CHAPTER 3

3535 Words
Mag-isa sa loob ng kwarto si Julie habang hawak ang kanyang gitara. Kanina pa siya kumakanta. Basta na lang tuloy tuloy ang kanyang pagtugtog hanggang sa nakabuo na siya ng isang awitin. You are my dream you are my hope You are my love and baby you are my heart Every time I see you near I wanna be close to you And how can it be 'coz I know it's impossible to make it happen But still you are She stopped playing and sighed before placing her guitar back on its stand. Aminin man niya o hindi may pinagaalayan siya ng kanta. Lalo na sa parteng 'Coz I know it's impossible to make it happen.' She sighed and stared at the guitar for a moment. Pinagiisipan pa kasi niya kung ano ang tutugtugin para sa recital bukas. Kasama niya si Sam at Tippy na pioneer ng music school na iyon. Napatingin siya sa labas ng bintana at saktong nakita na nagjojogging si Elmo. Muhkang patapos na ito dahil basa na ng pawis. Tumigil ito sa tapat ng bahay nila at nagsimulang mag cool down. Maya-maya lang ay naghubad na ito ng suot na sando. Oh my god ang macho. Julie shook her head awake. Ito siya at sinasabi sa sarili na hindi niya dapat na palakihin ang nararamdaman sa kaibigan pero ano ang ginagawa niya ngayon? Minamanyak niya. Lalayo na sana siya sa bintana nang sakto naman ay nagangat ng tingin si Elmo. She stopped when he smiled and waved her way. Hindi na kaagad siya nakapagreact pero mahinang kumaway na lang din. Haay umagang umaga kasi nagpapakita ng pandesal ito si Elmo. Palibhasa alam na maganda ang katawan. Bwisit talaga. She sighed and stood up from her position by the window sill and went downstairs. She heard some shuffling and she knew where that came from. Kaagad siya dumeretso sa art room ng kanyang mommy at hindi naman na nagulat nang makita ang ina na nagpipinta. She smiled as she saw the almost finished masterpiece at the easel. "Hi baby." Bati ni Joy nang makita siya na nakasilip sa may pintuan. "What's that mommy?" Tanong ni Julie at lumapit sa ina para tingnan ang pinipinta nito. Napangiti siya nang makita na larawan ito ng isang pamilya. There were only shadows but she could see a mom, a dad and two kids. A young man and a young woman. "Tayo ba yan?" Tanong pa ni Julie Anne. Joy smiled and reached out to caress Julie's face while still looking at what she drew. "You always reflect your art on what you love." "Kaya pala love mo si daddy, kasi Art pangalan niya." Tumawa si Julie sa sarili niyang joke. Baka malugi siya. "Huli mo na yan anak." "Ang corny no ma?" Napatingin ang mag-ina sa nagsalita ay nakita na nandoon sa may pintuan ni Elmo. Wala pa rin ito pantaas at talaga namang basa pa sa pawis. Lumapit ito at walang kahiya hiya na inakbayan si Julie Anne. "Elmo naman eh." Ungot ni Julie. Paano lumalapat ang pawis nito sa kanya. Pero hindi siya nandidiri. Dahil kahit pawis ay mabango naman si Elmo. Ang daya nga na ganun eh. "Kunwari ka pa Tags." Sabi pa ni Elmo. "Diba mabango pa rin naman ako." "Yuck ehh. Yung kili kili mo kinakaskas mo pa talaga sa akin." Sabi pa ni Julie. Mahinang tumawa si Joy habang tintingnan ang dalawa. "Siguro kayong dalawa talaga ang magkakatuluyan." At siyempre ay nagulat ang dalawang kabataan. Nanlaki pa pareho ang mata nila at si Julie naman ay tinago na lamang ang lahat sa kunwaring pagtawa. "Funny ka talaga mommy. Hindi kami talo ni Elmo no!" "Aww sayang." Kunwari ay sabi pa ng mama niya. "Akala pa naman namin kayo tinadhana. Sadya yun eh. Kaya nga 20 days lang pagitan ng birthday niyong dalawa." "Ikaw talaga ma." Sabi na lang din ni Elmo at sinampay sa balikat ang hinubad na t-shirt. "Balik na ako sa taas ma." Sabi naman ni Julie at naunang lumabas ng kwarto. Peste kasi ito si Elmo sisisngit singit sa usapan. Narinig niyang nakasunod pa ito sa kanya paakyat ng bahay at hindi na lamang pinansin. "Tags, ano gagawin mo ngayon?" She stopped when she heard the guy asking her that. Nasa gitna pa rin sila ng hagdanan nang magsalita ito. Umikot siya para harapin ito at nakitang hinihintay nito ang sagot niya. Bakit kaya? "Wala naman. Dito lang siguro sa bahay." "Kain tayo sa labas." Biglang sabi ng lalaki at lumapit pa sa kanya. Wala ba itong hiya?! Hubad na hubad lapit ng lapit! Napaatras siya at muntik pa madapa sa stairs pero mabilis na nahila palapit ni Elmo para steady lang ang tayo nila. Their faces were so close to each other. Ang daya talaga. Kaka jogging lang ni Elmo pero ang bango pa rin. Samantalang siya e baka nangangamoy na. Siya ulit ang unang lumayo. "B-bakit?" Tanong pa niya dito. Hanggang sa maari ay iiwasan niya ang kaibigan. Hanggang sa mawala lang ang nararamdamn niya para dito. Kumunot naman ang noo ni Elmo sa tanong niya. "Anong bakit? Gusto ko lang kumain sa labas." Saka lang napagtanto ni Julie na masyado siyang defensive. "S-sorry." Tanging nasabi niya. Parang nainis kasi si Elmo sa tanong niya. "M-medyo tinatamad kasi ako eh. Gusto ko lang dito sa bahay." Mabilis siyang naglakad palayo at pumasok na ulit sa kwarto niya. She sighed heavily as she sat back down on her bed. Muhkang magiging mahirap itong pagiiwas niya ah. Tumambay lang siya sa loob ng kwarto niya at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunang maligo. Kakalabas lamang niya mula sa banyo nang marinig na may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. "Sandali--!" "Tags nagluto ako ng--HOWSHIIIT!" Napatalon sa kama si Julie at mabilis na binalot ang sarili ng kumot. Nakatayo sa may pintuan si Elmo na sinusubukang saluhin ang hawak na tray ng pagkain. Pero wala, nalaglag na ito. Nalaglag na at lahat hindi pa rin makagalaw ang lalaki habang nakatitig kay Julie. "Get out of my room Tags!" Julie couldn't help but scream. "Ah--oo, s-sorry, okay ka lang ba--" "Get out!" "Sh-s**t. Oo sige wait." Muntik pa madapa si Elmo nang nagmamadaling lumabas ng kwarto. Hinihingal na dumeretso ng upo si Julie sa kama. Shet may nakita kaya sa kanya si Elmo? Aligaga siyang nagbihis at nagsuklay bago bumaba sa sala ng bahay nila. Naabutan niya si Elmo na nakaupo sa may sofa at tulala sa kawalan. Mabilis siyang lumapit at hinampas ang balikat nito. "ARAY!" "May pakatok katok ka pang nalalaman e bubuksan mo din naman pala kaagad yung pinto!" Inis na sabi niya at binunot ang throw pillow na katabi ni Elmo at pinaghahampas ang lalaki. "Aray aray Tags tama na!" Sinangga ni Elmo ang mga hampas ni Julie at mabilis na sinalo ang dalawang braso niya. Inis pa rin na tiningnan ni Julie ang lalaki. "Kainis ka talaga." "I'm sorry. Gusto lang naman kita pakainin nung ginawa ko na pesto eh." Elmo said apologetically as he pulled Julie to sit beside him. Pero hindi pinansin ni Julie ang lalaki. Naka-iwas pa rin ang tingin na nagsalita siya. "May nakita ka ba?" Nang hindi sumagot ang lalaki ay napasulyap na rin siya dito. Elmo had a blank look on his face. "Gusto mo ba talaga malaman?" "Oh god." Nahihiyang napatakip ng muhka si Julie Anne. "Kalimutan mo na lang kung ano nakita mo!" Nahihiya pa rin niyang sabi at tatayo na sana mula sa sofa nang hilain siya pabalik ni Elmo. "Look Tags, I'm sorry talaga. Sexy ka naman eh--" "Stop stop! Stop oh my god stop." Pigil ni Julie dito at hinarang ang kamay sa may bibig ng lalaki. "Argh!" she squeaked when Elmo licked the skin of her palm. "Kadiri ka talaga!" Hindi makapaniwalang tiningnan ni Julie ang lalaki. Nasesexyhan daw ito sa kanya? Kagaguhan. "Sumbong kita kay mommy nagd-drugs ka ata." Umupo siya sa kabilang sofa at sinimangutan ang lalaki. Pero... "Ungas ka talaga wag mo ako nginingitian!" Naiinlove ako lalo! Ngumiti ulit si Elmo at tumabi pa sa kanya. Julie clicked her tongue in annoyance. So paano na lang siya iiwas dito diba. Buset eh. "Wala ka ba magawa? Diba sabi mo gusto mo lumabas? O alis layas." Elmo pouted her way. At inakbayan nanaman siya ng lalaki! Wala na ba ito alam na ibang gawin. "Hindi mo ba ako namimiss Tags? Hindi na tayo nakakahang out eh. Nung party nga bigla ka nawala e." "Eh paano kasama mo si Ehra paano mo ako mapapansin." "Ano yon Tags?" "Ha? Ah wala." Julie faked a smile. Before Elmo could speak again, his phone started beeping from inside his shorts. Sinubukan ni Julie wag tumingin kaso masyado automatic ang mata niya. At sana lang hindi na lang niya nakita. Because it was Ehra calling. Mabilis siyang tumayo mula sa sofa na iyon at sakto naman ay tumutunog din ang telepono niya. It was Tippy calling. "Jules!" "Hey Tips, what is it?" =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= "Saan ka pupunta?" Natigilan si Julie nang marinig si Elmo na nakasunod sa kanya. Papasok na sana siya sa sarili niyang kotse nang marinig niyang magsalita ito. "Sa school. May exhibition game eh." Yeah she played volleyball from time to time. "Pupunta din ako. Nagayaya si Ehra manuod daw ako." He said with this happy smile on his face.  Sumakit nanaman ang dibdib ni Julie sa narinig. Pwede bang bawat beses na banggitin ni Elmo si Ehra e mamanhid na lang siya? Literal na masakit kasi. "Ah okay sige. See you." Sabi na lang niya at papasok na sana sa kotse nang kunin harangin ni Elmo ang kamay sa pinto bago pa ito sumara. Sira ulo talaga ito, pano na lang kung maputol kamay nito?! "What?" Julie asked. Nakaupo na siya sa driver's side ng mini cooper niya habang si Elmo ay nakahawak pa din sa may pintuan. "Bakit hindi ka na lang sumabay sa kotse ko?" Tanong pa ng lalaki. Mabilis na dumaan sa isipan ni Julie ang sitwasyon. Si Ehra ang nagimbita kay Elmo manuod ng exhibition game. Malamang pagkatapos noon ay magyayaya pa ito kumain o kung ano man. Siyempre di siya invited. Edi saan siya pupulutin nun? Magcocommute diba? "Wag na. Malay mo mag-date pa kayong dalawa mamaya diba?" Sabi niya sa lalaki. She saw the surprised look the guy had on his face before she closed the door and drove off. Hindi ka maapektuhan Julie, remember? Nakadating siya sa eskwelahan nila nang matiwasay. Mabuti na lang at nagyaya nga ito si Tippy. Para naman mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay. Nagkita sila ng kaibigan sa mismong locker rooms ng eskwelahan. Ang younger years na varsity ay nandoon din. Sadly ay hindi nagvarsity si Julie kahit hilig din naman talaga niya noon magvolleyball. Mas pinili niya kasi ang music and arts niya na ibalanse sa academics. So she had to let sports go. "Hi Julie!" Napatingin si Julie sa nagsalita at nakitang papalapit sa kanya si Ehra. Nakasunod dito si Elmo na mahinang ngumiti sa kanya. She nodded at the guy's direction and held her gym bag tighter. "Sasali ka din sa exhibition game?" Tanong ni Ehra. Mas matangkad si Julie ng kaunti kay Ehra but the other girl stood herself tall and proud as they talked. "Uh yeah, sa team ako nila Tippy." She answered with a small smile. "Magkalaban pala tayo." Ngiti naman ni Ehra. "Ka-team ko si Sally eh." At saka ito humarap kay Elmo na nakatayo pa rin sa likod. "Cheer mo kami Moe ah?" "U-uh. Oo ba." Sagot naman ng lalaki. Julie quickly walked away and dressed in her sports attire. Simpleng sleeveless jersey at shorts ang baon niya. "Haba ng legs mo Jules!" Sabi pa ni Tippy nang makita ang suot niya. Ngumiti lang siya biglang sagot at inakbayan ang kaibigang mas maliit. "Let's go get em Tips!" Lower years na mga susunod an senior na ang kasama nila sa isang team. "Hi Ate Julie!" Sabi ni Nia, ang susunod na captain ball ng volleyball varsity. "Hello! Palaro ako ah." Tawa ni Julie. "Oo naman ate ikaw pa!" They took their places after warming up. Napasulyap si Julie kay Elmo na tahimik na nakaupo sa isang bleacher katabi ng bag ni Ehra. Kumaway ito sa kanya and she gave a small wave back before concentrating on the game. "Mine mine!" "Set!" Julie leaped high and threw a perfect spike. Sakto ito sa pwesto ni Ehra na sa gulat ay hindi nasagot ang tira. "Yes!" Nakipag-apir si Julie sa mga ka-team. "YES WHOO TAGS KO YAN!" Napatingin ang buong court kay Elmo na bigla na lang nagch-cheer sa pwesto nito sa bleachers. Nagawang itago ni Julie ang pamumula ng muhka at mahinang tumawa na lamang bago bumalik sa pwesto. Umayos na din si Ehra at nagsimula ulit sila maglaban. "Akin to!" Bumwelo muna si Ehra at pinalipad ang bola sa malakas niyang hampas. "Ah!" Naiwas ni Julie ang ulo nang bahagya pero natamaan pa rin siya. Muntik pa siyang mapaupo pero nasalo naman niya ang sarili at nanatili na nakatayo. "s**t! Julie I'm sorry!" Napalapit sa kanya si Ehra at tiningnan ang muhka niya. Medyo namumula ang bandang panga ni Julie. She shook the pain away and smiled at everyone who was crowding her. "Okay lang ako mga beshy, buti nalang malaki itong baba ko." Tawa niya sa mga tao. "Tags! Tags!" Ngayon lang nakalapit si Elmo dahil nasa medyo mataas itong bleacher. "Are you alright?" Lumapit pa ito at tiningnan ang namumula niyang muhka. "OKay lang ako Tags, ano ba." Sabi naman niya. But Elmo had already placed a hand on her face and was tilting her head forward. "No, pahinga ka kaya muna, mamamaga na ata eh." "Lakas nung hampas bes!" Sabi bigla ni Sally kay Ehra. "Wala, magaling ka talaga mag laro eh." Hindi naman pinansin ni Ehra ang sinasabi ng kaibigan at muli ay humarap kay Julie Anne. "Julie, sorry talaga." "Ano ka ba hindi mo naman sinasadya iyon." Ani Julie kay Ehra. At sigurado naman siya na hindi talaga sinasadya ni Ehra iyon. This was a sport and accidents like that happen sometimes. She smiled at the girl's way. Ang hirap naman maasar kay Ehra. Ang bait at ang ganda kasi nito. "Still, mag pahinga ka muna Tags." Sabi naman ni Elmo kay Julie Anne. "Patay ka kay papa kapag nakita niya yang pisngi mo." Julie rolled her eyes but nonetheless sat by the side. "Sub din muna ako. Nakakadrain." Sabi pa ni Ehra. "Jules okay ka lang?" Nagpasub na din sa laro si Tippy at hinila sa isang tabi si Julie Anne. Bumalik si Elmo at Ehra sa pwesto kung nasaan ang bag ng babae. She saw Elmo looking her way and she only smiled in answer before sitting down at the sides. "Okay ka lang Jules?" Tanong pa sa kanya ni Tippy. Nagpapahinga na silang dalawa at hinahayaan na ang mga mas bata muna ang mag laro. Pasimple siyang sumulyap kay Elmo at kay Ehra. Nakita niyang inaasikaso ng lalaki ang babae. Binibigyan nito si Ehra ng tubig at pinapapaunas pa ng pawis. Sakit beh. "Why don't you tell Elmo?" Biglang sabi ni Tippy sa tabi niya. Napalingon siya sa kaibigan at nakita na hinihintay ni Tippy nasumagot siya. She gave a tired sigh and smiled sadly before shaking her head. "I don't think it really matters Tips." Kulang na iwasan niya si Elmo eh. Kasi kahit anong iwas niya may nararamdaman pa rin siya. Ibang tactic ang kailangan niya. Kailangan niya ata manhirin na ang sarili. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Mabuti na lang at nakinig si Julie sa instincts niya Dahil pagkatapos ng exhibition game ay dumeretso nga sa labas si Elmo at si Ehra. It was after lunch when she got home. Hindi nga siya nakakain e pero nalaman naman sa sarili na hindi naman talaga siya gutom. Sa school naman na siya nakapagshower kaya pagdating sa bahay ay gusto na lang niya magpahinga. Nakita niyang nagbabasa sa may lanai ang mommy niya. "Hi mommy." Bati niya at hinalikan sa pisngi ang nanay niya na nginitian naman siya pabalik. "Hi baby. Where's Elmo?" Tanong ni Joy. "Ah, si Elmo? May date pa." She tried not to sound too bitter but apparently it came out too strong. Joy somberly looked at her and stroked her cheek. "Baby, it's never too easy to hide your feelings." Kinabahan ng lubusan si Julie sa sinabi ng nanay niya. Nanlaki ang mga mata niya at nginitian lang naman siya ni Joy. "Anak kita, at siyempre nakikita ko kayo ni Elmo habang lumalaki. Why don't you tell him?" "He doesn't like me that way mommy." She answered sadly. She brought her knees together and rested her chin on top of them. "Paano mo naman nalaman?" Tanong pa ni Joy sa kanya. Julie shrugged in answer. "He likes someone else. At saka...wala naman magkakagusto sa akin eh. She meant the last part as a whisper but her mom heard everything. Inakbayan siya ni Joy at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Always remember that you are beautiful, baby. Never let anyone tell you otherwise. You have a beautiful face, but most of all, you have a beautiful heart." Smiling, Julie hugged her mom tight. Sometimes all you need is to feel a mother's warmth. Pasimple niyang sinulyapan ang kanyang ina at pinigilan ang sarili na maluha. Her mom was still young but already had cancer. Chemo wasn't an assurance but it was their best bet. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Nagising si Julie nang maramdaman na may pumingot sa ilong niya. She scratched it and opened her eyes. Kaagad siyang napasimangot nang makita si Elmo. Nakangisi ang lalaki sa kanya. Nakatulog nanaman pala siya sa windowsill ng living room ng kanilang bahay. "Ito na kaya gawin mong kwarto." Tawa ni Elmo. Dumeretso siya ng upo at tumabi naman sa kanya ang lalaki. "Bigla bigla ka nanaman nawala. Hindi ka sumama sa amin nila Ehra." Hindi pinansin ni Julie ang huling sinabi ng lalaki. "Nakakainis ka naman manggising eh. Ay oo nga pala, wala naman way manggising na hindi nakakainis eh." Ngit-ngit pa ni Julie. Napasulyap siya sa orasan ng kanyang relo at nakitang gabi na rin pala. "Napatagal ang date niyo ni Ehra ah." Sabi ni Julie Anne. Lumingon sa kanya si Elmo. Nakasandal sila pareho sa malaking bintana na iyon. "Huh?" "Kunwari ka pa." ngiti ni Julie. "Binata na ba ang Tags ko?" Dito na niya ipapasok ang bagong tactic niya. Kailangan manhid na siya. Kailangan hindi na siyamagseselos. Kailangan wala na siyang mararamdaman para kay Elmo. Namula ang likod ng tainga ni Elmo at nag-iwas ito ng tingin. "Tss. Sira. Pinagsasabi mo dyan." "Yiii. Kayo na ba ni Ehra?" Whoo s**t anfg sakit, pero kailangan ko marinig para naman masapak na ako ng katotohanan. "Hindi no." Nahihiya pa na sabi ni Elmo. Julie softly looked at the young man in front of her. Haay. Pakagwapo. Humarap pa ito kaya natapilok ata ang puso niya. Her breath hitched when he looked at her. "You can tell me anything you know." Julie said. Panigurado basa nanaman ang unan niya mamayang gabi pero okay lang. Parang gusto na nga niya sumuka at matae at the same time. Kasi sa totoo lang ayaw na niya malaman pa kung may namamagitan nga kay Elmo at Ehra. Pero gusto na talaga niya mamanhid. "What do you think of Ehra?" "She's sweet." Ani Elmo. "And she makes me feel special, you know, basta parang ang sarap niya alagaan." Tuloy pa nito. Julie nodded her head as if understanding. Muhkang tinamaan na ngang tunay ito si Elmo. "Naks naman. You two are lucky then." She croaked. "Malay mo, kayo talaga magkatuluyan." Tangina ang sakit naman nitong ginagawa ko sa sarili ko. "Don't let go of that. Baka magsisi ka sa dulo. Go for her." Shet ito na tutulo na ang luha niya. Hindi pwede. "Bakit parang pinaparaya mo ako?" Seryosong tanong ni Elmo. His voice was hushed as he looked at her. Mahinang tumawa si Julie para itago ang nagbabadyang luha. "Pinaparaya? Bakit? Akin ka ba?" She chuckled again but stopped when she saw how Elmo was looking at her. "Tags..." He called out again. Voice a little husky. "Hindi mo ba ako tatanungin, of what I think of you?" "Huh?" Gulat na sambit ni Julie Anne. She glanced his way and found out that he was so close that she could see her reflection in his eyes. "T-Tags." Nagulat siya nang lumapat ang labi ni Elmo sa labi niya. It was soft. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at sinubukan niya lumayo pero hinawakan ni Elmo ang magkabila niyang braso. At nagpaubaya siya. Baka panaginip lang ito at natutulog pa rin siya sa may window sill. Elmo's lips moved against hers and she moved hers too, closing her eyes and just savoring their skin tingling as they moved. "MA'AM JOY!" Mabilis siyang napahiwalay kay Elmo nang marinig iyon. Nagkatinginan sila at sabay pa na napatayo nang marinig nila si manang. "GERALD ANG KOTSE ILABAS MO! SI MA'AM JOY HINIMATAY" =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Haba nung chap diba pero alam ko bitin pa din kayo whehehe! Maghanda dahil medyo nakakaloka ang mga susunod na pangyayari hhihihi! Thanks for reading! Comment and votes please!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD