CHAPTER 2

2447 Words
Maingay sa loob ng bahay nila Sam dahil halos ang buong batch nila ang nandoon. Sa laki ba naman ng bahay ng kanilang kaibigan ay talaga namang pwede ka mawala dito. "Tags ah! Wag ka masyado iinom!" "Opo tatay!" Inis na sabi ni Julie. Kakadating lang nila ni Elmo sa bahay nila Sam at ito pa ang nagdrive ng kotse. Kung ikukumpara kasi silang dalawa, mas sumasakit ang ulo ng magulang ni Julie sa kanya. She wasn't a wild child or anything pero may rebellious streak din siya. Si Elmo lang naman ang akala mo ay anghel gumalaw eh. Humiwalay na siya dito at nakihalubilo sa mga ka-batch nila. "Hi Julie!" "Hey Jules!" Ngumiti lang pabalik ni Julie at hinanap muli ang mga kaibigan niya. May pagkamahiyain din siya kaya napagkakamalang masungit. Marami din ang buong batch at kahit hindi naman pumunta lahat ay di pa rin madaling bilangin ang tao na nandoon. The music was booming hard across the whole house as Julie saw Tippy and Sam at the end of the room. Papalapipt na sana siya sa dalawa nang mpatili nang may sumundot sa magkabila niyang tagiliran. "Ahhh!" Umikot siya para makita kung sino ang lapastangan na nanggugulat na lamang ng ganun ganun at napangiti nang makita kung sino iyon. "BES!!!" "BRUHA KA! PAK CHAK GANERN KA KASI KAYA DI MO AKO NAPANSIN!" Julie paid no mind to what the girl said and leap up to hug her. "Maquiiiiiii!!!!" Maqui is Julie's female best friend. 1st year college na ito dahil ahead ito ng isang batch sa kanilang lahat. "Di ako nakapunta kanina kasi nagayos pa ako ng requirements pero congrats sa best friend kong maganda!!!!" Maligalig na sabi ni Maqui at muli ay yumakap kay Julie. "Tara tara doon tayo kayla Tippy!" Ani Maqui at hinila pa si Julie Anne kung nasaan si Tippy. Wala na si Sam sa tabi nito at ang iba pa nilang kabatch ang katabi na. "Ayan na ang salutatorian!!!" Tippy yelled. The others sitting on the couch also cheered on as Julie chuckled and sat beside Tippy, pulling Maqui with her. "Hi Maq!" Bati din ng ilan dahil same school din naman grumaduate si Maqui. "Ang all out mag pa-party ni Sam ah." Julie said as she observed everything around her. Hindi naman wild ang mga tao pero medyo may kaingayan lang talaga. Isabay pa ang malakas na music. Marahil ay nasa isang business trip nanaman ang pamilya ni Sam. Ito kasi ang bunso kaya may pagkaspoiled din. Puro sila babae sa couch na iyon. Julie, Maqui, Tippy, and three of their batch mates namely Alexis, Princess and Riley. "Hindi mo ata kasama si Elmo, Jules?" Tanong ni Alexis habang kumakagat ng pizza na naka serve sa table sa harap nila. Pero bago pa makasagot si Julie ay siya namang lapit ng iba pa nilang ka-batch. Julie stilled when she saw Ehra approaching them. Mabait naman si Ehra. Isa nga ito sa pinaka friendly sa batch nila eh. "Hi guys!" Bati pa ni Ehra. At kung mahal ka nga naman ni tadhana, sa kanya pa ito tumabi. Siya kasi ang nakaupo sa pinakadulo kaya naman sa kanya din nagsimula umupo ang mga bagong dating. "Asan sila Elmo?" Tanong pa ni Ehra. At sabay sabay naman napahiyaw ang iba pa nilang kasama. "Yiiii." Sabay sabay pa na hiyaw ng mga kasama nila. "Ikaw talaga Ehra grumadweyt na tayo at lahat ikaw pa rin ang naghahanap kay Elmo." Ani Alexis. "Ui grabe di naman." Kunwari na sabi pa ni Ehra. "Hinahanap ko lang. Di ko pa kasi nakikita." Si Julie ay tahimik na nakangiti lamang habang patuloy na inaasar ng mga kaklase si Ehra kay Elmo. "Kung maging kayo man ni Elmo, kayo ang E squared couple o diba ang cute!" Natatawa pa na sabi ni Princess. "Jules." Biglang tawag ni Riley dahilan para saglit na mapatalon si Julie. "Parang kapatid mo na si Elmo no? I mean you two live in the same house. Ano ba ang tipo niyang babae?" Hindi kaagad nakasagot si Julie. E siya nga pinagtatakhan din kung ano ba ang tipo ng babae ni Elmo eh. "Uh, di ko alam eh. Di naman namin kasi napaguusapan yung mga ganyang bagay." Natatawa pa na sabi ni Julie kahit na gusto niya mawala sa eksena. "Lovable naman si Ehra diba." Sabi ng isang kasama ni Ehra na si Sally. "I mean, ikaw yung 5th honorable. Scholar. Mabuting pamliya nanggaling. Saka maganda at sexy o diba!"  Kaunti na lang gusto na ni Julie matunaw at kainin ng sofa pailalim sa mundo ng mga sawi't bigo. Oo nga naman. Kung lalaban man siya (kahit wala naman talagang laban), talong talo siya kay Ehra. Isa kasi ito sa pinakapopular sa batch nila. Bukod sa matalino ay sobrang ganda talaga nito at mabait pa. Sa talinuhan lang ang laban niya kasi nga salutatorian siya. Sa ganda? engk! Talo. Kabaitan? Engk! Sungit sungit nga niya eh. Olats. Buti na lang hindi naman talaga siya lumalaban.  She kept a smiling face the whole while her batch mates kept thinking of situations for Elmo and Ehra.  "Cute siguro ng mga anak niyo."  "E din dapat simula ng pangalan ah."  They stopped when they saw Elmo approaching them. May dala itong baso ng juice at deretsong nakangiti kay Julie pero natigilan nang biglang magsalita si Sally.  "OMG Elmo ang sweet mo para kay Ehra ba yan?! Eh kakilig." Si Ehra ay nahihiyang siniko ang kaibigan pero tumawa lang lalo si Sally.  Caught off guard, Elmo couldn't speak at first. Namula pa ang tainga nito. "Uh...s-sure." Saka niya inilapag ang inumin sa harap ni Ehra at nahihiyang ngumiti.  For a second there Julie thought the drink was for her. Asyumerang tunay ka kasi Julie Anne. Ani na lamang niya sa sarili. She kept that gentle smile on her face. Sa sobrang kakaganun niya sumasakit na ang panga niya.  "Tara bes, nauuhaw na din ako eh. Buti pa si Ehra may taga dala." Ani Maqui at natawa pa habang hila hila si Julie patayo.  Elmo looked like he wanted to say something but Sally pulled him down to sit beside Ehra where Julie was previously sitting.  Julie glanced at him but saw he was already animatedly talking to Ehra. Kaya nagiwas na lamang siya ng tingin at sinundan si Maqui papunta sa may kusina.  "Bes masarap itong punch nila." Sabi niya kay Maqui na nakangiti pero nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakasimangot ito.  "O, problema mo?" Natatawa na tanong ni Julie. Nakakatakot na nakakatawa kasi itsura ni Maqui.  "Eh naaasar kasi ako don sa tropa ni Ehra." They were at the side of the kitchen so no one could really hear or see them.  Nalilitong tiningnan pabalik ni Julie Anne ang pinakamatalik na kaibigan. "Huh? Bakit naman? Anong ginawa nila sayo?" "Tigil tigilan mo ako bes. Sa tignin mo hindi ko kitang hindi ka na komportable sa pinagsasabi nila?" "I don't know what you're talking about." Ani Julie at uminom sa hawak na punch. Damn ang sarap nga. Sumandok pa ulit siya.  "Wag mo ako ineenglish!" Asik pa ni Maqui kaya natawa nanaman si Julie. "Bastusan na pagpartnerin si Elmo kay Ehra sa harap mo." "O e bakit? Anong masama doon? Hindi naman sa akin si Elmo, wala naman gusto sa akin yung lalaking yun." Ani Julie at uminom muli ng punch. Sarap talaga masuntok ng katotohanan. Napailing iling si Maqui. "Bes, bata pa lang tayo may gusto ka na doon kay Elmo." "Wala naman ako sinabi na hindi ko siya gusto." Ani Julie at umupo sa may stool na katabi ng punch. Napainom nanaman siya. "Ang sabi ko hindi niya ako gusto. Those are totally different things."  "So payag ka na lang na ganun?" Kalmado na na tanong ni Maqui at naupo din sa tabi niya.  Lumagok muli si Julie ng punch bago sumagot. Bakit parang umikot bigla inumin niya. Anyways... "Yeah, I mean, it's not a question if I make payag or not, kasi I don't have karapatan." She giggled and downed another glass. "Ang sarap nitong punch no." "Tama na nga yan!" Iniwas pa ni Maqui ang hawak na baso ni Julie Anne at inamoy pa ito. "Gagi bes may alak 'to!" "What?" Gulantang na tanong ni Julie at inamoy ulit ang baso. May kaunting alak nga. Pero kaunti lang naman. Napainom ulit siya.  "Sabing stop!" Hinila ulit ni Maqui ang baso. Tumawa si Julie at hinayaan ang kaibigan. Back to their conversation though. "Anyways, unti-unti ko naman na natanggap na hanggang kapatid lang tingin sa akin ni Elmo. Yung kapatid na kinaiinisan niya kasi napipilitan pakisamahan dahil sa parents." Julie gave a mirthless laugh. Kahit na prinsesa ang turing sa kanya ng magulang ay ayaw niyang pinagsisilbihan talaga siya. It made her feel useless. "Pero maganda naman ako diba bes?" tawa pa niya. "Joke lang wag mo na sagutin..." "Teka lang bes, naihi ako bigla." Ani Julie at naunang tumayo. Hindi siya nasundan pa ni Maqui dahil nagmamadali siyang naghanap ng banyo.  May nakita siya sa dulo ng bahay at mabilis na umihi. Matapos maghugas ng kamay ay lumabas na siya at muntik na tumama sa isang pader. Oh wait. Hindi iyon pader.  "Whoa! Easy there, Jules."  Napatingin siya sa nagsalita at nakita si Jim. Ka-batch mate nila ito. Medyo maloko at muntik pa hindi gurmaduate. Hindi dahil sa mababa ang grades pero dahil mahilig lang talaga sa kalokohan. Gwapo ito, sharp ang features at piercing ang mga mata. Kagaya ng ginagawa nito ngayon kay Julie.  "Hi Jim. Sorry." Mahinang tawa ni Julie. "Naparami ata yung inom ko ng punch?" "Masarap ba? Ako nagtimpla non." Tila proud na sabi ni Jim. Nakatayo lang silang dalawa sa may hallway at naguusap.  "Kaya pala may alak!" Natatawang sagot ni Julie at napangiti din naman sa kanya si Jim.  "Baka nakarami ka ah. Naku sorry. Dapat sinabihan ko si Sam na ipaalam kayo." Ani pa Jim na napapakamot sa ulo.  Julie smiled back then yawned. "Ay sorry. Nakakaantok yung alak eh." Maybe it was time for her to go home? "Parang gusto ko na nga umuwi eh." "There's no fun in that." Ani pa ni Jim. His look turned somber when he saw her blinking her eyes awake. "May maghahatid ba sayo pauwi?" Napaisip si Julie. Mula kasi sa pwesto nila ay kita ang sofa kung saan sila nakaupo kanina. Nandoon pa rin naman ang mga kasama niya kanina. Pero wala na si Ehra at si Elmo. Napalinga linga siya sa paligid pero hindi niya makita kung nasaan sila. Baka... "Wala eh." Sagot niya kay Jim. "Mag taxi na lang ako. Meron naman dyan paglabas sa village." Ngiti niya. Inaantok na kasi talaga siya. "Kasalanan mo to linagyan mo kasi ng alak." Tawa pa niya kay Jim.  Jim smirked back at her. "Wag. Alam mo kung papayag ka ako na lang maghahatid sayo pauwi."  Napaisip si Julie habang tinitingnan ang kaklase. "Wag na. Ayoko makaabala." She smiled. Ayaw na niya. Ayaw na niya mangabala. She started walking away. Itetext na lang niya siguro si Maqui. Hindi rin niya makita kung nasaan na ang kaibigan eh. But she stopped when she felt Jim holding her hand.  "You can't expect me to let you go when you're like that." Sabi nito. He gave a gentle smile. "Hatid na kita para sa ikakapayapa ng loob ko." And so Julie found herself going inside Jim's car. Sinabi niya ang address niya sa lalaki at maingat naman siyang hinatid nito doon. "Jim thank you ah. Promise. I'll make it up to you." Nahihiya na talaga siya kaso ayaw din naman niya mapahamak pauwi at ngayon at least buo siyang nakadating sa bahay nila.   "Date tayo?" Deretsong sabi nito.  And that caught Julie off guard. Ginagago ata siya nito. And so she laughed it off. "Pabor ba yon? Punishment yon." Tawa ulit niya. "No choice ka na ba? Marami tayo ka-batch dyan na gugustuhin ka i-date."  Jim frowned at that. "E ikaw gusto ko eh." Julie incredulously looked at him. Hindi talaga siya naniniwala eh. She chuckled and took her seat belt off. "Pag-isipan mo, baka may ibang bagay ka na mas kailangan. Gusto mo ba ng self portrait? Magaling ako mag drawing." Her art and her music were the two things she was really proud of.  "Basta itetext na lang kita." Tawa pa ni Jim.  "Okay deal." Julie smiled back and Jim's smile grew wider.  "Thanks again!" She said and finally got off the car. She got inside their gate and waved to him before going inside.  "Princess?" It was her dad. Muhkang galing ito sa study. "Bakit mag-isa ka? Asan si Elmo?" "Hi daddy." Bati niya dito at humalik sa pisngi. "Nauna na po ako nasa party pa po siya eh." "E pano ka nakauwi?" Tila nagaalala na tanong ng daddy niya.  "Yung classmate ko po. And I got here safe didn't I? Anyways tulog na po ako dad inaantok na ako eh. Si mommy po pala?" "She's asleep na din." Sumilip muna si Julie sa kwarto ng magulang at nakitang natutulog na nga ang mommy niya. She smiled before heading to her own room. Naghilamos at nag wash up na siya bago nagbihis ng pajama. Sinilip niya ang cellphone at nakitang ang dami niya text message at tawag! From Tags: Julie asan ka? From Tags: Julie wag mo ako tinatakot ng ganito. Asan ka? Hindi kita makita dito sa party.  You missed 25 calls from Tags Nako nakalimutan niya magtext dito! Si Maqui lang ang tinext niya. Hindi niya kasi naisip na hahanapin siya nito.  To Tags: Elmo sorry. Nakalimutan ko mag text. Nasa bahay na ako. Sorry sorry talaga. Ingat ka pauwi. She sighed and placed her phone back on the bedside table. Naaawa na siya kay Elmo. Sana hindi ito masyadong nagalala. Obligado kasi ito bantayan siya dahil sa daddy niya. She hoped he at least had fun at that party. If Elmo had a good time, it was probably because he was with Ehra the whole time. Muhkang magkakadevelopan na talaga ang mga ito. And she had to accept that.  She gripped her pillow and let the tears fall. Dapat ito na ang huling beses. Ang huling beses na maaapektuhan pa siya kay Elmo.  "Don't worry Tags, hindi ka na maoobliga pa ulit sa akin." She whispered and let sleep take her even though her pillow was already damp and tear-stricken.  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Hi! Wala po bubugbog sa akin hahaha! Wawa naman Julie. Hug kita bhe halika dito kahit ako may gawa nyan hahaha! Kwento talaga 'to ni Elmo saka Ehra POV lang ni Julie hahaha charot! Syempre hindi no. Thank you for reading! Please comment and vote to make author happy labyu.  Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD