CHAPTER 1

3036 Words
Julie and Elmo, age 15 Muli ay tiningnan ni Julie ang sarili sa salamin. Okay naman na ang make up niya at inayos pa niya ang suot na salamin sa mata. Pumasok sa loob ng living room si manang na may dalang feather duster.  Mabilis na humarap si Julie sa matanda at ngumiti pa. "Manang maganda na po ba ako?"  "Anak naman, lagi ka naman maganda eh." Ngiti pa ni Manang at nagpatuloy sa paglilinis.  Ngiting tagummpay na hinarap ni Julie Anne ang salamin nang marinig niyang may nagsalita mula sa may hagdanan. "Kunwari ka pa, gusto mo lang marinig na sinasabihan ka ni manang na maganda." Julie turned at the voice and saw Elmo walking down the stairs.  Gaya niya ay nakabihis na ito ng uniform ng kanilang school. Nakaayos ang buhok nito na patagilid. At kung hindi lang siya inaasar nito ay itatatak niya sa isip ang taglay nitong kagwapuhan kaso nauuna ang inis niya.  "Kontrabida ka talaga." "Talaga lang ah." Tawa pa ni Elmo at naglakad para umupo sa may sofa.  "Talagang talaga." Himutok ni Julie Anne at tiningnan na lang muli ang sarili. Maganda naman talaga siya diba? "Tama na kakatingin sa salamin hanggang ganyan na lang aabutin ng itsura mo." Pangaasar muli ni Elmo.  Julie rolled her eyes and started walking away. Araw ng graduation nila tapos pinipikon siya nito. Dumeretso siya sa kusina at bumunot ng chocolate sa freezer. Narinig niyang sumunod sa kanya si Elmo. Linalantakan na niya ang tsokolate nang marinig na bumunot ng tubig sa may refrigerator si Elmo at umupo pa sa harap niya. Nakangisi ito sa kanya habang kinakagatan niya ang hawak na chocolate bar.  "What?" Tanong niya.  Ngumisi lalo ang lalaki. Pwede ba yon? Gwapong nakakainis? "Kaya ka tumataba kain ka ng kain ng tsokolate."  "Ugh!" Inis na sabi ni Julie bago tumayo at binalik ang chocolate sa loob ng ref. Dapat talaga masanay na siya sa pangaalaska sa kanya ni Elmo eh. Bumalik siya sa may living room at umupo sa may sofa at linabas na lang ang telepono nang maramdaman na umupo nanaman sa tabi niya si Elmo.  What the f**k.  "Oo na ako na pangit, ako na mataba. Gwapo mo eh. Sila Kuya Gerald nga guluhin mo don." Inis na sabi ni Julie bago pa may masabi sa kanya si Elmo. Wala na. Sira na araw niya umagang umaga pa lang. Tiyak na ang pangit nanaman niya sa pictures mamaya. "Pikon ka nanaman joke lang." Natatawa na sabi ni Elmo.  Hindi ito pinansin ni Julie kaya naman sinimulan pindot pindutin ng lalaki ang tagiliran niya.  "Huy Tags, ito naman joke lang." Ani Elmo na natatawa pa rin.  Tumingin si Julie dito at nakitang malaki ang ngiti nito sa kanya na tipong nagpapacute pa. Wala na. Talo na kaagad siya.  "Oo na..."  "Talaga?" Pangungulit pa ni Elmo.  "Talagang talaga." Sagot ni Julie at tumayo na ulit. Tiningnan niya ulit si Elmo. "At saka pwede ba, alam ko naman hindi ako kagandahan sa paningin mo saka hindi kaaya aya itong katawan ko. Alam ko naman yon, wag mo na lang ipamuhka." Binilisan niya maglakad palabas ng bahay at dumeretso na lang sa may kotse.  "Kuya dito na ako sa loob ah. Papalamig lang." Paalam niya kay Kuya Gerald na nakaupo sa may garden at naghihintay lang.  "Wait lang Julie!" Sabi ni Kuya Gerald at pumunta din sa may kotse para buksan ang aircon.  "Thanks kuya." Ngiti ni Julie Anne at pumasok na sa loob. Pagkalanding ng pwet niya sa leather seat ng kotse ay kaagad namang salpak ng earphones sa kanyang tainga. She then closed her eyes and listened to the music booming through her headphones.  Bumukas sa gulat ang mga mata niya nang maramdaman na may bumunot sa kabilang earphone.  "What the--" "Tags, sorry na." Elmo gave her another puppy face. Napakadaya naman kasi nitong muhka ng lalaki na ito. Isang pout lang na ganun e bumibigay na siya.  "Okay nga lang ang kulit mo. Ano gusto mo kantahan pa kita para maniwala ka?"  "Galit ka pa rin eh." Pilit pa ni Elmo.  Napaikot ang mga mata ni Julie. Gustong gusto na niya sapakin ang muhka ng lalaki kahit na siguro gwapo pa rin ito kahit may bangas. "E kung hindi ka kasi nangaasar diba."  "Hindi na. Naniwala ka naman. Maganda ka kaya." Elmo gave a small smile.  Julie laughed wanly. As if. "Yeah right. Stop making paawa nga. You're napatawad na nga eh."  She closed her eyes and rested her head on the window again. Hindi naman na nagsalita si Elmo sa tabi niya. "Asan na ang mga bata?" "Nasa loob na sir." Bumukas ang mata ni Julie nang marinig ang boses ng mga magulang niya. She gave a ready smile.  "Ang ganda naman ng prinsesa ko!" Sabi ni Art nang makita siya. Nakasunod dito ang mommy niya. Her mom was looking a little bit pale, pero ganun talaga kapag... "O smile na ang prinsesa namin ha." Sabi ni Joy at inabot pa ang muhka ni Julie para halikan ang pisngi. And again Julie smiled. Di na bale kung ano isipin ng iba, basta mahal siya ng magulang niya.    Then Joy turned to Elmo, also smiling. "E itong binata natin Art aba gwapo din!"  "Thank you ma." Ngiti ni Elmo. Simula ng kupkupin siya ng mga San Jose ay nasanay na si Elmo na mama at papa ang itawag sa magulang ni Julie Anne. Nagsimula na magdrive si Kuya Gerald. Deretso na sa auditorium ang mga estudyante para ma-assemble.  "Tippy!" Tawag ni Julie Anne sa kaibigan nang makita ito sa may dulo ng auditorium.  Maligalig na kumaway din sa kanya si Tippy at nakipagbeso pa ito sa kanya. "Hey Jules! Ah, hello po tito, tita, Elmo." Bati din nito sa mga kasama ni Julie.  "Hello Tippy." Ani Mama ni Julie. "Asan na ang mama mo?"  "Nakaupo na po tita, sa harap po kayong parents."  "E yung iba nasa likod ah?" Nagtatakang tanong ni Art habang pinagmamasdan ang paligid. Totoo naman kasi. Ang ibang magulang ay sa mga nakahandang upuan sa likod nakapwesto.  Tippy gave a knowing smile. "E kasi tita, yung dalawang anak niyo parehong honor." Tila proud din na sabi nito.  And it was true. Valedictorian si Elmo at si Julie naman ay Salutatorian.  Dumating na ang head teacher ng high school department at pinaayos na sila ng pila.  Si Elmo ang huling uupo at si Julie naman ang mauuna sa kanya.  Tahimik lang silang dalawa habang tuloy ang pagtugtog ng graduation march at sabay sabay din nagmamartsa ang mga kabataan.  Hindi mapakali si Julie sa kinatatayuan. Kinakabahan kasi siya na baka hindi niya maalala ang salutatory speech niya. Kanina pa niya pinaglalaruan ang dulo ng suot na toga nang maramdaman na hinawakan ni Elmo ang kamay niya.  She stopped fidgeting and looked at the boy.  "Okay ka lang Tags?" Tanong ni Elmo. He was gripping her hand and she was thankful that it somehow brought warmth to her senses.  "Okay lang ako." Sagot naman niya kahit hindi totoo.  Elmo comfortingly smiled at her. "Kaya mo yan. Ikaw pa. Ako nga ang mas utal sa ating dalawa diba? Ikaw na lang magsabi ng speech ko."  "Baliw." Mahinang tawa ni Julie Anne. But it somehow comforted her.  "Kaya natin 'to Tags." Sabi naman ni Elmo at inakbayan pa si Julie Anne.  Si Tippy na first honorable mention ay napapailing sa tabi nila habang naghahanda maglakad.  "Please welcome, our honor students!"  That was their cue. Dumeretso sila ng tayo at nagsimula magmartsa hanggang sa nakaupo na sila sa harap.  The program went along smoothly. Pero pakiramdam ni Julie gusto na talaga niya sumuka sa kaba. It was just comforting that Elmo was holding her hand the whole time. Natural na lamang iyon sa kanilang dalawa and she knew that it was his way of comforting her.  Hanggang sa ito na nga at tinawang na siya para magsalita. Nanginginig ang paa na umakyat siya ng stage. She gripped the podium tight and saw almost hurled at the hundreds of people looking at her right now. Saglit na napadako ang tingin niya kay Elmo na nginitian lang siya.  Kahit na lagi siya nito inaasar, ito rin naman talaga ang source of comfort niya. She smiled back and started with her speech.  "To our president, Fr. Romualdo Perez, our vice-president, Fr. Logan Samaniego, administrators, teachers, staff, classmate and loved ones, a pleasant morning to you all." She paused and smiled at everyone first.  And she was glad that everyone seemed to be listening to her.  "This came as a surprise to me as I did not expect I would be this batch's salutatorian. I prided myself as a simple student, just wanting to learn and to apply the teachings this school provided for me. I will admit that I somehow pressured myself, knowing that my family comes from a long line of intellectuals. I worked hard to get here to where I am right now. And as they say, nothing worth having comes easy. And I know I am not the only one who worked hard to reach this day. To actually assure myself that I would be taking on the next step of my life. So to my classmates, let's give ourselves a round of applause."  Everyone clapped their hands and she smiled before speaking yet again.  "We've been through a lot; it's been one heck of a roller coaster ride for all of us. From the sleepless nights of studying for exams, to the joys of being with your friends and just enjoying going to school everyday to see them, to the lessons and activities our school has provided for us. All of that is a learning process. They say experience is the greatest teacher but our instructors and administrators comes to a tie with experience." Some laughed and Julie continued.  "We wouldn't be here if it weren't for them and I would like to take this oppurtunity to apologize for any trouble we've caused. We may not show it much but we truly appreciate and are thankful for what you've done for us. Of course, I wouldn't forget all of the friends I made, I know they always got my back." She paused again and lifted her head up one last time.  "And to my mommy and daddy, you've always been there for me, I know you two don't say much but I don't need to since you always make me feel loved. Thank you parents, I love you so much. To Elmo, hi Tags, thanks for being my best friend and always being there for me even though I sometimes want to wring your neck." She smiled at Elmo who smiled back at her. "I won't make this long, may speech pa si Elmo e."  Nagtawanan ang mga tao sa loob ng auditorium and Julie smiled one more time. "Thank you batch 2006, this won't be the last we'll see of each other. I'm sure we'll get together when we're the best version of ourselves. Text text na lang! Congratulations to us!"  Nagpalakpakan na ang mga tao at naupo na muli si Julie sa upuan niya. Ngumiti sa kanya si Elmo. "O diba. Kinakabahan naman ako ngayon." Tawa pa ni Elmo. Julie laughed back and gripped his hand. "Kaya mo yan. Ikaw pa."  Elmo stuttered his way with his own speech. But people were used to him being like that.  It was the end of his speech that he too thanked them all.  "To Papa and Mama, you are not my real parents but you always made me feel that I am your real son. And for that my thankfulness will not end. Julie, Tags, patawarin mo na ako, ikaw naman talaga ang pinakamaganda dito." "YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII" Namula si Julie at kunwari ay inikutan niya ng mata si Elmo.  "But anyways, talong talo ang speech ko kay Julie at hindi ko na pahahabain pa para makakain na tayo." Tawa pa ni Elmo. "Congratulations batch 2006! Kamustahan na lang!"  And finally the ceremony ended.  "Namanhid na ata pwet ko." Sabi ni Julie pagtapos ng mga ceremony. At siyempre hindi pwedeng walang picture taking. "Julie, Elmo smile!" Ngiti sa kanila ni Joy habang kinukunan sila ng picture.  Elmo wrapped one arm around Julie's shoulder and the latter wrapped one around his waist. "Julie!! Elmo!!" Tawag sa kanila ng mga kaklase nila.  Hinayaan naman sila ng mga magulang na makihalubilo sa mga kaklase. "Wag niyo kakalimutan paparty pa tayo!" Ani Sam, isang matalik nilang kaibigan.  "Kailan ba?" Tanong din ni Tippy habang inaayos ang buhok.  "Bahay namin!" Excited pa na sabi ni Sam. "Hindi naman kayo busy mamaya diba?" "Nope. Di naman. Lunch kami lalabas eh." Sagot ni Julie Anne. Sa gabi ay magpapahinga na lamang ang magulang niya kaya wala naman sila masyado plano. "Elmo congrats!"  They turned at the voice and saw a classmate of theirs.  Elmo smiled back at the girl. "Congratulations din Ehra!" And Ehra reached out to give Elmo a hug. Kahit nagulat ay yumakap naman pabalik si Elmo. Pasimpleng umiwas ng tingin si Julie para lang maitago ang nararamdamang selos.  "Congrats guys!" Ani Ehra nang bumitaw na si Elmo. Sam and Tippy smiled back and Julie simply nodded her head. Nang wala na nagsalita ay bumalik na sa mga kaibigan si Ehra. "Crush ka non pare." Ani Sam kay Elmo. He was even nudging Elmo's side.  Pasimpleng namula ang tainga ni Elmo at mahina pang napapangiti. Tahimik lang naman si Julie habang nakaakbay sa kanya si Tippy.  And after that they all said their goodbyes.  Sakay muli ng kotse ay dumeretso papunta sa isang restaurant ang pamilya San Jose. All the while ay nananahimik lamang si Julie. Ito nanaman at nakaramdam kasi siya ng selos. Wala ka karapatan magselos tandaan mo yan.  She breathed in and nodded to herself. Hindi lang talaga niya kaya makita si Elmo na maging 'intimate' sa ibang tao. Pero paulit ulit din naman niya sinasabi sa sarili that she needed to get over it. Hindi niya pagmamay-ari si Elmo at libre itong gawin ang kung ano man ang gusto nito.  itinulak niya ang lahat ng iniisip at ngumiti na lang sa sarili. Graduate na siya! Ayun ang importante.  She smiled to herself and enjoyed the lunch they had.  After enjoying a nice meal out, they all went on home to rest. Kaagad na nagbihis ng pambahay si Julie Anne at automatic na tumambay sa may living room nila. Kakagraduate pa lang nila pero pressured na siya sa susunod niyang gagawin. CEO ang papa niya ng pinakamalaking real estate firm sa Pilipinas, at gusto nito na kumuha siya ng kurso na babagay sa line of work na iyon. Pero ang totoo ay gusto niya kumuha ng fine arts. Kagaya kasi ng mama niya ay mahilig siya sa art.  "Lalim ng iniisip ah." Npatingin siya sa nagsalita at nakitang nakaupo na sa tabi niya si Elmo.  Kagaya niya ay nakapambahay na ito.  "Itutuloy mo ba ang engineering?" Tanong niya sa lalaki.  At walang pagtigil man lang na tumango si Elmo. "That's what papa wants. And gusto ko din naman."  Nang hindi magsalita si Julie ay nakuha kaagad ni Elmo. "Tags, you don't have to always follow your dad. Kung gusto mo mag fine arts then go for it."  But Julie shook her head. "I don't want to disappoint him. Saka baka hindi ako magtagumpay sa fine arts."  "Ikaw pa talaga?" Sabi ni Elmo. "Ayaw mo noon? Ikaw ang magiging Ms. Fine Arts ng school." Julie rolled her eyes at that. "Will you stop that. Guilty na guilty ka sa pinagsasabi mo kanina no. Sabi sayo maganda naman talaga ako. Hahaha charot." She joked.  Elmo had this small smile on his face as he looked at her. "Bakit, maganda ka naman talaga ah."  Julie's heart skipped a beat at that. Bakit ba kasi ang seryoso ng muhka nito. Baka maniwala siya. Wag ka magpapaniwala Julie, ikaw din magmumuhkang tanga sa dulo.  "Hahaha very funny. Kamusta nga pala kayo ni Ehra?" Ang galing din niya magsegway ng tanong. Ang kaso lang ayaw din pala niya malaman ang sagot. "H-huh? Walang kami ni Ehra." Ani pa ni Elmo na namula bigla ang tainga.  Pero hindi naman nito maitatago pa. Julie could read his actions. Muhkang may gusto din talaga ito kay Ehra.  "Wag ka kasing torpe." Sabi niya. Sige Julie, tulungan mo pa. "Bagal mo naman eh. Halata naman may crush sayo iyon. Diba may graduation party din sila next week? Bakit hindi ka pumunta?" Sa sobrang 'awesome' daw ng magiging party ay isang linggo ang pag-prepare. Well, ayon ang announcement sa school ng mismong barkada nila Ehra. "Eh nakakahiya di naman ako invited." Ani Elmo na napapakamot sa likod ng ulo.  Mahinang tumawa si Julie at pasimpleng sinapak ang braso ni Elmo. "Baliw, crush ka nga din non, kahit hindi ka invited."  "E pano yung recital niyo?" Oo nga no. Julie totally forgot. Sa summer kasi ay may recital silang mga pioneer na sa dati niyang music school. Hindi na siya regular na naglelesson dito pero dahil mahal na mahal siya ng director ay pinapabalik siya dito, kasama na ang iba pa niyang kaibigan. Muhkang magsasabay iyon.  "Ah...okay lang yun, di naman kailangan na pupunta ka." Julie smiled. Kahit na totoo ay gusto niya makita na nandoon ang lalaki. Pero ayaw naman niya ito pilitin.  "Baka magalit pa si papa kapag hindi ako pumunta." Ani Elmo na napapakamot nanaman sa likod ng ulo. "Alam ko naman na kung gano ka kagaling mag-piano eh." And that was what got to Julie again. Marahil ay kaibigan niya talaga si Elmo, pero alam niya na kalahati ng rason na ginagawa nito ang mga ginagawa nito para sa kanya ay dahil nga sa utang na loob nito sa papa niya.  She gave Elmo another gentle smile.  "Well that answers your problems, punta ka doon sa hindi ka napipilitan." Nakangiting naglakad siya palayo at napabuntong hininga na lang.  Julie, it's time you forget about your feelings for him. Patuloy ka lang naman kasi masasaktan.  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Hallo! Sinulat ko to bago magtrabaho yey haha! Ano masasabi niyo? Meet Ehra! Ang magiging bago nating favorite person in the whole world hahaha! Please comment :) Promise nakakatuwa makabasa ng mga isipin ninyo hehe. Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD