi dahil sa mission. Kundi dahil sa pakiramdam na— Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang lalaking iyon. At sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas… May isang tanong na unti-unting nabubuo sa isip niya— Bakit parang may nawala… na siya lang ang nakakaalala? “Magpapanggap kayong transferees sa eskwelahan nila,” saad ng pinuno habang pinapatay ang screen. Bahagyang kumunot ang noo ni Blaze. “Students?” tanong nito. Umiling ang pinuno. “Hindi bilang ordinaryong estudyante… kundi para sa special learnings program. Exclusive iyon—para sa mga piling indibidwal lang. Doon naka-assign sina Dr. Monteverde at Professor Andrew Miller.” “Meaning… malapit tayo sa target 24/7,” sambit ni Ghost, nakangisi nang bahagya. “Exactly.” Tumango si Winter, tahimik na pinoproseso ang lahat. “Your identities are already prepared. Clean records. Walang bahid.” dagdag pa ng pinuno. “Parang wala naman na kaming dapat malaman,” saad ni Viper habang nakasandal. “Si Frost pa lang… ubod na ng talino.” Napatingin si Blaze at napangisi. “Yeah, siya na bahala sa brains, ako sa pasabog.” “Focus,” malamig na singit ni Winter. Agad natahimik ang dalawa. Isang salita lang— pero sapat para ibalik ang lahat sa ayos. “Remember,” seryosong saad ng pinuno, “this mission requires subtlety. Hindi pwedeng puro lakas. Kailangan ninyo makihalubilo… para magtiwala sila sa inyo.” “Trust is overrated,” bulong ni Viper. “Not this time,” sagot ng pinuno. “Kapag nagkamali kayo… hindi lang buhay ng target ang mawawala. Pati ang research na hawak nila.” Tahimik si Winter. Pero malinaw sa kanya— Hindi ito basta mission. Kailangan niyang lumapit. Kailangan niyang magtiwala… o magpanggap na kaya niya. At higit sa lahat— Kailangan niyang harapin ang lalaking hindi niya matandaan… pero parang may bahagi ng sarili niya ang nakakakilala. “Departure in 12 hours,” huling saad ng pinuno. “Dismissed.” Habang naglalakad palabas ang team— “School setup?” bulong ni Pulse. “Medyo nostalgic ah.” “Don’t get comfortable,” sagot ni Ghost. “Hindi naman ako ang walang emosyon dito,” pilyang sabi ni Blaze, sabay tingin kay Winter. Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Pero sa loob niya— Hindi mission ang iniisip niya. Kundi isang pangalan. Andrew Miller. At ang tanong na ayaw niyang sagutin— Ano ang koneksyon niya sa lalaking iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD